-59-

1.3K 41 4
                                    

A/N:

WARNING: SPG!

__________________________

-59-

MY DESTINY

Halos lumundag ako noon ng pumayag sina Daddy at Mama na pakasalan ko ang kakaibang si Isaiah. Sobra ang aking saya! Alam kong ito na ang ikabubuo ng pagkatao ko.... Ang makasal sa taong mahal ko.

Ang proposal na hinihintay ako ay halos ikahimatay ko sa kilig. Namataan kasi kami ng mga reporters na namimili ng singsing sa isang jewelry shop. Napagdesisyunan tuloy ni Isaiah na paunlakan ang mga press para magbigay siya ng mga pahayag.

Kinabukasan ay nagpapress conference ang Lao Entertainment para sa kanya. Nakakatuwang madami pa rin siyang fans tulad ng dati. Mga fans na naiintriga sa kakaiba niyang kapangyarihan. Idagdag na lang ang kanyang kagwapuhan at magandang pangangatawan. Celebrity material kumbaga!

"Zue, I have kept my promise. I am back! If ever I need to leave again, I want you to have my special promise that I will always be back for you. And that promise is my promise of marriage." Sabi niya sa camera habang on-air siya sa buong Pilipinas. Tiyak na maya-maya lang ay nasa youtube na itong Interview with ZL's Superman. Interview with ZL's Superman ang title ng presscon.

Muntik ng tumalon ang puso ko noon palabas ng rib cage ko ng marinig ko iyon sa backstage ng presscon. Nanunuod kasi ako sa monitor sa itaas.

"Zue, Baby, will you give me the honor of marrying the woman who loved me unconditionally? Will you hold on to my promise that whatever happens, I will always come back for you?" Pagpapatuloy niya habang nakatitig sa kamera.

Kahit sinong babaeng nanonood ay parang mararamdaman mo na parang ikaw ang kausap niya. But girls, I'm sorry! This one is clearly for me!

Kilig na kilig ako sa monitor habang pinapanood ko ang mga sinasabi niya. Literal na my heart skipped a beat nang magsalita na siyang muli.

"Zue Lorraine C. Roff, will you marry this humble extraordinary guy infront of the cameras? Will you marry me?"

Nawindang at nagkagulo ang mga reporters ng sumagot ako ng, "YES! I WILL!" Mula sa backstage.

Bumaba si Isaiah at may kahong inabot sa akin. Nakasunod ang camera. Nakunan nila tuloy ng buksan ko ang laman noong singsing na halatang mataas ang kilatis at mamahalin.

"Two years ago ko pa dapat ibibigay ito sa iyo. Natakot lang ako dahil alam kong noong panahong iyon ay baka paasahin lang kita sa wala." Nakaluhod na sabi niya habang isinusuot sa akin ang isang engagement ring na madaming bato.

"K-Kailan?" Nabubulol na tanong ko. Hindi magsink-in sa akin na may suokt na akong engagement ring.

Tumayo siya at niyakap ako. Halos masilaw ako sa mga kumukuha ng still photos. "Noong nasa fancy resto tayo." Bulong niya sa tenga ko.

Now, I know. Iyon pala iyon?!

**

One week kaming busy. I am glad na mukhang for good na nga ang pagtira niya dito sa mundo natin. Kaya hindi na kami nagdalawang isip na maghanda na para sa kasal.

"Bagay ba, Baby?" I asked him while wearing a long, tube-style wedding gown sample, dito sa isang boutique ng sikat na wedding gown designer.

Nasisiyahan ako ng mapansin ko ang pagkinang ng mata ni Isaiah habang tulalang nakatitig sa akin. Siya naman ay napaka gwapo sa suot niyang three-piece suit na sample ng Armani.

Nilapitan ko siya at mahinang hinaplos sa braso. Kailangan ko kasing makuha ang atensyon niya mula sa pagkakatulala niya. Nakatitig lang siya sa mga mata ko na halos manuot sa kaluluwa ko.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon