-21-
INAABANGAN
Lumabas na lang muna ako ng cruise ship. Pumunta ako sa upper deck na may dala-dalang wine. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong sinabi ni Ate Farah kay Kuya Silver. Magkaka-anak na sila at hiniwalayan pa siya ni Silver? Mga lalaki nga naman, oo!
Nakisilip ako sa dagat. Nakasandal lang ako sa barandilya. Napatingin kaming lahat sa langit ng magpasimula na nang fireworks display ang Tan Staff. Ang ganda at mukhang pinaghirapan ng lahat. Kalahati pa lang ng wine glass ang naiinom ko ay hilong-hilo na ako. Siguro ay dahil sa dami ng nainom ko mula kanina.
Manghang-mangha kami sa makukulay na fireworks nang magkaroon ng pagyanig. Napahawak ako sa bakal para hindi ako mahulog. Pagkakurap ng mata ko ay nagulat na lang ako na nasa loob na ako ng cabin at inihihiga ni Isaiah.
"A-Anong ginagawa ko dito?" Natatakang tanong ko sa namumungay na mata. Kanina ay nasa taas ako ng barko. Isang kisap mata ay nasa loob ako ng cabin? Anong meroon? Para akong nag-teleport. "Bakit ka naandito?" Kunot na kunot ang noo na tanong ko pa.
Hindi ko matandaan na nakita ko si Isaiah kanina? Paano siya nakarating dito? Hindi naman siya artista kaya imposibleng maka-attend siya ng parting ito. Saka ang huli kong kita sa kanya ay nasa condo kami kanina. Pero paanong naandito siya.
"Magpahinga ka na." Malambing na sabi ni Isaiah sa akin. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't-isa. Nakahiga ako sa unan ng kama, habang siya ay nakayuko sa akin. Nakatuon ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Pero ang mukha namin ay halos isang dangkal na lamang ang layo.
Para naman akong nababato-balani na nakipaglabanan ng titig sa kanya. Marahil ay panaginip ito. Imposible kasing naandito si Isaiah. Imposible ring isang kisap mata ay nasa loob na ako ng Cabin. Kanina ay nasa upper deck ako. Paulit-ulit kong sasabihin na imposible talaga!
"Panaginip ka ba?" Tanong ko habang titig na titig sa kanya. Hindi ko na napigilan na haplusin ang pisngi niya. Ang gwapo niya kasi talaga. Ito na ata ang pinakamagandang panginip na na-experience ko. Grabe!
Hinawakan ni Isaiah ang kamay kong humahaplos sa mukha niya. Hinuli niya iyon at ginawaran ng halik ang aking palad. "Oo. Panaginip lang ito." Nakangiting sabi niya. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Nagpanic ang mga paru-paro kaya naghabulan at sikmura ko.
Talaga nga sigurong panginip ang lahat. Hindi naman palangiti ng ganito si Isaiah. Imposible rin ang paglalambing niya sa akin. Kung pangarap lang ito, hinihiling ko na huwag na akong magising.
Napangiti ako. May naiisip kasi akong kapilyahan. "Tutal panaginip lang naman ito, please kiss me." Pakiusap ko. Never pa akong nakiusap sa isang lalaki na halikan ako. Para sa akin, wala na akong pakialam. How can it be so wrong, when it feels si right? Basta ang alam ko, gusto ko lang ulit siyang mahalikan. Nabitin kasi ako noong halikan niya ako sa jogging eh.
Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Isaiah. Parang gusto niya, pero may pumipigil sa kanya. Kaya ang ginawa ko, bago pa siya makapagdesisyon, kinabig ko na ang batok niya palapit sa akin.
Napapikit na lang ako ng magtama muli ang mga labi namin. Iyong halik niya na napaka-ingat ay naghahatid sa akin ng libo-libong kuryente. Ang mga paru-paro ay nagrerejoice dahil kahalikan ko ang kanilang amo.
Napasinghap na lang ako ng maramdaman ko ang haplos ni Isaiah sa aking braso. Nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama, habang nakadukwang ang itaas ng kanyang katawan sa akin.
Lalo ko pang pinag-igihan ang paghalik ko. Ginaya ko lang ang ginagawa niya ng unti-unti na niyang igalaw ang kanyang mga labi sa labi ko. Halos mapugto ang hininga ko nang bigkasin niya ang pangalan ko. "Zue." Halos paungol na sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...