PROLOGUE

3K 68 0
                                    

Pumapalahaw na iyak ang bumabalot sa buong sulok ng silid. Muling nanumbalik ang alaalang halos isumpa na niya. Mahabang taon na ang nakalipas ng mangyari iyon ngunit heto siya. Bumubuhos ang luha sa tuwing naaalala.

Sa sobrang paghahanap niya sa kasagutan ay hindi niya na mahanap ang sarili niya.

Binago ng panahon at masamang alaala. Paano niyang makikita ang sarili kung gayong wala na sa piling niya ang mga taong humubog sa pagkatao niya.

Kahit gusto pa niyang makita ay hindi na niya magagawa. Naroon na ito sa paraiso, parehong masaya. Habang siya, hindi na magawang ngumiti dahil pakiramdam niya ay impyerno ang tinunguan niya.

Hindi niya batid kung ano ang dahilan ng pangyayaring iyon. Kung bakit kinuha sa kaniya ang mga magulang niya. Siguro ay sa kamusmusan ng edad niya ay hindi pa nga niya iyon maintindihan. Na kahit gaano kaklaro ang paliwanag ay hindi iyon maintindihan ng musmos niyang isipan.

Ngunit bakit hanggang ngayon, hindi parin kayang paniwalaan. Umusad na ang panahon at lahat. Narito siya at hindi maintindihan ang lahat.

Pinili niyang maging mahina sa panahong iyon. Oras na siguro upang umangat siya sa pagkalugmok. Nahanap niya ang bagay na sa tingin niya ay makakapitan niya. Isang bagay na nagpakilala sa kanya ng salitang katapangan.

Ang sa isip niya ay masasanay na siya sa sakit kapag naging kabilang siya. Mas maigi pang pisikal na sakit ang maramdaman niya. Maagapan at hihilom pa.

Ayaw na niyang maging mahina. Hahayaan niyang mabago ang sarili. Hanggang sa mawala na iyong sakit na naidulot ng kahapon.

Bawat desisyon na ginawa niya, ang nais lang ay makalimot siya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon