-22-
KONTING BILIS
Tinahan ako ni Isaiah. Hindi na ako nahiyang umiyak. Ang sakit lang kasi eh. Alam kong madalas na mag-away kami ni Ate, pero ang patayin siya ay hinding-hindi ko magagawa. Hindi naman ako ganoon kasama. Kinilabutan pa ako ng maalala ko ang bata sa kanyang sinapupunan. Kawawang baby. Inayawan na nga ng ama niya, namatay pa siya kasama ang kanyang ina.
"P-Pwedeng bang dito muna ako sa condo mo? Please?" Sabi ko sa gitna ng paghikbi.
Alam kong nagaatubili pa si Isaiah. Nagpapasalamat na lamang ako na hindi niya ako tinanggihan. "Sige." Ang sagot niyang parang bumunot ng lahat ng worries ko.
"Pwede bang makahiram ng laptop mo?" Tanong ko kay Isaiah.
Tamad na tumayo siya at umakyat sa kanyang kwarto. Pagbaba niya ay may dala na siyang Macbook Pro. "Eto oh." Sabay abot niya sa akin.
"Salamat. Hindi ka ba uupo?" Tanong ko sa kanya kasi nakatayo lang siya at nakapamulsa sa harap ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagwawala ng heart ko. Iyong mga paru-paro ay nagkakagulo na naman. Ang gwapo naman kasi ni Isaiah kahit na naka pambahay lang siya.
Umupo naman siya sa opposite ng inuupuan ko. Pwede bang huwag mo akong titigan, Isaiah? Hindi kasi ako makagalaw ng ayos. Nangangatal ang aking mga palad. Hay! Ibang-iba talaga ang epekto niya sa akin.
Binuksan ko na ang twitter account ko. Ang dami ko na namang bash!
"Mamatay tao si ZL!" - @MiriamGermanIgnacio
"Ipakulong si ZL! Pinatay niya si Farah!" - @mishiku
"Laos na kasi si ZL kaya niya ginawa iyan kay Farah." - @rehyuma
"Wala nang manunuod ng pelikula mo, ZL! Isa kang murderer!" - @HannahMicaellaBorabo
"Hey! Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Isaiah sa akin. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
"Kasi naman, grabe naman ang mga tira nila sa akin. Hindi naman nila ako kilala para husgahan nila." At napaiyak na lang ako sa aking mga palad. Halos mapatalon ako ng maramdaman kong tinabihan ako ni Isaiah.
"Huwag kang umiyak. Wala namang magagawa ang pag-iak mo. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Pag-alo sa akin ni Isaiah.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na humilig sa dibdib niya at umiyak doon. "Ang sakit-sakit na kasi ng nararmdaman ko." Sabi ko sa gitna ng pag-iyak ko. Pakiramdam ko ay nagbabara na pati ang ilong ko sa kakaiyak. Paano ako makakatagal nito? Nahihirapan na nga akong huminga dahil sa presensiya ni Isaiah, tapos ay magbabara pa ang ilong ko ng ganito?
"Sshh.. Tahan ka na."
"Ganoon ba talaga kasama ang tingin ninyo sa akin. Mukha ba talaga akong mamamatay tao?" Pilit kong tinatahan na rin ang sarili ko. Nababasa ko na kasi ang suot niyang tshirt dahil sa mga luha ko.
Inilayo ako ni Isaiah sa katawan niya. Pigil ko pa lalo ang aking paghinga nang pinilit niyang hulihin ang aking titig. "Look at me, Zue." Malambing na utos niya. Tingin ko, ito ang ikamamatay ko. Siya ang papatay sa akin dahil halos malimutan ko ng huminga kapag naandyan siya.
Nag-angat na lang ako ng tingin sa kanya. Gad! I really like this guy! Nawawala ang worries ko habang nakatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko, I'm so safe kapag kasama ko siya.
"You were never a bad person for me, Zue. Isa kang mabuting tao. Stop doubting yourself." Saway niya sa akin.
Sa gitna ng sakit na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Napaka-sweet ni Isaiah. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magpagaan ng kalooban ng mga taong tulad ko. Kahit na anong bigat ng pakiramdam ko, kapag ganitong alam kong tiwala siya sa akin ay nahahawa ako. Tama siya! Wala akong kasalanan para magluksa ako ng ganito.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...