-52-

1.9K 43 11
                                    

-52-

ISANG MINUTO

Tumungo si Ashley. Itsura niya ay kahabag-habag. "Oo. Gusto ko siya." Mahina at walang kabog na amin niya.

"Miss Ashley." Tawag ni Batgirl sa kanya. Sisinghalan ko sana siya pero pinipigil ko talaga.

"Ashley, natutuwa ako para sa feelings mo sa akin." Mahinahong sabi ni Isaiah.

"Pero pasensiya ka na. I only have Zue as a reason for me to breathe." Seryosong dagdag ni Isaiah sabay hawak sa kamay ko.

Totoo pala iyong feeling na nasa cloud nine ka? Ganoon kasi ang pakiramdam ko ngayon. Para akong nasa alapaap! Ang sarap pakinggan. Parang lahat ng negative vibes ko ay nawala. Parang gusto kong paulit kay Isaiah ang sinabi niya para tumanim sa utak ni Ashley.

Napaiyak tuloy ulit si Ashley. Hindi ko na magawang maawa sa kanya. Itong isang bagay ata na hindi ko kayang tanggapin. Ilang beses na rin niya akong ininsulto ng harapan. Kanina ay ang pagiimbento niya ng kwento tungkol sa marami na daw akong nakahalikan. Pero itong bagay na ito ang hindi ko kayang palampasin.

Paano niya nagawang magtapat sa aking nobyo ng kaharap pa ako? Sobrang kakapalan na ata iyan ng mukha! Pwede niyang kunin ang lahat sa akin. Oo, masasaktan ako. Pero hindi ako mamumuhi ng ganito. Hindi pwedeng gustuhin niya ang nobyo ko! Mabuti na lamang at alam kong loyal sa akin si Isaiah. Kung ibang lalaki siguro ito, kailangan ko pang ipamukha sa kanya kung ano ang pag-aari ko.

Hindi ko siya pinansin kahit pa umiyak siya ng dugo. "Magpahatid ka na kina Batman, Ashley." Wika ko sa kanya at isinukbit ko na ang kamay ko sa bewang ni Isaiah para sumakay na kami sa kotse niya.

Napailing na lamang si Isaiah. Mabuti naman at hindi na niya inamo pa! Baka magbigay lang iyon ng maling haka-haka sa side ni Ashley. Hindi tama!

Pinagbuksan naman ako ni Isaiah ng pintuan ng passenger's seat at pumasok na ako sa loob. Pinanuod ko siyang kumaway kina Batman, Robin at Batgirl bilang pamamaalam. Sumakay na siya sa driver's side ng makita naming pumapasok na si Ashley sa SUV ko kasama sina Batgirl. Aarte-arte pa, sasakay din pala!

Tahimik lang ako ng umalis na kami doon. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko. Hindi ako makaget-over sa sinabi niya sa harap nina Ashley kanina.

"Zue, are you jealous with Ashley?" Biglang tanong niya.

Nilingon ko siya. Nakita ko kung paano magflex ang kanyang sexy biceps habang nagmamaneho. Sht! I have a very hot and loyal handsome boyfriend!

"Are you jealous with Harvey?" Balik tanong na sabi ko imbes na sagutin siya.

Sumulyap siya sa akin sandali. Binalewala ang tanong ko. "Huwag ka na ulit gagawa ng mga ganoong eksena, Baby. Ayoko ng may kissing scene at lalo na ang bed scene." Seryosong sabi niya at tumingin na ng diretso sa kalsada. Kahit hindi na niya sinagot ang tanong ko, tang@ na lamang ang hindi makakapuna na nagselos nga siya.

"Kasama iyon sa project eh. Acting lang naman iyon." Paliwanag ko.

Muntik na akong mauntog sa harapan ng bigla siyang pumreno. "No! Kung ganoon din lang, huwag ka ng mag-artista." Anya pa niya.

Narinig namin ang mga busina sa likod. "Tumabi nga muna tayo." Sabi ko na sinunod niya naman. "Oh sige na nga. Pangako!" Sabi ko pa habang nakataas pa ang isang kamay na parang nanunumpa.

Kinuha niya ang isang kamay ko at pinisil. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Ayan na naman ang mga nakakawindang niyang titig. "Sana tuparin mo. Lalo na sa pag-alis ko. Ayokong hinahawakan ka ng ibang lalaki. Masakit." Seryosong sabi niya. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Bakas sa mukha niya na iyon talaga ang nararamdaman niya.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon