-55-

1.9K 49 12
                                    

-55-

BABY

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong umalis si Isaiah. Hindi ko matandaan kung namalikmata lang ba ako nung nakita ko siya. Pero masaya ako na nakita ko siya. Marahil ay panaginip nga iyon. Dahil kung hindi panaginip iyon, malamang na hindi siya basta-basta mawawala ng ganoon at imposibleng hindi na muling magpapakita pa.

Ang daming nagbago sa mga buhay sa paligid ko. Si Zean ay nakapag-model na once para sa Armani Jeans. Pagkatapos noon ay madaming gustong kumuha ulit sa kanya pero tinanggihan niya. Mas gusto niya kasing magconcentrate sa pag-aaral niya. Running for Dean's List kasi sa college ang kapatid ko.

Last week ay nagkaroon ng movie special ang mga magulang ko. Ang dapat doon ay parang katuwaan lang dahil hindi naman talaga gusto ng Mama ko ang limelight. Actually, acting debut niya iyon. Dati ay nagmodelo na siya once, pero hindi na muli pang naulit noong college sila ni Daddy.

Malaki ang kinita ng pelikula ng aking mga magulang na sina Franz at Stephanie Roff. Madami ang nasabik kay Daddy na mga fans. Idagdag pa na hindi rin namin akalain ng masa na magaling palang umarte si Mama Steph namin. Kaya iyong pelikula nila ay magkakaroon ng ASIAN showing.

Si Ninong Von ay may asawa na. After all this years, masaya ako para sa kanya. Balita ko ay mahal na mahal daw niya ang kanyang asawa. Hindi nila akalain na magiging sila. Naging suplado kasi si Ninong Von simula ng mabroken-hearted sa isang babae na ayaw niyang pangalanan.

Si Simon ay nobyo na ata si Ashley. Hindi pa rin siya nagkukulang sa pagbabantay sa akin. Pero at the end of the day, mababalitaan ko na lang na magkasama pa rin silang dalawa. Masaya ako sa kanila kahit na hindi na talaga namin naibalik ang dating samahan namin ni Ash. Masyado na kasing malaki ang lamat. Isa pa, hanggang ngayon ay malaki pa rin ang selos niya sa akin. Kaya nga minsan, ay sinasadya ko na talagang umiwas kay Simon. Hindi naman niya ako resposbilidad para karguhin pa. I can take care of myself. O.A. lang talaga si Isaiah.

Si Atty. Jang at ang kanyang pamilya ay nagbakasyon ng ilang linggo sa New Zealand. Inasikaso niya doon ang ilan sa mga properties ni Isaiah na ipinamana sa akin, sa kanya at sa mga ampunan. Marangyang-marangya na ngayon ang kanilang buhay. Thanks to Isaiah!

Si Harvey ay single pa rin. Mas naging close kami nitong mga nakaraang araw. Alam kong kung naandito si Isaiah ay tiyak na magseselos iyon. He doesn't trust Harvey. Malinaw iyon noong bago siya umalis. Pero what can I do? He's my closest friend sa ngayon. Siya ang kasama ko kapag umiiwas ako kay Simon para maging happy sila ni Ashley. Siya din ang madalas na kapartner ko pa din sa mga pelikula.

Kung sinaway ko man si Isaiah sa pagiging malapit namin ni Harvey, hindi ko naman siya magawang kontrahin sa isa sa mga madiin niyang bilin. Hindi na ako nagkaroon ng kissing scene kahit kailan. Hanggang yakap lang ang mapapanuod sa aking mga pelikula. Ayos lang naman kay Sir Lance Lao dahil hindi naman ako p0rn star. Isa na akong dekalidad na actress. Queen of Drama na nga ang tawag sa akin ngayon.

Namatay na ang ina ni Silver kaya pakakasalan na daw ni Sir Henry Tan si Tita Fatima next year. Masaya ako para sa kanilang pamilya. At mas masaya ako dahil pinagbabayaran na ni Silver lahat ng krimen na nagawa niya kasama iyong right hand niya. Iyong madalas kong makita noon na lalaki sa tuwing may mangyayari sa aking masama.

Everything is falling into it's right places. Ultimo sina Batman at Batgirl, mga P.A. ko ay naging magkasintahan na. Si Robin ay nagulat na lang kami na may anak na pala sa pagkabinata.

Everybody is moving forward with their lives. Lahat ay naka-move on na sa kanya-kanyang buhay. Lahat sila except sa akin. Hindi ko pa rin nalilimutan si Isaiah. May mga kilalang binata ang nangliligaw sa akin. Pero sa huli ay basted pa din sila. Naghahanap kasi ako ng tulad ni Isaiah. I guess, wala talagang makakapantay sa kanya. Because every single individual is unique to others. That is the secret of life. Kaya eto ako ngayon. Single pa rin pero hindi ko hinahayaang maging available ang puso ko sa iba.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon