A/N:
Please play youtube video para mas feel. Naiiyak talaga ako dyan. Kainis!
WARNING: SPG & MATURED CONTENT. MAY BAD WORDS DIN. PAKI READY DIN ANG TISSUE DAHIL PAIIYAKIN KAYO NG CHAPTER NA ITO.
____________________________
-47-
FINAL DECISION
Agad kong dinamba ng yakap si Isaiah. Umiyak na ako ng umiyak sa dibdib niya. Natakot naman kasi ako. Sobra ang takot na naramdaman ko.
"Hey, stop crying, Baby." Anya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko ng isang kamay at yakap ako ng kabila.
Halos hindi na ako makahinga ng ayos sa sobrang pag-iyak. Barado na kasi ang ilong ko dahil sa sipon.
"A-Akala k-ko i-iniwan mo na ako." Sabi ko sa gitna ng paghikbi.
Inilayo siya ako ng konti at sinilip ang mukha ko. "Sshh.. Huwag ka nang umiyak. I promised you that I won't leave you, right?" Malambing na sabi niya.
Alam ko naman iyon na nangako siya. Sigurado akong tutuparin niya iyon. Pero paano kung mawala siya na beyond his control? Paano kung maglaho siya ng hindi niya alam? Paano na ako?
"Tumahan ka na, Baby. Masakit sa dibdib ko na makita kang umiiyak." Anya niya sa akin.
Pilit kong sinupil ang mga luha kong pumapatak para sa kanya. Ayoko din namang umiyak. Pero ang bigat lang kasi talaga sa dibdib. Sobrang bigat na parang hindi ako makahinga kapag hindi ko inilabas ang bumabagabag sa akin.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi habang nakatitig sa kanya. I just can't understand this. Hindi naman sa nagsisisi ako, pero ano bang ginawa ni Isaiah para mahalin ko siya ng ganito?
"Huwag mo akong iiwan, Isaiah." Tanging nasabi ko.
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Napag-usapan na natin iyan, di ba? I will never leave you. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula, pero all I know is I can't live without you, Zue. So please, stop worrying about non-sense things." Makabagbag damdaming sabi niya sa akin.
Kinagat ko ang mga labi ko. Ayoko ng umiyak! Bakit nga ba ako iyak ng iyak? Dapat ay palagi akong masaya dahil hindi ko alam kung kailan siya babawiin sa akin. Tulad na lang ng mga senyales na nakikita ko, alam kong malapit na. Sobrang lapit na!
Paano kung sa araw na dumating ang kanyang sundo, at hindi siya sumama, ay mamatay na siya agad? Makakaya ko ba? Ilang taon niyang inalagaan ang buhay niya. Tulad ng sinabi niya na iniwasan niyang makasakit ng tao. Ang kapalit ay buhay niya kapag nakapatay siya sa ating mundo. Pagkatapos dahil lang nakilala niya ako ay hahayaan niyang mabawi ito ng ganoon na lang? Sayang lang ang sakripisiyo niya kung ganoon.
Hindi ko na alam ang iisipin ko. Paulit-ulit na lang ang pagiisip ko ng solusyon dito sa problema namin. Nakakapagod pero hanggang ngayon, wala pa rin akong malinaw na solusyon. Kaya siguro mas mabuti pang magenjoy na lang muna kami. Baka mamaya ay makaisip na ako ng dapat gawin.
"Baby, swimming tayo." Yaya ko sa kanya.
Gusto kong magswimming. Gusto kong masama sa dagat ang lahat ng aking pinag-aalala. Natatandaan kong sa tuwing maririnig mo ang hampas ng dagat ay nakakarelax. Kailangan ko iyon para makapag-isip ng tama.
"Anything na gusto mo, Baby. Masusunod!" Listong sagot niya at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi ko mapigilan na lumukso sa tuwa ang puso ko. Masarap sa pakiramdam na alam ko kung gaano niya ako kamahal. Lahat ng gusto ko ay kanyang sinusunod. Kaya naman, kahit sabihin kong magpaiwan siya, kahit ikamatay niya, ay nasunod. Kung pakakawalan ko kaya siya ay makakatagpo pa ako ng ganitong klase ng lalaki na tulad niya? Sigurado akong hindi na.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...