A/N:
Warning: BAD WORDS ALERT.
_______________________________
-2-
SINO SIYA?
Lumipas ang panahon at highschool na kami. Fourth year highschool to be exact. Magkakalase pa rin kaming tatlong magkaibigan. Dito pa rin kami sa St. John Colleges nagaaral. Dahil dito sa lugar namin, ito ang parang UP Diliman. Maganda ang standards at pagpapatakbo ng mga Zacarias sa kanilang paaralan. Dito rin pati sa school na ito ay madaming tulad kong artista ang nagaaral bukod sa aming dalawa ni Ashley.
Sikat na sikat na ako sa larangan ng showbiz. Mabuti nga at nababalanse ko ang pag-aaral at ang aking career. Magaling naman ako sa time management. Siguro ay dahil bata pa lang ako ay nasanay na ako bilang artista. Kaya ngayong 16 years old na ako, everything is going on smoothly. Walang hassles, walang worries.
"ZL, ang gagawin natin ay aangkas ka kay Harvey. Tapos pagdating doon sa dulong iyon ay tatalon ang motor doon. Hayaan lang ninyong tumalon iyong motor sa tulay kasama kayo. May mga harness naman kayong suot. Bago kayo bumagsak diyan sa Ilog Pasig ay hihilahin na kayo ng harness." Explain ni Direk sa amin.
Naandito kasi ako sa shooting ng action-romance kong movie. Kapartner ko ang sikat na sikat na teenage icon na lalaki na si Harvey Ching. Kasali din sa pelikulang ito bilang second lead actress ang kaibigan kong si Ashley. Ako ang nakiusap kay Direk na isama siya. Gusto ko kasi sa bawat pelikula ko ay lagi siyang kasama. Gusto kong parehas kaming kumikita. Ganyan ako magmahal ng kaibigan.
"Basta kumapit ka lang ng mahigpit sa bewang ko, ZL. I'll make sure na kung masasaktan ka ay masasaktan din ako. Hindi kita hahayaang mag-isa." Nakangiting sabi ni Harvey. Halatang nagpapacute pa siya sa akin ng hawiin niya ng mga daliri ang buhok niya.
Noong isang taon kasi ay nakatambal ko din si Harvey sa isang teleserye sa tv. Isang taon ding namayagpag sa ere ang palabas na iyon. Inaamin kong nakadagdag iyon ng aming popularity. At simula ng makapareha ko siya sa teleseryeng iyon ay unti-unti na siyang nadevelop sa akin. Hanggang sa matatapos na ang isang taon nang magtapat siya sa akin na gusto niya akong maging girlfriend.
Hindi maipagkakaila na maganda ang chemistry naming dalawa sa mga pelikula. Palaging malakas sa mga manonood ang kung anumang project na ibigay sa amin. Kahit MTV na kinuha lang kaming artista ay kumita. Ang pangit ng boses noong singer, pero nag-triple platinum iyon dahil kasali kami ni Harvey sa music video.
Nag-model din kaming dalawa para sa isang hindi pa masyadong sikat na fastfood chain noon. Pero walang dalawang linggo ay nakatanggap agad kaming dalawa ng kanya-kanya naming bonus. Ang sabi kasi ng may-ari, simula nang kinuha nila kaming model ay 30 franchise na agad ang natanggap nila sa loob ng isang linggo.
Nagmodel din kami ng sabong panglaba. Mabango naman ang panglabang iyon at nakakalinis din naman. Pero noon kasi ay may bali-balita na may halo daw iyong chalk. Kaya kinuha nila ang serbisyo namin ni Harvey para itaas ang kita nila. Hindi naman sila nagkamali. Dahil wala pang kalahating araw na ipinapalabas ang commercial namin sa tv ay out of stock na daw ang sabong iyon sa mga grocery.
Kinuha din kaming dalawa bilang model ng softdrink commercial. Ang brand ng softdrink na iyon ay never heard. Ang sabi kasi ay hindi daw ganoon kasarap ang lasa ng softdrinks na iyon. Ang sabi nila, may after taste daw ito kapag ininom. Pero wala pang isang araw na nakapaskil sa EDSA ang aming billboard ay halos maubusan na sila ng truck na magdedeliver sa mga tindahan at groceries dahil ang dami daw naghahanap ng softdrink na ini-endorse namin.
Kumbaga, ganoon kami kasikat sa mga kabataan. Kahit ata panis na pagkain, kapag sinabi namin ni Harvey na masarap ay bibilihin ng mga tao. Hindi rin naman kami nasasangkot sa kahit na anong eskandalo kaya role models of the youth kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...