-54-
WITHOUT HIM
720 hours, 43,200 minutes and 2,592,000 seconds. It's been one month since umalis si Isaiah. Halos gabi-gabi akong iyak lang ng iyak. Wala akong ganang magtrabaho. My family were really bothered what is happening to me. Sobrang nagaalala na si Daddy Franz at Mama Steph. Even Zean was really worried.
Si Ninong Von ay ganoon din. Si Ninong Cedric ay nakailang check na rin sa akin to make sure that I'm okay. Si Sir Lance, bagama't nagaalala, ay galit na sa akin for delaying my projects. Simon and Harvey are always calling me and checking on me.
Lahat sila ay natatakot para sa akin. Sina Batman, Batgirl at Robin ay halos mapraning na sa pagbabatay sa akin. Ang mga fans ko ay nagiiyakan na. Pati nga mga dati kong bashers ay nagtatanong sa kalagayan ko.
Pero wala akong pakialam. Call me selfish because truly, I am. Ang alam ko lang, parang gumuho ang mundo ko!
"Anak, nasaan na ba si Isaiah? Naghiwalay na ba kayo?" Concern na tanong ni Mama ng minsang dumalaw siya at naabutan akong umiiyak sa aming kwarto ni Isaiah.
Pinunasan ko ang mga luha ko. "Hindi kami naghiwalay, Ma. Umuwi lang kasi siya sa planeta nila." Matamlay na sagot ko habang nakadapa pa rin sa kama namin ng aking nobyo.
"Ano kamo, Anak??" Gulat na gulat na tanong ni Mama.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko kinukwento ang buong katotohanan tungkol kay Isaiah. Inamin ko din sa kanya ang pagiging alien nito. Hindi ko na itinago. Gusto ko kasing may mapagtanungan kung tama ang desisyon ko na payagan siyang umuwi.
Mabuti na lamang at naniniwala si Mama sa totoong pag-ibig. Hindi niya ako kinutya o pinagtawanan sa kakaibang klase ng karelasyon na napili ko. Sinangayunan niya pa ang naging pasya ko. Pinayuhan niya pa ako na pagsubok lang daw ito sa pagmamahalan namin. Napakaswerte ko to have a very understandable mother. She's a perfect mother to us, and a perfect wife to my Daddy Franz.
"I really, really, really and absolutely miss him, Mama!" Huling sabi ko pa. "I feel empty without him." Amin ko pa.
My house is a mess. My career is the same. And most of all, I am totally ruined! Basag na basag ako! Hindi ko na alam kung paano ako makakabangon. Ang buong akala ko ay makakaya ko kahit paano na mamuhay at panindigan ang desisyon ko. Pero nagkamali ako! Parang ayaw ko ng huminga. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko na sinisigurong nakakain ako, malamang patay na ako.
Ang sakit-sakit-sakit ng nararamdaman ko. "T-Tama naman ang desisyon ko, hindi ba? Kung hindi ko ginawa ito, baka namatay na ang mga halaman sa sala." Naiyak na pagkausap ko sa repleksyon ko salamin.
Pakiramdam ko, maloloka na rin ako. Iyon na nga lang ang pinanghahawakan ko. Ang katotohanang unti-unti ng nagkukulay berde ulit ang mga halamang iniwan ni Isaiah sa aming sala. Ang mga halamang tanim niya noon pa na sabi nila ay konektado daw sa kanya.
"Pero masakit talaga! Miss na miss ko na siya." Sabi ko pa sa sarili ko at napahagulhol na naman.
Kitang-kita ko ang sarili ko sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko. Namayat ako na akala mo ay kinapitan ako ng malubhang sakit. Ang mga mata ko ay nangingitim at nanglalalim. Ang buhok ko ay bihira pa sa bihira ko kung suklayin. Ang mukha ko ay namumutla na dahil sa hindi na ako nasisinagan ng araw sa labas. Para akong patay na humihinga.
"Isaiah, miss na miss na kita." Lalo akong napahagulhol. Hindi ko alam kung kailan mauubos ang masagana kong luha.
"Pinamanahan mo nga ako ng kung anu-anong kayamanan, pero wala ka naman sa tabi ko!" Naiinis na sigaw ko.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...