A/N:
May ganitong story daw po sa tv sabi ni @rehyuma? Meroon po ba? Naku! Parang ayaw ko na tuloy ituloy ito. Kasi naman po inspired from YOU WHO CAME FROM THE STARS po ito na isang Korean Drama. Although, may mga isinisingit akong kwento ko talaga. Kinuha ko lang ang concept, pero hindi ko naman para gayahin ang lahat. Hindi po ako nanonood ng tv kahit may cable kami. Kaya hindi ko po talaga alam..
VOTE & COMMENT please?
________________________________
-8-
PAANO KILIGIN?
Pagkalabas ko ng lobby ay nagkagulo na ang fans sa akin. Lumapit naman agad sina Batgirl, Batman at Robin sa akin para ako'y kanilang proteksyunan. Kasama na ang guard ng building. Hinahawi nila ang tao para hindi naman ako tuluyang mapisa. May shooting pa kaya ako?! Pero kahit ganoon ay pinagbigyan ko rin naman ang mga kumukuha ng litrato ko at nahingi ng aking famous autograph.
Ok lang naman sa akin na pagbigyan sila kahit minsan ay ayoko. Basta sa kondisyong huwag nila akong masasaktan, sinasadya man o hindi. After all, kung wala sila, mababawasan ang mga nanonood ng aking pelikula at mga palabas sa tv. Kapag nangyari iyon ay hindi na ako magiging ganito kasikat at mababawasan ang aking projects.
Medyo may karamihan din ang mga nagpapirma kaya tiyak na late na talaga kami sa shooting nito. Hindi ko naman kasi pwedeng isnabin ang mga lambing nila. Sila kaya ang nagtatanggol sa akin sa mga negative bash laban sa akin.
"Smile!" Sabi ni Batgirl habang siya ang pinakiusapan nitong katabi kong teenager na kumuha naman ng litrato.
"1....2....3.."
Pero bago pa tuluyang tumama sa aking mata ang flash ng mga digicam at celphone, ay nagkatinginan kami ni Sir Isaiah. Ngumisi ako sa kanya na para bang sinasabi ko na, alam na niya ngayon kung gaano ako kasikat look.
Napailing pa siya na parang dismayado pa rin. Para tuloy gusto ko na siyang patulan. Mukha kasing hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin tanggapin sa sarili niya na akong inaaway-away niya at sinusupladuhan ay isang famous na artista. Siguro ay kung nalaman niya noong umpisa pa lang ay malamang medyo mas gumanda ang trato niya sa akin.
"Miss ZL?" Untag sa akin ni Robin ngayong nabuksan na niya ang pintuan ng kotse ko para makapasok ako.
Sinulyapan ko si Sir Isaiah sa huling pagkakataon. Kung hindi siguro may kasamaan ang ugali ng lalaking iyon, malamang ay nagustuhan ko siya. May itsura kasi siya at maganda ang pangangatawan. Pero sadyang ang sungit nga lang!
Hinintay ko muna na mawala na siya sa paningin ko bago ako pumasok ng sasakyan. Umupo na ako sa backseat habang katabi si Batgirl.
Pagkadating ko sa set ay inayusan lang ako ng konti at nagshooting na agad. Nang medyo pawisan na ako sa scenes ay medyo nawala na ang hangover ko. Ok na ulit ang aking pakiramdam.
"Kain ka muna." Offer sa akin ni Simon ng pagkain na dala na naman niya. This time ay hindi niya dinalhan lahat. Kaming apat lang ng mga alalay ko ang dinalhan niya pati si Ashley.
Kumunot ang noo ko. Ala-una na ng hapon at dapat ay nasa opisina ang isang ito. "Ano na namang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at pumunta sa likod ko. Minasahe ang balikat ko. "Mukhang mainit ang ulo ng Babe ko ah? Ano pa bang gagawin ko dito? Eh di syempre para dalawin ka." Masiglang sabi niya mula sa likod ko.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para tumigil siya sa pagmasahe. Pumihit siya sa unahan ko at sinilip ang aking seryosong mukha. "ZL, huwag mo naman akong idamay sa init ng ulo mo. Wala naman akong kinalalaman sa away ninyo ni Ate Farah. Saka isa pa, huwag mo ng pansinin iyon. Lilipas din ang lahat ng iyan." Sabi niya sa akin bilang suporta.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...