-35-
REVELATIONS
Hindi ko pa rin malinawan kung bakit kami naandito sa museum. Palinga-linga lang ako sa mga display dahil ngayon lang ako nakapasok dito. Talagang mamamangha ka sa mga antiques na nakadisplay dito.
Nagtaka ako ng marahan akong hilahin ni Isaiah papunta sa isang naka salamin na display. Nakita ko ang isang kulay emerald na ipit ata sa buhok. Nang basahin ko ang description ay nabasa kong ipit iyon ng isang prinsesa na 400 years na ang nakakaraan.
Napahawak ako sa aking dibdib. May kakaiba kasing pintig ang puso ko ngayon habang pinagmamasdan kong mabuti ang ipit na ito. Parang nakita ko na siya na hindi ko maintindihan.
"Ang ipit na iyan, Zue ay binigay sa akin ng prinsesang nasa litrato." Panimula niya.
Tiningnan ko naman ang sinasabi niyang litrato sa gilid ng estante. Medyo nagulat ako dahil may pagkakahawig ko siya. Nabasa ko na siya ay anak ng isang bayani natin dito sa Pilipinas ang may-ari ng ipit.
"Nagpapatawa ka ba? Paanong ibibigay niya ito sa iyo? Apat na daang taon na ang nakakaraan ng mamatay ang may-ari nito eh. Ano iyon, magic? May time machine ka?" Sarkastikang natawa ako.
Pero agad ding nawala ang ngiti ko ng makita ko ang seryoso ang kanyang mukha na nakatitig sa akin. Titig na titig na halos gumulo ng buong sistema ko. Lalo na ng lumapit siya sa harap ko at hawakan ang magkabila kong balikat.
Mabuti na lang at walang tao dito. Mukhang kaming dalawa nga lang ang interesadong pumunta sa museyong ito. Bakit kaya ganoon? Ang mga tao ay mas gustong mamasyal sa mga mall kesa sa mga museyo. Samantalang mas may katuturan ang mga makikita mo dito.
"Zue, I want you to listen to me carefully." Seryosong sambit niya. Imbes na kiligin ako, hindi ko alam kung bakit kaba ang bumabalot ngayon sa puso ko.
Huminga siya ng malalim at saglit na pumikit ng mariin. Nang sa tingin ko ay nakakuha na siya ng sapat na hangin ay saka siya nagsalita. Habang ako naman ay matiim lang na nakikinig....at kinakabahan.
"Ang babaeng iyan ang una kong minahal. She was my first love, Zue."
Hindi ko napigilang mapangiti. Hanggang sa napabunghalit na ako ng tawa. Habang siya naman ay seryosong pinapanood ako na mabaliw sa kakatawa. This is crazy!
"Iyan. Iyan ang sinasabi ko eh. Ganyan ba talaga kayong mga genius? Kung bakit naman kasi sa sobrang kababasa mo sa mga history book ay nainlove ka na sa laman noon." Sabi ko habang pinapahid ang luha ko dahil sa sobrang pagtawa ko.
Natigilan ako ng mas higpitan niya ang hawak sa balikat ko. Napatiim bagang pa siya kaya bumalik na naman ang aking kaba. Mukha siyang naiinis dahil hindi ko sineryoso ang sinabi niya.
Sino ba namang hindi matatawa? Seriously, ninuno ng sambayanang Pilipino, mahal niya? Wow! Ganito ata ang mga sobrang talino. Ang hirap unawain ng mga utak at puso nila ah.
"I'm serious. Don't laugh at me." Seryoso pa ring sabi niya. Napangiwi na nga ako sa igting ng hawak niya.
"Ano ba, Isaiah? Nasasaktan ako. Kasalanan ko bang matawa sa kabaliwan mo? Kung sabihin ko ba sa iyo na mahal ko si Dr. Jose Rizal, maniniwala ka? Hindi pa ako baliw para paniwalaang mahal mo ang isang babaeng apat na daang taon nang nabuhay sa mundo!" Inis na asik ko at umatras ako para mabitawan na niya ako.
Pero muli ay lumapit siya sa akin. Seryoso ang mukha at nakatitig pa rin sa akin.
"Totoo ang sinasabi ko. Dahil nakilala ko siya noong bagong dating ako dito sa planeta ninyo. Apat na daang taon na akong nabubuhay dito, Zue. Apat na daan na akong naghihintay ng sundo ko."
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...