-41-

2.2K 43 19
                                    

-41-

KAPALIT

Inakay niya ako sa isang bench. Tingin ko ay ito na ang perfect timing. "Harvey, may importante akong sasabihin sa iyo." Panimula ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa mga mata ko. Kaya naman naisip ko na inaantay niya ang sasabihin ko.

"Boyfriend ko iyong nakita mo kanina." Sabi ko.

Narinig ko siyang napamura ng mahina at napatingala. Napalingon ako sa kanya at kitang-kita ko kung paano siya nasasaktan. Kahit naman madalas akong maging cold ay naaapektuhan din naman ako kapag alam kong nakakasakit ako ng ibang tao. Pakiramdam ko ay ang sama ko kapag ganoon.

"Nakita ko nga. I was hoping na mali ang intindi ko, pero sad to say, tama nga." Malungkot na sabi niya habang nakatingala pa din.

"Sorry." Hingi ko ng paumanhin sa kanya. "Sorry kung sa tinagal-tagal mong nanliligaw sa akin ay sa iba tumibok ang puso ko. Noon ko pa naman sinasabi sa iyo na wala kang maasahan sa akin, di ba? Pero sorry talaga." Mahinang sabi ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti ng pilit. Alam kong ayaw niya lang ipahalata na nasasaktan siya. Pero hindi ko naman pwedeng itago sa kanya ang totoo tungkol sa amin ni Isaiah. Kaibigan na ang turing ko kay Harvey. Dahil kung hindi, the hell I care kung paasahin ko siya hanggang kusang magsawa siya. Pero importante nga kasi siya. At kung patatagalin ko pa ang pangliligaw niya ay mas magiging masakit lang sa kanya sa huli.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Napapikit ako dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niyang bakas ang kabiguan. I know that he's hurt. I can't do anything to help him. I have to be honest. Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya.

"Huwag kang magsorry. Masaya ka naman diba?" Malungkot na tanong niya sa akin.

Sht! Hindi ko kaya na may nasasaktan akong kapwa ko! Nakokonsensya ako! Kung pwede lang sana na tatlo ang puso ko para tig-iisa sina Harvey, Simon at Isaiah. Pero alam kong imposible. All I can do is to be honest. To let him realize that he must end his feelings towards me at once.

"Masaya ako. Never been this happy." Sagot ko.

Nagulat ako ng yakapin niya ako. Sa pagkagulat ko ay hindi ko malaman kung paano magrereact. Itutulak ko ba siya o yayakapin din? Natatakot akong makapagbigay pa ako ng pag-asa na pwede ko din siyang mahalin balang araw tulad ng nais niya, kapag sinuklian ko ang mahigpit niyang yakap sa akin.

"Eh di masaya na rin ako para sa iyo. Pero kapag kailangan mo ako, tawagin mo lang ako." Malambing na sabi niya.

Para naman akong nakahinga ng maluwag sa narinig ko sa kanya. Niyakap ko rin siya. Tutal naman ay malinaw na ang lahat sa aming dalawa.

Hindi naman nagtagal at bumitaw ako sa yakap niya. "Salamat nga pala kanina." Naalala kong siya ang sumagip sa akin.

Kung kanina ko pa kaya sinabi sa kanyang may nobyo na ako, gagawin niya pa rin kayang iligtas ako? Sabagay, kilala ko si Harvey. Alam kong likas din sa kanya ang pagiging mabait.

Nanglaki ang mata ko nang hindi siya sumagot pero muli niya akong niyakap ng mahigpit ng kanyang mga bisig. Damang-dama ko ang pinaghalong panghihinayang at pagkalungkot niya dahil hindi ako naging sa kanya. Hindi naman ako nagsisisi. Nagpakatotoo lang naman ko eh.

"Ano ba?!?" Galit na singhal ko kay Simon.

Halos madapa kasi ako nang bigla akong hatakin ni Simon patayo at palayo kay Harvey. Ohmaygad! Eto na naman po tayo!

"Alam ba ni Isaiah na nagpapayakap ka sa lalaking ito?!?" Galit na galit na tanong ni Simon.

Napangiwi na lang ako sa higpit ng hawak ni Simon sa aking pulsuhan. Ano bang masama kung nagyakap kami ni Harvey? Parang nagpaalamanan na nga kami sa isa't-isa eh. Sobra naman maka-react ang isang ito! Pero hindi ko naman magawang sabihin na bitawan niya ako. Baka kasi lalo lang siyang magalit at pagbuntunan si Harvey ng kanyang init ng ulo.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon