-12-
SYMPTOMS
Pumasok ako sa school dahil may graded recitation kami ngayon. Nabalitaan ko lang sa isang kaklase kong babae kanina na nakita ko sa grocery habang kasama ko si Zean. Nakakatuwa pa nga ang kaklase ko dahil grabe siyang magpacute sa highschool kong kapatid. No doubt na chick magnet din si Zean tulad ni Dad.
Ang kapatid ko kasi ay cold sa iba. Tanging sa akin lang at magulang ko iyan warm at malambing. Pero kapag babae na, deadma na siya. Iyon pa naman ang gusto ng isang mga babae. Iyong may pagka suplado ang paborito nilang hangaan... just like what I like.
Napapansin ko ang isang lalaki kapag iniisnob-isnob ako. Mas nacha-challenge kasi ako kapag ganoon. Parang si....
Tutal ay wala pa ang teacher namin kaya nag-browse muna ako sa script ko sa lovestory film namin ni Harvey. Medyo tinakpan ko pa ang iPad ko dahil ayokong may makabasa.
SYMPTOMS OF LOVESICKNESS:
Parang tambol ang puso sa sobrang lakas ng kalabog.
Parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan.
Namumula ang mga pisngi.
Parang nahihirapan huminga, magsalita at gumalaw kapag malapit siya.
Nauutal, mabubulol at minsan ay hindi na halos makapagsalita sa sobrang kaba.
Natutulala at madalas siyang pumasok sa isip.
Parang iniiwan ka ng kaluluwa kapag kausap ka niya.
Parang bumabagal ang paligid at tanging siya na lang ang iyong nakikita.
Nagseselos.
Hindi makakain ng ayos.
Awe! Ano ito? Natigilan ako. Ito ang mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw ah? Ang wala lang ay iyong hindi ako makakain ng ayos. Pero bakit naman ako magkaka-lovesickness? Kanino ako maiinlab? Kay Harvey? Kay Simon?
Kung kay Harvey ay imposible. Dahil kahit isa diyan ay hindi ko nararamdaman sa kanya kahit pa makisig siya. Kung kay Simon naman, iyong pamumula lang ng pisngi ang natatandaan ko.
Nag-isip akong mabuti. Sino nga ba ang taong nagiging dahilan ng ganitong mga simtomas sa akin? Hmm.. Parang kilala ko na. Pero parang hindi kapani-paniwala. Baka naman dahil lang sa takot kaya ganoon.
"Good afternoon class!" Bati sa amin ng seryosong si Sir Isaiah.
Agad kong ipinasok sa bag ko ang aking iPad. Hindi ko namalayang dumating na pala siya dito sa room. Pero bakit siya ang magtuturo sa amin? Hindi niya naman subject ito ah?
"I will be your substitute teacher for today. May sakit kasi si Mrs. Reyes." Sagot niya sa lihim kong tanong.
"Sir, may quiz pa rin ba?" Tanong ng katabi kong si Ana. Huling-huli ko ng nagbeautiful eyes pa siya sa guro namin. Ang akala niya naman ay gaganda siya ng ganyan. Hindi hamak na mas maganda ako sa kanya, no?! Sarap tusukin ng mata.. tss..
Bago pa makasagot si Sir ay pasimple ko dinanggil ng bag ko si Ana. Kunyari ay inaayos ko sa aking upuan ang aking bag. Halos mapasubsob siya sa upuan sa unahan dahil hindi niya inaasahan ang pagbangga ko sa likod niya.
"Ano ba??"
"Oppss..Sorry!" Kunyari ay hingi ko ng paumanhin, pero nakairap ako sa kanya.
Nang mapatingin ako kay Sir ay naniningkit na ang mata niya sa akin. Napabuga siya ng hangin at kinuha ang mga test papers namin. Ako naman ay napakagat labi. Pinipigil ko ang mapangisi. Mabubuking na sinadya ko iyon sa aking kaklase eh.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...