A/N:
Help me plug this story please? Thanks po! VOTE & COMMENT tayo..
_____________________________
-16-
PATULOG
Nauna na akong dumating dito sa Arcama Bar sa The Fort. Gusto ko kasing mag-unwind at isa ang mga bar na ito sa sikat at high-end bars na hindi basta-basta din ang mga pumupunta. Maganda sa bar na ito dahil may mga artista at iba pang importanteng tao na pumupunta. Hindi tulad sa ibang bar na madaming pwedeng magkagulo sa iyo.
Naandito ako sa may table sa gitna at kasalukyang umiinom na ng shots. Nakita ko ang iba ko pang kapwa artista na may mga kasamang kaibigan o kapamilya.
Gusto kong magpakalasing kaya nagtaxi lang ako papunta dito. Makikisakay na lang siguro ako kay Simon mamaya pag-uwi. Sobra akong nadedepress kaya gusto kong magpakalunod sa alak.
Nakakadalawang shot palang ako ng Tequila nang may makita akong pamilyar na bulto ng lalaki. Nagtama ang aming paningin kaya kinawayan ko siya. Naka business suit pa siya at mukhang galing pa sa trabaho.
"Sinong kasama mo, Kuya Silver?" Bati ko kay Silver Tan, 22 years old, elder brother ni Simon.
Si Kuya Silver ay kuya ni Simon. Actually ay half brother lang silang dalawa. Ang mother ni Kuya Silver ay ang original wife nang business tycoon na si Henry Tan. Samantalang si Simon ay anak naman ni Mr. Henry Tan kay Tita Fatima Sy.
Si Tita Fatima ay kaibigan nina Mama at Daddy ko. Dati yatang may past ni Daddy bago naging magkasintahan sila Mama. Ang sabi ni Dad ay matagal ding pinagselosan ni Mama si Tita Fatima, pero sa huli ay nagkalinawan din sila at ngayon, close friends na silang lahat.
"Alone. Ikaw, sinong kasama mo? Wala ata si Ashley?" Tanong sa akin ni Kuya Silver habang umuupo sa upuan sa tapat ko.
Iyan ang isang bagay na pinagkaiba ng magkapatid na Tan. Si Kuya Silver ay very uptight at seryoso sa buhay, samantalang si Simon ay very jolly. Halos college na ata nung natanggap si Simon sa side ng Dad niya. Natanggap din siya ni Kuya Silver, pero hindi nga lang sila ganoon ka-close. Parang palaging may invisible wall sa gitna ng magkapatid.
"Dadating si Simon, Kuya Silver." Nakangiting sabi ko at inabutan ko siya ng shot ng tequila.
Tinanggap naman iyon ni Kuya Silver at ininom. Pagkatapos ay sinawsaw niya ang lemon sa salt at sinipsip. Ahh! Ang tapang kasi ng Tequila Cuervo eh.
"Kumusta ka na, ZL?" Tanong niya sa akin habang ako naman ang sinasalinan niya ng shot.
Ininom ko iyo tulad ng ginawa niya. "Ok naman. Ikaw? Kumusta ka na?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman kami super close ni Kuya Silver, pero magkaibigan kami. Kasi nga ay bestfriend ko ang half-brother niyang si Simon.
Kumuha muna siya ng konting Crispy Pata na ibinaba ng waiter sa lamesa namin. Siya ata ang umorder nito kanina. "Ok din. Busy pa rin. Sobrang busy sa work, ZL." Sagot niya sa akin.
Tumango-tango ako. Halata naman sa mukha ni Kuya Silver na busy talaga siya. Very hagardo versoza ang kanyang face... meaning haggard o pagod. Si Kuya Silver kasi ang nagte-take over ng lahat ng business ng kanilang amang si Henry.
"Kumusta naman si Simon sa company ninyo? Pasaway pa din ba?" Anya ko sa kanya.
Sumimangot si Kuya Silver. Kinabahan tuloy ako dahil mukhang masama ang sasabihin niya. "Si Simon ay isang malaking sakit sa ulo. I know that he's intelligent. Wala namang anak siguro ang Daddy ko na hindi magaling ang ulo. Pero kasi si Simon, parang sinasadya niyang magpabaya. Parang ginagawa niya iyon para inisin ako."
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...