-30-

2.9K 52 14
                                    

-30-

PAMAMAALAM

Pumasok na ang kapatid ko sa school. Sinamahan muna kasi niya ako dito sa flat ko kagabi, matapos nila akong i-uwi from the hospital. Ang sweet ni Zean dahil nagising akong may niluto na siyang breakfast para sa akin. Malambing talaga ang kapatid ko. Suplado lang sa hindi niya masyadong close. Ganyan din daw kasi si Daddy sabi ni Mama.

Tumawag sa ako kanina sa school at sinabi kong maghohome schooling na lang muna ako. Hindi kasi ako pwedeng maglalalabas dahil sa kalagayan ko. Ang sabi naman ng Dean namin, kailangan ko daw pumunta ngayon para personal na magsagot ng forms at kunin ang syllabus para sa home schooling.

Nang matapos akong maglunch ay nagprepare na ako para pumunta ng UST. Isang off-shoulders na blouse, mini skirt at boots ang napili kong suotin. Gagamitin ko din itong furry handbag ko. Ang sabi ng parents ko, bata pa lang daw ako ay attention seeker na ako. Tingin ko ay tama si Dad.

Kahapon kasi nang nakalabas ako ng hospital ay todo disguise pa ako. Medyo may kakaibang lungkot sa puso ko na halos sampung reporters lang ang nag-aantay sa akin sa labas ng hospital. Pati mga fans ay bawas na. May ilan pang nakakilala sa akin ang titingnan lang ako tapos ay nakikita kong nakikipagbulungan sa katabi nila. Sadyang malaking epekto sa career ko ang pagkamatay ni Ate Farah.

Kung pwede ko lang siyang buhayin, hukayin at iharap sa kanila para linawin niya ang pangalan ko ay ginawa ko na. Pero alam ko namang imposible iyon. Ang tangi ko lang magagawa ay magdasal dahil alam kong walang imposible sa kanya. Malilinis din ang pangalan ko.

Solo akong papasok sa school ngayon. Sina Batman, Robin at Batgirl ay binawi na ng Lao Entertainment sa akin. Sa kanila kasi iyon nirequest ni Daddy dati.

"Miss ZL, ayokong iwan ka." Naiyak na sambit ni Batgirl habang nagpapaalam.

Anim na taon ko din nakasama ang tatlong ito. Mula nang pumasok ako sa showbiz ay sila na halos ang alalay ko. Nakailang tauhan din ako noon sa simula, pero sila lang ang tumagal sa akin.

"Mamimiss kita." Naiiyak na ring sabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Kahit na sinusupladahan ko sila o sinusungitan ay hindi sila nagsawa sa akin dati. Kahit naman ganito ako, maluwag naman ako sa kanila. Kada byahe namin dati ay kasama ko sila at kung kailangan nila ng pera, lagi akong handa para sa kanila. Lalo na kung para sa kani-kanilang mga pamilya.

"Miss ZL, ingatan mo ang sarili mo ah. Kung ako lang ang masusunod, hindi ako aalis sa tabi mo kahit anong mangyari." Sabi naman ni Batman.

Never pa akong naging warm sa kanila. Pinakita ko talagang may boundaries sa aming mga relasyon. Na sila ay empleyado at ako ang amo. Pero bukod naman doon, mabait naman ako sa ibang bagay. Kung ano ang kinakain ko, iyon din ang sa mga personal assistants, bodyguard, at driver ko.

Kaya hindi ko na napigilang hindi yakapin si Batman. "Salamat sa pagprotekta ninyo sa akin, all these years. Sana naman ay naging mabuti akong amo sa inyo kahit malamig akong makisama." Naiiyak pa ding sabi ko.

Niyakap ako ng buong higpit ni Batman pabalik. Yakap ng isang nakakatandang kapatid ang dating sa akin. "Naging mabuti po kayo sa amin, Miss ZL. Hindi man kayo masyadong expressive sa pagpapakita ninyo nang pagmamahal sa amin, alam namin na mahalaga kami sa inyo." Sagot niya.

Napangiti na lamang ako ng makita ang tumulong luha sa kanyang mga mata. Although, hindi naman iyon nakabawas sa pagkalalaki ni Batman. At aaminin kong masaya ako na may mabuti rin naman pala akong ala-ala na maiiwan sa kanila.

Huli kong hinarap si Robin. Matangkad sa akin si Robin at machong-macho. Naiiling na lamang ako ng makita kong tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Partida iyan. Hindi pa ako nagsasalita ay umiiyak na siya.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon