-SPECIAL CHAPTER-
Lumipas ang halos dalawang taon. Five years old na si Chevy, magtatatlo na si Isazhi sa ika-apat na buwan, at first birthday naman ni Quin ngayon.
Tama kayo! Lalaki pa rin ang ikatlo naming anak. Kaya sinisiguro ko kay Zue na kapag natuto nang maglakad si Quin ay susubukan kong gumawa ulit kami. By that time, sana naman ay babae na.
Ang gugwapo ng mga supling namin ni Zue lalo na ngayong birthday celebration ni Bunso. Habang lumalaki unti-unti ang tatlo ay mas lalo ko daw nagiging hawig ang panganay ko at ang bunso. Habang ang ikalawa daw namin ay pinaghalo namin ni Zue. Kaya gustong magkaroon ng babae. Gusto kong magkaroon ng little Zue sa aming tahanan.
"Happy Birthday, Quin!" Bati ni Simon habang buhat-buhat si Lovey.
Buti pa sila Simon at Ashley at may anak na silang babae. Ang nakakatuwa pa, kahit babae ay kahawig ni Simon. Walang tinapon! Para siyang babaeng version ng tatay niya.
"Thank you, Ninong!" Sagot ni Zue para kay Quin habang buhat-buhat ang birthday boy namin.
Hindi pa naman kasi nakakapagsalita ang anak ko ng ayos. Isang taon na siya pero parang bihira kong marinig magsalita. Wala naman daw diprensiya sabi ni Doctora.
"Happy Birthday, Baby!" Bati naman ni Ashley habang nilalaro ang kamay ni Quin.
"Thank you po!" Anya ni Zue para muli kay Quin.
Okay na iyang dalawang iyan. Bago ikasal sina Ashley at Simon ay bati na talaga sila ni Zue. Masaya naman ako at ayos na ang lahat sa kanila. After all, siya ang kasama ni Zue noong unang beses ko siyang sinagip noon ng muntik na siyang mabangga ng truck. High-schoolers pa lamang sila noon.
"Salamat sa pagpunta." Pasasalamat ko sa mag-asawa.
Ngumiti sa akin si Simon. "Ayos lang iyon, Pareng Isaiah!" At tinapik pa ang likod ko.
Nang makaalis ang mag-asawa ay si Zean naman ang lumapit sa amin."Happy Birthday sa bunso kong pamangkin." Bati niya sabay kuha sa anak namin at siya ang nagkarga.
Nagtatrabaho na ang bunsong kapatid ni Zue. Graduate siya ng Aeronautics. Tulad ni Daddy Franz ay gwapo din si Zean. Minsan nga ay napagkakamalan pa siyang kapatid ko.
Porke't gwapo si Bayaw eh kapatid ko na agad? Weird talaga ng mga tao!
"Maggirlfriend ka na kasi para magkaroon ka na din ng ganyan." Biro ko sa kanya. Close na close kami ni Zean. At hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang mamahalin kong telescope.
"Oo nga!" Sang-ayon ng asawa ko at humilig sa aking balikat.
Ngumuso naman si Zean. "Ayoko! Ang sarap ng single at ready to mingle eh!" Playboy na playboy na sabi niya.
Umiling ako. "Hoy! Hindi kaya! Mas masarap ang may asawa. Lalo na kung tulad ng Ate mo." Pambobola ko kay Zue na muli niyang ikinapula.
Napangiwi ako ng kurutin ako ni Zue ng pino. "Bolero ka!" Nangingiting asik niya.
Sinundot ko siya sa tagiliran at kiniliti. "Sus! Kilig ka naman." Biro ko pa sa kanya. Habang iniilagan ang kiliti ko sa kanya.
"Pwede ba? Baka langgamin kayo!" Naiiritang asik sa amin ni Zean.
"Inggit ka lang!" Halos sabay naming biro ni Zue sa kanya.
"Pss. Dyan na nga kayo! Akin na muna itong si Birthday Boy!" Naiinis na sabi niya at tumalikod na para lumayo sa aming mag-asawa. Natawa tuloy kami lalo.
Dahil wala na si Quin, niyaya ko nang maglibot muna sa mga bisita si Zue. Unang nilapitan namin si Harvey. Umupo ako sa tabi niya. Tatabi sana sa akin si Zue nang kawayan siya ng anak ni Ninong Von.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...