-38-

2.4K 49 20
                                    

-38-

SKIPPED A BEAT

Gumaling na ako sa aking lagnat kinabukasan sa tulong ng palihim na pagbabantay at pagaalaga sa akin ni Isaiah sa loob ng kwarto ko. Kaya naman pwede ko nang harapin iyong shooting sa Tan Productions. Excited akong nagbihis. Ngayon lang ulit ako makukunan ng mga camera kaya excited na ako. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako sa kapatid ko at pumunta sa unit ni Isaiah.

"Mauna ka na muna, Zue. Pinapatawag ako sa prisinto." Sabi sa akin ni Isaiah ng papasukin niya muna ako sandali sa condo niya.

Kumunot ang noo ko. "Pulisya? Bakit? Anong kasalanan mo?" Nagtatakang tanong ko. Si Isaiah kasi ang tipo ng tao na masunurin sa batas kaya nagtataka ako.

"Nakunan ako ng CCTV sa barko. Pinapatawag ako para maimbistigahan sa kaso ng pagkamatay ni Farah." Balewalang sagot niya.

Parang wala lang sa kanya na maimbistigahan siya. Pero ako ay medyo nagpapanic na. Bakit kailangan niyang madamay sa bagay na iyon? Hindi pa nga sila nagkikita man lang ni Ate Farah eh. Masyado namang kontrobersyal ang kamatayan ni Ate Farah.

"Bakit ka pinapatawag? Ano namang kinalalaman mo doon?" Salubong ang mga kilay ko habang nagtatanong sa kanya.

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. "Ako lang kasi ang walang imbitasyon na nakita sa CCTV. Kaya nagdududa silang may kinalalaman ako doon. Tiyak akong nakunan ang pagsulpot ko at biglang paglalaho sa camera." Panatag na sagot niya.

Hinuli ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. "Paano kung mabunyag ang tunay mong pagkatao?" Kinakabahan ako para sa kanya kaya ko naitanong.

Kinurot pa niya ang ilong ko kaya napangiwi ako. "Malulusutan ko iyon. Huwag mo na akong alalahanin." Dagdag pa niya.

"Bakit kasi pumunta ka pa noon doon?"

"Nakita ko kasi sa panaginip ko noon na mahuhulog ang isang babae na may kulay silver na sapatos na may mataas ang takong. Nang makita kong may ganoon ka, hindi ba't tinago ko ang pares ng sapatos mong iyon? Pero dahil sadyang pasaway ka, tumuloy ka pa din gamit ang ibang sapatos. Kaya naman napasunod ako doon kasi nahulaan ko rin na mapapanganib ka na naman." Mahabang paliwanag niya na kahit konti ay walang kaba kang mababasa sa mga mata niya.

Paano nagagawang maging kampante ni Isaiah matapos ang lahat? Saka ipinagpalit nga ba ni Isaiah ang kaligtasan ng lihim niyang pagka-alien dahil sa akin? Ang tanging importante sa kanya ay ang kaligtasan ko. Hindi na niya naisip ang kaligtasan ng kanyang sikreto. Ganoon niya pala ako kamahal?

"Dapat ay hindi ka na lang kasi pumunta doon. Hindi naman ako mapapahamak doon eh. " Sabi ko sa kanya.

Kinulong niya ng kanyang mga palad ang aking mga pisngi. Natuliro na naman tuloy ang mga paru-paro ko sa inaasal niya. Lalo na at parang hinihigop na naman ako ng kanyang magagandang mga mata.

"Hindi baleng mapahamak ako. Huwag lang ikaw, Zue. Tandaan mo iyan."

Hindi ko tuloy napigilang yakapin siya. Masayang-masaya ako dahil mahal niya talaga ako. Kahit hindi pa niya sinasabi sa akin, damang-dama ko naman kaya ayos lang. Pakiramdam ko ay napakaswerte ko dahil sa pagmamahal niyang iyon.

"Mahal na mahal mo nga ako talaga." Sabi ko pa.

Sinagot niya ang yakap ko ng mas mahigpit na yapos sa aking bewang. Nakangiti pa siyang tumititig pa rin sa aking mga mata kaya pakiramdam ko ay nag-init ang aking mga pisngi. Bakit ba kasi ang galing magpakilig ni Isaiah eh?

"Kaya pumunta na tayo sa mga pupuntahan natin. Baka kapag natagalan pa tayo nito ay tamarin na akong umalis." Natatawang sabi pa niya.

Napakagat labi ako sa pagpipigil ng aking kilig. Lalo na at naiisip ko na mas maganda kung tatambay lang kami dito sa bahay niya at magyayakapan maghapon. Para tuloy tinatamad na rin akong umalis. Mas gusto ko pang makasama na lang siya dito.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon