-26-

3K 59 21
                                    

-26-

WHAT HAPPENED?

Kanina pa ako parang baliw na nangingiti dito. Kasi naman, iyong yakap ni Isaiah sa akin kanina ay ayaw akong patigilin sa pagka-kilig eh! Nagtataka nga ako at walang pagod sa paglipad ang mga paru-paro sa aking tiyan. Pati sila ay maligayang-maligaya.

Nakataas ang paa ko dito sa couch niya. Pinapanuod ko siyang dinidiligan itong mga tanim niya sa loob ng bahay. Kakaiba talaga ang disenyo nitong unit niya. Isama mo pa itong magandang garden na nasa gilid ng living room niya.

"Bakit may halamanan ka diyan?" Tanong ko habang kumakain ng chips na nakuha ko sa kitchen kabinet niya. Feel at home lang ang peg ko. Ang sarap talaga ng imported na chips!

Patuloy lang siya sa pagdilig. "Importante ito sa akin. Kapag namatay ang mga halamang ito ay mamatay din ako." Sagot niya habang abala sa kanyang mga tanim.

"Ah. Ok." Tanging naisagot ko.

Sobra palang nature lover si Isaiah? Iyon kasing iba, mamatay sila kapag nawala ang asawa, boyfriend, kaibigan o kahit alagang aso. Pero si Isaiah, halaman lang ay ikamamatay niya na daw? Ganoon ba ka-imported ang mga plants niyang iyan para pagluksaan niya ng sobra kapag nanguluntoy? Sabagay, parang rare plants sila.

"Hindi ka ba papasok sa school mamaya?" Tanong niya sa akin habang tinatanggal ang patay na dahon sa isa niyang halaman. Mga halaman na hindi ko alam ang tawag. Parang ngayon pa lang ako nakita ng ganyan.

Umiling ako kahit hindi naman siya sa akin nakatingin. "Hindi muna siguro. Paano ako makakalabas ng ganito?" Tanong ko pa na ang tinutukoy ko ay ang pagkakagulo ng mga reporters sa labas.

"Sabagay. Mas mabuti nga sigurong magpahinga ka na lang muna. Babalik ka ba sa unit mo?" Tanong niya na ngayon ay sumulyap na sa akin. Napalunok tuloy ako. Meroon kasi talaga sa mga titig niya na lumiligalig sa puso ko. Nakakawindang!

Natigilan ako. Babalik na nga ba ako sa bahay ko? Pero paano ko naman magagawa iyon? "Check ko muna." Sagot ko. Kaya naisipan kong tumayo para silipin sa butas ng kanyang pinto at ng kanyang monitor sa labas kung madami pang tao.

Tulad ng inaasahan ko, madami pa ring reporters sa labas. Nakita ko din si Simon na naandoon pa din. Napansin ko na tulala lang siyang nakaupo sa sahig.

"Hala! Baka iniisip ni Simon kung saan ako biglang nagpunta." Palatak ko habang nakatingin pa din mula dito sa loob kung anong nangyayari sa labas. Bigla nga pala akong nawala. Tiyak na lalo akong pagkakaguluhan nito sa pagkakateleport ko!

Halos manigas ako at hindi na makagalaw sa panonood sa labas nang maramdaman ko ang presensiya ni Isaiah sa likod ko. Kulang na lang ay lumutang ako sa alapaap dahil sa sobrang pagpagaspas ng mga paru-paro sa sikmura ko. Parang tuwang-tuwa sila talaga sa presensiya ng kanilang amo.

"Nagaalala ka sa kanya? Gusto mong pagkaguluhan? Eh di lumabas ka." Sarkastikong sabi niya sabay abot ng doorknob mula sa likod ko.

Iyong paghinga ko ay parang naging irregular. Damang-dama ko kasi ang kanyang firm chest sa likod ko dahil sa pagkakadukwang niya. Simpleng paglapit lang ni Isaiah ay parang hihimatayin na ako. Amoy na amoy ko pa ang bango niya. Napatitig lang tuloy ako sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nasa doorknob.

"H-Huwag. Wala naman akong balak na lumabas." Nauutal pang sabi ko. Bakit naman kasi ang gwapo talaga ni Isaiah eh? Nakakainis kasi mukhang habang malapit siya ay hindi na magiging regular ang pintig ng puso ko. Grabe kasi ang pagtambol. Para akong hinahabol sa karera.

Napadistansiya ako bago pa man ako himatayin. Hindi ko na kasi talaga kaya. Parang papanawan na ako ng ulirat sa kilig. Iyong mukha ko ay parang may lagnat na dahil sa sobrang init.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon