-17-
AYAW
Madaling araw at nawiwi ako. Nagulat ako nang pagmulat ko ng mata ko ay hindi ako pamilyar sa paligid. "Nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili. Ikinurap-kurap ko ang mata ko para siguraduhin kung tama ba ang nakikita ko.
Umupo ako sa kama at nagulat ako sa lifesize picture sa harap ko. "Isaiah?" Naguguluhang tanong ko. Bumilis na ang pagtahip ng dibdib ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay gusto na nitong lumabas sa rib cage ko. Anong ginagawa ko dito sa kwarto niya?
Napalingon ako sa may kanan ng kanyang kwarto. Nanglaki ang mata ko na nakahiga sa sofa si Isaiah at balot na balot ng comforter. Naipikit ko ang aking mata nang mariin. Pilit kong inaalala kung paano ako napapunta sa bahay niya.
Lasing na lasing ako at hindi ko mabuksan ang condo ko. Pinagsisisipa ko na dahil gusto ko na talagang magpahinga. Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang sumilip si Isaiah sa pintuan niya. Nilapitan ko at walang abog-abog na dirediretso akong pumasok dito sa unit niya at nahiga sa sofa. The rest ay wala na akong maalala.
"Aissh! ZL, anong ginawa mo at bakit ka nakitulog dito?" Inis na inis na nasabunutan ko na ang sarili ko. Ano bang pumasok sa ulo ko at nagawa ko ito? Baliw na ba ako?
Bigla akong natigilan. Sa couch sa sala ako humiga, pero bakit naandito na ako ngayon sa kwarto niya? Biglang nag-init ang mukha ko. Binuhat ako tiyak ni Isaiah para ilipat dito. Nakakahiya ako! Masyado akong naging pabigat sa kanya. Nakakahiya kasi ni ayaw niya nga akong maging close friend tapos ganoon pa ang ginawa ko?
Dahan-dahan at ingat na ingat akong bumangon sa kama. Hindi ko gustong magising pa si Isaiah. Halos patingkayad akong pumunta sa restroom niya para mag-wiwi. Ayokong makagawa ng ingay. Dahil kung magigising siya, ano pang mukha ang ihaharap ko nito?
Pumasok ako at nagbawas. Sobrang linis ng kanyang banyo at ang bango. Hindi ko akalain na ganito pala ka-OZ si Isaiah. Solo lang ata siya dito sa bahay niya dahil wala naman akong nakikitang katulong sa ilang beses na pagkakapasok ko dito. Siya marahil ang naglilinis ng lahat ng ito. Wow! Perfect husband material!
Napangiti ako ng maisip na napaka perpektong asawa ni Isaiah. Swerte ang babaeng makasisilo ng puso niya. Kung pwede sanang ako na lang iyon ay tiyak na labis kong ikaliligaya.
Pero ang ngiti ko ay agad na napawi at napalitan ng pag-aalala nang marinig ko siyang umungol. Nakatitig lang ako sa kanya mula dito sa malayo at nakita kong pabiling-biling ang kanyang ulo. Mukhang nanaginip siya ng masama.
As an instinct ay nilapitan ko siya sa couch dito sa kwarto niya. Pinagmasdan ko ang kanyang gwapong mukha at nakikita kong may buo-buong pawis sa kanyang noo. Ano bang nangyayari sa kanya? Hanggang sa mapatitig ako sa kanyang mga labing namumula-mula. Ang sarap sigurong halikan muli ng mga iyon. Bitin ako noong una eh.
Naipilig ko ang aking ulo para mapawi ang kung anumang iniisip kong kalokohan. Nagiging perv na ata ako. Natatandaan kong sa panaginip ko kagabi ay niyakap ko daw siya matapos niya akong buhatin. Pagkatapos magtama ng aming paningin ay dahan-dahan siyang lumapit at hinalikan ako. Tumagal ng kaunti ang mainit niyang halik. Grabe ang mga pantasya ko! Hay naku!
Napangiti ako at napahawak sa mga labi ko. Sana ay totoo lahat ng panaginip kong iyon. Pero bigla akong tumakbo sa harap ng salaminan niya nang may makapa ako. Tama nga ang nakapa ko. Namamaga ang mga labi ko na para bang hinalikan ng bubuyog.
"Hinalikan ng bubuyog?" Naguguluhang mahinang tanong ko sa repleksyon ko. Hindi kaya totoong nangyari iyong nasa panaginip ko? Hindi kaya talagang hinalikan niya ako?
Napa-facepalm ako. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin? Ayaw akong maging kaibigan man lamang ni Isaiah tapos ay ilang beses na niya akong nahalikan. Ano ba talaga ang pagtingin niya sa akin? Kung ang babasehan ko ay mga kilos niya, masasabi kong kahit paano ay gusto niya rin ako. Pero kung ang salita niya ang pakikinggan ko, malinaw na sinabi niyang ayaw niyang mapalapit sa akin. Hayy! Bakit ba ang gulo?
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...