-43-
THE WINE
"Kuya Silver?" Tanging nasabi ko nang bigla kong nakita siya na nakatayo sa harap ng kotse ni Simon. Anong ginagawa niya dito? Nagkataon lang ba o sinadya niyang mapunta dito?Halata kong hindi din inaasahan ni Simon na naandito si Kuya Silver. "Just wait here." Tanging nasabi niya at bumaba ng kotse.
Pinanuod ko lang na nag-usap sa harap ng kotse ang magkapatid. Bukas ang makina, aircon at car stereo. Nakasara din ang bintana kaya wala akong marinig sa pinag-uusapan nila. Kabastusan naman kung ibaba ko ang car window para lang makinig. Kaya nanatili akong nakahalukipkip.Medyo matagal silang nag-usap. Napansin ko na parang naiinis ang mukha ni Simon, habang si Kuya Silver naman ay nakangisi. I really don't know what's going on.
Nang pumasok na si Simon ay natanaw ko din na pumasok na si Kuya Silver sa sarili niyang kotse. Isang mamahaling itim na sports car ang nakita kong minaneobra niya. Mayaman talaga ang mga Tan.
Out of curiousity ay hindi ko mapigilang magtanong kung anong napag-usapan nila. "Ano daw iyon?" Tanong ko sa kanya nang umandar na rin kami.
"Nagpunta siya doon sa resort para makausap ako. Naghihinala siya na nakakausap ko daw ang kanyang dating asawa."
Napakunot ang noo ko. Dating asawa? Hindi ko alam na may dati palang asawa si Kuya Silver. Well, nito ko lang naman kasi siya nakilala. Hindi tulad ni Simon na noon pang bata pa lamang kami. Noong mga panahong hindi pa siya tanggap ng kanyang Daddy Henry.
"Masama ba daw na makausap mo ang kanyang dating asawa?" Nagtatakang tanong ko.
Ano naman kung nakahuntahan ni Simon ang ex-wife ni Kuya Silver? Nakikibalita ba si Kuya sa kanya kaya tinanong niya si Simon? O baka naman nagseselos siya dahil nagkakausap sila ni Simon?
"Kasi nalaman ko na ikinulong niya sa France ang kanyang ex-wife sa isang mental asylum at pinalabas na naloloka." Anya ni Simon.
"Oh?"
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko akalain na ganoon kasama si Kuya Silver. Talaga bang nagawa niya iyon? Pero bakit? Baka naman may mabigat na dahilan si Kuya. Hindi lang siguro alam ni Simon kung ano iyon. Dahil malinaw na problema lang iyon ng dating mag-asawa.
Napabuga ng hangin si Simon. Nakatingin ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Habang siya naman ay nakatutok lang ang atensyon sa kalsada.
"Ang sama ng half brother ko, hindi ba?" Natatawa ng pilit na sabi pa niya.
I don't know what to say. Masyado kasing personal ang ishinare niya sa akin. I feel so dmn special! Ang mga ganitong topic ay hindi dapat pinaguusapan ng ganito lang. Masyado itong personal para sabihin sa isang kaibigan na tulad ko.
At lalong naguluhan ang utak ko nang sabihin niyang, "Kaya ikaw, magiingat ka sa kapatid ko."
Hindi na muli pang nagbukas ng topic si Simon kaya nanahimik na lang ako. Pero hindi ko mapigilang hindi isipin ang binunyag niya sa akin. Hindi ko nga lang kaya na literal na i-voice out sa kanya kasi baka isipin niyang masyado akong chismosa. Pababayaan ko na lang na siya ang magkuwento.
Pero totoo kaya ang sinabi ni Simon? Talaga bang ganoon ang ginawa ni Kuya Silver? Baka naman mali lang ang pagkakaintindi niya. Baka naman may detalye lang siyang namiss na magpapatunay na hindi ganoon kasama ang kapatid niya sa ama.
Pero sa huli, nakatulog ako sa byahe. Marahil ay dahil sa pagkalasing ko kanina. Nang bumigat ang talukap ng aking mga mata ay hindi ko na namalayan ang paligid.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...