-33-

2.3K 46 25
                                    

-33-

TULONG!!

"Kailangan po ng pasyente ng pahinga. Iwasan po muna niya ang stress kasi mukhang hindi siya nakakain at nakakatulog ng ayos. Ang laki din po ng ibinaba ng kanyang timbang." Narinig kong boses ng lalaki na sa tingin ko ay ang madalas ko ng Doctor.

Hindi ko muna iminulat ang aking mga mata. Tama ang Doktor. Masyado akong madaming iniisip nitong mga nakaraan. Hindi nga ako nakakain ng ayos at nakakatulog ng mahaba-haba at maayos. Palagi akong tulog manok. At ngayon ko parang gustong bumawi.

"Pero bakit po mataas ang lagnat ng pasyente?"

Tumikhim muna ang Doctor. "Dahil sa sobrang takot kaya siya nilagnat." Paliwanag pa niya sa kausap.

"Salamat po, Doc. Tawagin ko na lang po kayo kapag nagising na ang pasyente." Alam kong boses iyon ni Isaiah.

Natatandaan ko na may masamang nilalang, na hindi ko alam kung sino, ang nagiwan ng regalo sa labas ng condo ko. Nang binuksan ko ay laking gulat kong palakang buhay ang laman noon. Sa sobrang takot ko ay nagtatalon at natiti-tili ako.

Narinig iyon marahil ni Isaiah. Kaya nang buksan niya ang unit niya ay halos talunin ko siya yakap. Hanggang sa magdilim na ng tuluyan ang aking paningin at himatayin.

Nagising na lang akong nasa stretcher na papasok dito sa hospital. "Isaiah, iuwi mo na ako." Sabi ko pa sa kanya.

Kagabi lang ay naandito ako. Ngayon ay naandito na naman? Wow! Nagiging suki ata ako ng hospital ah? Ito na ata ang nagiging tambayan ko?

"Dito na muna tayo. Para alam nating safe ka." Sagot niya sa akin.

Sobrang convincing ang mukha niya na mawawalan ka na ng gana na kumontra. Hindi na ako kumontra at pumayag na lamang ako. Hinayaan ko na lamang ang mga nurse at doktor kanina na tingnan akong mabuti.

Tinanong ako ng doktor kung anong nangyari. Walang pag-aalinlangan ko namang kinuwento ang lahat. Mataas na lagnat lang ang findings sa akin kanina. Kapag bumaba daw iyon at nawala ay pwede na rin daw akong umuwi. Wala naman daw silang nakitang mali sa akin. Mukhang kulang lang daw ako sa pahinga at pagkain ng tama.

Hindi nga rin pala ako halos nakapag-hapunan. Walang masyadong laman ang aking tiyan. Pagod, gutom, at nerbyos ang dahilan ng pagkahimatay ko. Syempre, idagdag pa ang sobrang takot kaya ako hinimatay, di ba?

Ipina-dextrose na rin ako ni Doc. Para daw mabilis akong lumakas. Ang sabi ko, hindi na kailangan. Pero ang OA na si Isaiah, hindi pumayag hangga't hindi ako nako-confine.

Pagdating ng madaling araw ay bumaba na ang lagnat ko. Pero bigla naman akong nakaramdam ng hilo. Hilo na parang umiikot ang paligid ko. Kaya ito. Imbes na makauwi ako, hanggang mamaya pa daw ako dito.

"Bakit ba kulang ka sa pahinga?" Pagkausap sa akin ni Isaiah, kahit alam niyang tulog ako.

Syempre, ang alam niya ay tulog ako. Kaya kahit gusto kong sumagot ay hindi ko ginawa. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpapanggap na tulog.

Ok na sana ang lahat eh. Madali lang namang magpanggap na tulog, dahil talaga namang antok pa ako. Pero nahirapan lang ako sa drama ko, nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko.

'Sht!' Lihim na mura ko.

Naramdaman ko kasi ang pag-trace ng finger niya mula sa pikit kong mata, ilong na matangos at sa aking labi.

'Wahh!' Pigil ang hininga at nakapikit na tili ng puso ko.

Sino ba namang hindi tatalon ang puso? Naramdaman ko ang paglapat ng daliri niya sa labi ko kaya nahirapan na naman akong huminga ng ayos. Kainis! Kung bakit naman kasi kung saan-saan nagpupu-punta ang daliring iyan ni Isaiah eh?! May kung ano pa namang kuryente ang gumapang sa buong katawan ko dahil sa ginawa niya!

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon