-10-
CAN'T BE CLOSE
Malayo pa lang ang sasakyan ni Harvey sa parking lot nang aking condo ay nakita ko agad si Simon na nakahilig sa kanyang sasakyan. Muling nabuhay sa akin ang matinding konsensya nang makita ko siya na parang inip na inip na.
Pinagbuksan kami ni Harvey na pintuan kaya bumaba kami agad ni Ashley. Naging madilim naman agad ang mga mata ni Simon nang makita niya kaming bumaba mula sa sasakyan ng una.
"Simon!" Salubong agad ni Ashley habang tumatakbong palapit sa kanya. Akala mo naman ay napakatagal nilang hindi nagkita ni Simon base sa kanyang asta. Hmm.. Ang nagagawa nga naman ng lihim na pag-ibig.
Nagkibit balikat lamang si Simon at bahagyang tumango sa kanya. Alam ko naman kung bakit siya ganyan. Dahil nagtatampo nga iyan sa akin.
"Simon, sorry kung nakalimutan ko iyong usapan natin." Sabi ko nang makalapit na rin ako sa kanila.
Tumango lang si Simon pero lampasan ang kanyang tingin. Nakatingin lang siya ng diretso kay Harvey na nakatayo ngayon sa likod ko.
"Pasensya ka na, Dude! Gutom na gutom na kasi kaming tatlo kaya niyaya ko na silang kumain sa labas." Sabi ni Harvey nang mapansin niya rin siguro ang mabibigat na titig ni Simon sa kanya.
Naningkit ang mga mata ni Simon at lumapit ng konti sa akin para mas makita niya ng maayos si Harvey na nasa likuran ko. "Kung hindi mo sila niyaya, malamang na ako ang kasama nila." Halata sa boses niya ang iritasyon base sa tono niyon.
Pagak na napatawa naman si Harvey sa kanya. Na dapat hindi niya nalang ginawa dahil alam na alam kong lalo lamang maiinis si Simon nang wala sa oras. "Grabe ka talagang makabakod sa dalawang ito eh, ano? Kung makapagbantay ka ay akala mo pag-aari mo sila. Pero sad to say, hindi eh. Lalo na kay ZL. Hanggang ngayon at hindi ka parin naaalis sa friendship zone na kinalalagyan mo." Pang-aasar pa niya.
I smell trouble. Lalo na nang makita ko ang pag-igting ng bagang ni Simon at pagkuyom ng kanyang kamao. Halatang any moment o konti kalabit na lamang ni Harvey ay sasabog na ang una sa galit.
"Harvey, tama na." Awat ko kay Harvey. Ayoko nang gulo lalo na ngayong madami akong negative publicities.
Ngumiti si Harvey sa akin. "Eh kasi naman, pagsabihan mo itong fellingero mong boyfriend." Baling sa akin ni Harvey.
"Simon!" Sigaw ni Ashley na umalingawngaw sa buong parking space. Agad niyang inilayo si Simon kay Harvey dahil sinuntok niya si Harvey habang nakatingin ang huli sa akin.
Bago pa ako maki-awat sa kanila ay gumanti na ng suntok pabalik si Harvey. Ohmaygad! Gulo na talaga! Pati tuloy si Ash ay napabitaw na rin kay Simon dahil sa takot na matamaan siya.
"Tama na!" Sigaw ko sa kanila na hindi nila pinansin. Patuloy lang sila sa pag-aaway.
Hinila-hila naman ni Ash ang damit ko. "Do something, ZL." Takot na takot na pakiusap ni Ash sa akin.
Tumango ako kay Ashley. "Help me." Tanging nasabi ko. Mabuti naman at naintindihan ni Ashley kung ano ang gusto kong sabihin.
Nang mapaupo si Harvey dahil sa lakas ng suntok ni Simon ay pumagitna na agad ako. Si Ashley ay niyapos na agad ang bewang ni Simon para mapatigil na sa pag-atake. Ano ba itong gulong ito?
"Tigilan mo si ZL!" Sigaw ni Simon habang dinuduro-duro si Harvey.
"Huwag na kayong mag-away, please?" Pakiusap ko sa kanilang dalawa. Tinulungan ko namang makatayo si Harvey.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...