-13-

4K 65 21
                                    

-13-

MY FIRST

Maaga akong nagising. Medyo madilim pa sa labas kaya naisipan kong magkape na lang muna. Saturday ngayon at wala akong pasok sa school. Kaya dahil wala naman akong katulong dito sa condo ay naisipan kong maglinis ng aking bahay. Once in a blue moon lang ako sumpungin ng ganitong kasipagan kaya naman kailangan kong lubusin ito. Wala na kasi ako halos oras para maglinis dahil sa sobrang busy ko din.

Halo-halo na ang bahay ko. May mga scripts na nagamit na, mga balat ng pinagkainan ko ng chicheria, may mga damit akong madumi at kung anu-ano pa. My house is a total mess. Para itong hindi bahay ng isang babae. Nagwalis ako ng buong condo. Walis pa lang ay daig ko na ang naggym sa sobrang pawis ko. Pinulot ko ang lahat ng kalat ko. I really need to tidy up my place.

Hinugasan ko din ang laman ng lababo ko. Next time na magrocery ako ay bibili ako ng madaming plastic spoon and fork, plastic cups, at paper plates. Ayoko na nang ganito na ang dami kong hugasin. Pakiramdam ko ay gumagaspang na ang kamay ko dahil sa dishwashing liquid. Paano na ito kapag may mga fans na nakipagkamay sa akin? Huhu!

Kinolekta ko ang madudumi kong damit at dadalhin ko sa common laundry area sa baba ng condo. Kailangan ko na ding maglaba. Halos dalawang hamper na ang labahin ko. Hindi pa kasi ako nadadalaw ni Zean. Ang bunso kong kapatid ang nag-aasikaso ng madudumi kong damit dati eh. I miss my brother. Masyado atang busy sa kanyang school kaya hindi pa nabalik dito.

Kagabi ay dinalaw ako ng parents ko. Si Daddy ang naglinis ng aking banyo. Who would think na ang isang international artist na tulad niya ay magkukudkod ng toilet bowl? He would really do anything for his family. Iba talaga si Franz Roff. Swerte kami nina Mama.

Si Mama ko naman ay medyo nagbawas na ng kalat ko dito kagabi. Hindi nga lang natapos dahil ipinagluto niya rin ako ng ulam na good for one week. Inilagay niya iyon sa freezer ko at ilalagay ko na lang sa microwave kapag gusto ko ng kainin. Napakamaasikaso talaga ni Stephanie Cruz-Roff sa kanyang pamilya. No doubt na mahal na mahal siya ni Daddy.

Naka super shorts lang ako at sando. Itinaas ko lang ang buhok ko at tulak-tulak ko ang hamper ko palabas ng aking unit. Pero pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Isaiah na kalalabas lang din ng unit niya.

"Sir." Tanging nasabi ko. Daig ko pa ang natuklaw ng ahas nang makita ko siya. Natulala na lang ako sa kanya. Naka jogging pants siya at sleeveless na itim na sando. Naka suot din siya ng kanyang rubber shoes na may check sign.

Halos manginig ang aking tuhod ng lumapit siya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Zue." Iyon lang ang nasabi niya pero parang musika na sa aking tenga.

Kumunot pa ang kanyang noo habang tinitingnan ako. Oh noes! Ang pangit nga pala ng suot ko. Paano na ito?

"Sir, dyan ka lang. Sandali lang." Aligagang sabi ko at agad na pumasok ulit ng unit ko. Hindi ko na inintindi ng tinawag niyang muli ang pangalan ko.

"Ohmaygad! Anong susuotin ko?" Hindi magkamayaw na naghanap ako ng maayos-ayos na susuotin. Ginulo ko na ang buong walk-in closet ko hanggang sa matagpuan ko ang hinahanap ko. Para na naman tuloy inararo ng kalabaw ang buong kwarto ko.

Agad kong isinuot ang leggings ko na addidas at sleeveless na ganoon din. Nagsuot din ako ng rubber shoes. Mukhang magwoworkout si Isaiah at gusto kong sumama sa kanya. Nang matapos ako magbihis ay lumabas na ako ng kwarto para bumalik sa labas. Habang papunta pa ako ay ipinupuyod ko ng ayos ang aking buhok.

"Nasaan na iyon?" Malakas na tanong ko sa aking sarili. Nawala na si Isaiah sa pinag-iwanan ko kanina.

Hinigit ko muli papunta sa loob ng bahay ang aking mga maduduming damit at inilock ang aking unit. Makakapag-antay naman ang aking mga labada, pero hindi ang isang Isaiah. Itinapat ko ang tenga ko sa pintuan ng unit niya at wala naman akong marinig kahit konting kaluskos.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon