-15-
BASE
Wala akong ginawa mula kanina kung hindi ang magpabalik-balik sa front door ko para tingnan kung nakaalis na ba ang Papa ni Isaiah. Gustong-gusto ko kasing malaman kung kumusta na siya. Pero sa kasamaang palad, ayaw sa akin ng Papa niya kaya hindi ako makapunta-punta sa unit niya. Baka paalisin na naman kasi ako katulad kanina.
"Aghh!! Gustong kong pumunta sa bahay niya!" Naiinis na sabi ko sa kisame. Nakahiga na ako dito sa aking couch. Medyo inilapat ko muna ang aking likod dahil sa totoo lang, masakit na ito dahil sa kapabalik-balik ko sa labas.
Hindi ako mapalagay. Nawiwirduhan kasi talaga ako kay Isaiah. Ok na ok naman siya noong nagjo-jogging kami. Pinagsupalduhan pa ako at tinulungan na din ng bumangga ako sa puno. Nakuha pa nga niya akong halikan sa labi para lang patunayan na hindi siya bakla. Pero kung bakit naman kung kailan pauwi na kami ay bigla siyang nanghina at parang magic na nilagnat siya ng napakataas.
Napatayo ako bigla sa aking pagkakahiga. Pinisil-pisil ko ang magkabila kong mga daliri dahil sa pag-aalala. Hindi kaya namamatanda o kinulam si Isaiah? Kasi para siyang nabarang na bigla-bigla siyang nilagnat.
Buo na ang loob ko. Kailangan ko talagang makita siya kahit pa ipagtabuyan ako ng kanyang Ama. Sisiguraduhin ko lang naman kung ayos na ba siya eh. Hindi kasi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang kanyang kundisyon. Kapag nasiguro ko ang kaligtasan niya ay uuwi na rin ako.
Naligo akong muli at nagbihis. Kinuha ko ang aking simpleng shorts at t-shirt. Isinuot ko iyon at tiningnan ang aking sarili sa salamin. "Wahh! Mukha naman ako nitong hindi karispe-respeto. Baka lalo akong hindi magustuhan ng kanyang Papa." Kaya agad kong hinubad at nagpalit ng damit.
Kinuha ko ang jeans ko na fitting at isang blouse. I need to be decent sa mata ng magulang niya. Naandiyan na rin kaya ang Mama niya? Alam naman natin na ang mga Mama ay konserbatibo kesa sa mga Ama sa pagpili ng magiging manugang para sa kanilang anak, hindi ba?
"Manugang?" Tanong ko sa aking sarili. Biglang naglaro ang ngiti sa aking labi. Kaloka ang mga pinag-iisip ko ah. Masyado akong advance. Wala pa nga ako sa base 1 ay gusto ko na agad maka-homebase.
Para sa akin, ang base 1 ay ang magkuha ko ang interes niya. Base 2 ay kung magkakagusto na siya sa akin at liligawan ako. Base 3 ay kung magiging nobya na niya ako. Base 4 ay kung mamahalin na niya ako ng panghabambuhay. At ang Homebase ay kung pakakasalan na niya ako para matali sa akin habang buhay.
See? Masyado bang advance? Ewan ko ba. Basta nitong naramdaman ko ito kay Isaiah ay naiplano ko na ang lahat ng iyan. Lahat iyan ay pinagisipan ko mula ng umuwi ako kanina dito sa bahay mula sa unit niya. Mas maganda para sa akin ang may goal setting para hindi maging imposible na makamtan ang aking layunin. At ang goal ko ay ang maging asawa ni Isaiah!
Hinubad ko din ang pants. Hindi maganda na masyado akong sexy. Baka isipin ng magulang niya ay masyado kong pinagyayabang ang aking curves dahil isa akong artista. Madalas ay hindi pa naman gusto ng mga milyonaryong tao na tulad ng pamilya ni Isaiah ang mga artista. Kasi kapag may artista sa pamilya, magulo ang buhay. Madaming mga matang nakatingin palagi sa mga tulad namin.
Hinalingkwat ko ang aking walk-in closet. Napangiwi ako nang makita ko ang isang costume ko doon noong gumanap akong nerd sa isang pelikula namin ni Harvey last last year. Kahit na hindi ako komportable sa damit na ito ay naisipan kong ito ang isuot.
Ayon kasi sa takbo noong kwento, doon sa pelikulang pinaggamitan ko ng costume na ito, nagustuhan ako ng Nanay noong lalaki sa kwento nang makitang suot ko ito. Dahil hindi daw ako pangkaraniwang babae. Isa daw akong mabuting ehemplo sa mga kabataan na parang laging kinakapos sa tela ang mga suot sa panahon ngayon.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...