-57-

2K 50 7
                                    

-57-

HAPPY BIRTHDAY!

Today marks my 22nd birthday. It's been one year and six months na wala na sa ating mundo si Isaiah. Halos isa at tatlong buwan na rin ng huli ko siyang makita. Pero sa tingin ko, ang pinakamatagal ay noong halikan niya ako sa award's night. Halos dalawang minuto din iyon. At ang maganda pa doon, nakausap ko siya. Naramdaman ko ang init niya na buhay talaga siya. Hindi tulad noong una na lasing ako na halos 5 minutes lang. O noong pangalawa na nalunod ako na medyo matagal ata kesa una.

Iyon nga lang! That was the last time I ever saw him! Hindi na siya nagpakita pang muli. Sobrang miss na miss ko na siya. Pero pinanghahawakan ko ang I love you niya para sa akin noon para hindi ako mawalan ng ganang huminga pa. Naging enerhiya ko iyon para palaging isipin na kailangan kong pagbutihin ang bawat araw ko. Nasisiguro ko kasing babalik at babalik pa rin siya sa akin.

Nasaan ka na nga ba, Isaiah?

"Happy Birthday, ZL!" Sigaw ng mga mahal namin ng aking pamilya sa buhay.

Naandito kami sa Lor-Ah Mansion (Lorraine and Isaiah) para ipagdiwang ang aking kaarawan. Lahat ay masaya para sa akin dahil very successful na ako. Pinatayo ko ang mansyon na ito para sa pag-uwi ni Isaiah. Pero habang wala pa siya, sa Lee Towers pa rin ako muna tumitira.

Ang lahat ng bagay ay nakahanda na sa pagbabalik niya. Siya na lamang ang kulang. Sana naman ay umuwi na siya sa akin.

"Happy Birthday, Ate ZL!" Bati sa akin ni Troy Becher, a family friend.

"Thank you!" Nakangiting sagot ko habang sumasayaw kami.

Kanina ay kasayaw ko si Simon. Kahit na halos umusok ang ilong ng nobya niyang si Ashley ay nagpatuloy lang kami. Natatawa na nga lang ako. Ilang taon na ang lumipas, nagseselos pa rin siya sa akin.

Si Harvey naman ang nagsayaw sa akin. Iba namang klase ang nobya niya. Oo, may girlfriend na sa wakas si Harvey. Isang buwan na sila ng anak ni Sir Lance at Miss Hera Chan-Lao. Very confident ang batang Miss Lao. Siya pa ang nagpasayaw sa amin ni Harvey.

"Mukhang sambakol na ang nguso ng nobya mo, Troy." Natatawang puna ko sa kasintahan ni Troy Becher. Anak siya ng kaibigan ni Sir Lance at Lola Zyrah.

"Naku! Baka sa labas ako niyan patulugin." Kinakabahang sambit niya.

Mabuti na lamang at kinuha ni Ninong Von ang kamay ko kay Troy. Makakabalik na siya sa girlfriend niya.

"Ninong, your wasted!" Naiiling na puna ko kay Ninong.

Ngumiti lang siya ng pilit. "Pabayaan mo na. Makakamove-on din ako." Malungkot na sagot niya.

Hindi masyadong makuwento si Ninong Von. Pero ang balita namin, heartbroken siya. May tampuhan ata sila ng asawa niyang dati ay dapat na kasama niyang mage-elope, pero hindi natuloy. Ang balita sa news ay bigla na lang siyang iniwan ng asawa niya. Ang sabi sa mga tabloids ay sumama ata ito sa iba. Kaya ngayon, his life is a total mess.

"Ibaling mo muna po sa ibang bagay ang atensyon mo, Ninong. Baka mabaliw ka diyan sa heartache mo!" Nakakaunawang payo ko pa.

I know what I'm talking about. Napagdaanan ko iyan eh. Hanggang ngayon nga ay pinagdadaanan ko pa! Pero pilit kong kinakaya dahil sa salitang pagmamahal. Kaya mas nagconcentrate na lang muna ako sa career ko. Kailangan ko kasing libangin ang sarili ko para hindi mabaliw ng tuluyan.

Masaya ang birthday celebration ko. Nabigyan din ako ng pagkakataon na maging feature sa World's Most Eligible Bachelorette. Naka-tv coverage ang birthday ko ngayong gabi. Paano ba naman ako hindi magiging feature ngayong buwan doon eh millionaire na ako? Take note, hindi peso ha?! Pounds! Ang laki ba naman kasi ng pamana ng aking Alien Boyfriend eh!

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon