-48-

2K 40 10
                                    

A/N:

Iyong feeling na nakapagsulat ka na ng isang buong chapter na nakatulugan mo at paggising mo ay hindi mo na save tapos lobat na iyong netbook. Sht lang!

______________________

-48-

ANG MGA PROBLEMA

Natulog kaming magkayakap ng mahigpit ni Isaiah. Ang sarap ng pakiramdam kapag ganitong kapiling ko siya. Hindi ko nalang muna inisip ang kanyang pag-alis ilang araw mula ngayon. Mas gusto ko na lang i-enjoy ang oras na magkasama kami.

Mula kahapon ay panay nga ang kuha ko ng litrato naming dalawa. Para naman kahit paano ay may remembrance ako ng pag-alis niya. Napilitan lang akong patayin ang celfone ko kagabi bago matulog kasi ang daming tumatawag sa akin. Tanging tawag at text lang ng pamilya ko ang sinasagot ko.

Alalang-alala sina Daddy kaya tinext ko siya na ayos lang ako. Salamat kay Isaiah at buhay pa ako. Nakampante naman sila at binilinan akong mag-ingat. Ang sabi pa sa akin ay gusto daw nila makausap ng masinsinan si Isaiah pag-uwi namin sa siyudad.

"Good morning, Baby!" Nakangiting bati ko kay Isaiah ng mapansin kong nagising na siya.

"Good morning, Zue!" Napapikit ako ng mariin ng halikan niya ako sa noo. Isa sa mga bagay na mamimiss ko ng sobra. Sobra-sobra kapag umuwi na siya sa bituin nila!

Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha at pinakatitigan iyon. Sinasaulo ko ang bawat detalye nito. Kung sana ay pwede kaming magkaanak bago siya umalis. Para naman may maiwan siyang alaala sa akin kahit paano. Pero baka maging mitsa lang iyon ng buhay niya.

"Baby, ipagluluto lang kita ng breakfast." Malambing na paalam ko.

Lalo niya naman akong niyakap papunta sa katawan niya. "No, Baby! Dito ka nalang muna. Ako na lang ang magluluto mamaya." Tanggi niya sabay yapos na parang ayaw na akong bitawan sa higpit.

Kinurot ko ang pisngi niya at tiningala siya para pagkuskusin ang mga ilong namin. "Ako na ang magluluto. I want to serve you while you are still with me. Pabayaan mo akong gawin ang lahat ng kaya ko para sa iyo. Habang naandito ka pa." Sabi ko sa nababasag na boses.

Sht! Hindi ko talaga kayang hindi isipin na any moment ay aalis na siya. Masakit iyong pakiramdam na parang wala ka nang magawa para solusyunan ang problema. Sobrang sakit. Dahil ngayon lang ako umibig ng ganito sa isang lalaki, tapos wala pa kaming magawa para alagaan ang pagmamahal na iyon ng mahabang panahon. We've got a few days to go, sht!

Agad akong napatayo. Hindi ko kayang ipakita kay Isaiah na naiiyak ako. Ako ang nagdesisyon nito kaya ayokong ipakita sa kanya na pinanghihinaan na ako ng loob. Baka magbago pa ang isip niyang umuwi sa kanilang bituin kapag nakita niya ang pagluha ko.

"Luto lang ako." Matipid na sabi ko bago makalabas ng pinto ng kwarto.

Hahawakan ko na sana ang door knob ng hawakan ni Isaiah ang kamay ko at yakapin ako mula sa likod. Iyong pinipigilan ko tuloy na mga luha ay tumulo na ng walang pasabi.

"Zue, this is what you want, right? Kung hindi mo kaya, hindi na lang kita iiwan." Madamdaming sambit niya na lalong kumurot sa puso ko. I know na napipilitan lang siyang sumunod sa desisyon ko.

Napapikit ako ng mariin at pinunasan ang mga luha ko. Pagkatapos ay saka ko siya hinarap at niyakap ang kanyang batok. Pinagtama ko ang aming mga paningin. Lalo akong nahihirapan ngayon nakikita ko ang namumulang mga mata ni Isaiah na nagbabadya din ng pagluha.

"Baby, okay lang ako. Hindi ko lang mapigilang hindi malungkot. Mahal kita eh. Pero huwag kang mag-alala. Ayos lang ako. Okay lang ako, Isaiah!" Malambing na sabi ko at hinalikan siya sa tungki ng ilong.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon