-37-

2.4K 51 19
                                    

-37-

MEET THE ROFF FAMILY

Kahit may lagnat ay pinilit ako ni Daddy na pumunta sa sala. Madilim ang kanyang anyo kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Habang si Isaiah naman ay matiyaga akong inalalayan katulong ang kapatid kong si Zean palabas ng kwarto.

"Sit down!" Maawtoridad na utos ni Daddy.

Kahit na Daddy's girl ako ay takot ako sa kanya kapag galit na. Maaring artista ang Daddy ko dati tulad ko, pero nanatili siyang konserbatibo. Hindi siya mahilig sa babae. Sa gwapo niyang iyan ay dalawa lang ang naging girlfriend niya. Tanging si Tita Fatima (Mama ni Simon) at ang aking Mama ang nakarelasyon niya. Ang ibang babae ay nganga!

"Sino ang lalaking ito?" Seryosong tanong ni Daddy habang nakahalukipkip sa harap ko.

Nakaupo ako sa sofa katabi si Isaiah. Sa kanang sofa ay si Mama at sa kaliwa ay ang kapatid kong bunso na si Zean. Nakatungo lang kami ni Isaiah habang sina Mama at Zean naman ay tahimik lang na nakikinig kay Dad.

"Sino ang lalaking ito, ZL?" Malakas na tanong niyang muli.

Halos napapitlag ako sa takot. Kapag ganyan na si Daddy ay wala nang kayang magsalita sa amin. Kahit si Mama ko ay natatahimik.

"S-Si Isaiah, D-Dad." Kabadong-kabadong sagot ko.

Bumaling ako kay Isaiah. "Isaiah, si Daddy ko, Mama ko at ang kapatid kong si Zean." Pakilala ko pa.

"Good morning po!" Magalang na bati niya.

Hindi iyon pinansin ni Daddy. Halatang bad mood talaga siya. "Hindi ko itinatanong ang pangalan, Zue Lorraine! Ang tanong ko, ano mo siya at bakit siya nasa loob ng bahay mo? And worst, nasa kama at katabi mo? Habang ikaw ay nanghihinang nasa kwarto??" Galit na tanong pa din ni Dad.

"Daddy, huwag mong sigawan ang anak mo. Nilalagnat iyan." Malumanay na saway ng aking dakilang mader.

'Yes, Mama! Ipagtanggol mo ako.' Sa loob-loob ko.

Bumuntong hininga si Daddy at padabog na umupo sa tabi ni Mama. "Sagutin mo ang tanong ko, Zue Lorraine." May diing sabi niya. Alam kong nagpipigil lang siya ng inis dahil sa sinabi ni Mama. Pero alam kong galit siya dahil buo ang pangalan kong sinambit niya.

"Professor ko po sa school dati. Kapitbahay, bagong co-manager, lawyer at bodyguard." Mahinang sagot ko.

Sabay kaming napapitlag ni Isaiah nang biglang hampasin ni Dad ang lamesa. "Bakit hindi mo pa ginawang driver, dishwasher, o yaya?" Sarkastikong tanong ni Dad.

Napatingin ako ng buong pagtataka sa kanya.

"Kailan pa nagkaroon ng co-manager ang Mama mo sa career mo? Nagpapatawa ka ba, ZL? Sa palagay mo ba ay mapapapaniwala mo ako sa lahat ng description mo?" Nakakatakot pa din ang timbre ng boses na tanong ng ama ko.

"Pero Dad, talaga namang lahat ng iyon ay pinapapelan niya sa akin." Paliwanag ko habang pinipiga-piga ang mga daliri ko sa kaba.

"Ano ka si Superman? Sino ka ba talaga? Kanina ka pa walang imik diyan!" Sita ni Dad kay Isaiah na tahimik na nakatungo dito sa tabi ko.

Natigilan ako sa tanong ni Dad. Nahalata ba niya na kakaiba si Isaiah? Alam ba ni Daddy na alien siya? Whew! Dapat pala ay nagteleport na lang siya agad kanina eh. Inabutan tuloy siya ng pamilya ko. Lagot tayo nito!

"Hindi po nagsisinungaling si Zue, Sir. Ako po si Isaiah at iyon pong mga sinabi niya ay totoong ginagawa ko para sa kanya. Pinapasweldo niya naman po ako eh." Paliwanag ni Isaiah habang nakatingin sa mga mata ng tatay ko. Alam kong ginagawa niya iyan para hindi isipin ni Dad na nagsisinungaling siya.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon