Dedicated to: Synctax_error
******
ZAIN'S POV
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Panay ang isip ko ng mga possibleng ideya sa kung anong klaseng pagktao meron siya.
Sino pa nga ba? Iyong ugok na babae na naman kanina.
Walang kahirap-hirap niyang pinagbabalibag yong mga lalaki sa cafeteria kanina. Tuloy ay hindi ako makasabay sa usapan ng mga gangmates ko dahil sa kakaisip. Kaya pala maangas siya. Tch.
Naglalakad na kami pabalik sa building ng may humarang na babae sa harap namin. Nagulat ko siyang pinasadahan ng tingin. Kapansin-pansin ang maikli niyang palda.
"Hi, Zain right?" matamis ang tono niyang tanong.
"Yeah." lang ang naisagot ko. Ngumiti siya sa akin. Nagulat ako ng inangkla niya ang braso sa akin. Pati sina Rex ay halatang gulat din.
Pasimple kong inalis ang kamay niya saka sinamaan siya ng tingin. Maraming babae narin ang nagpapapansin sa akin. Mula nong first day ko dito hanggang ngayon. Pero unang beses ko itong may naglakas loob na humawak sa akin.
"Excuse us." blangkong sabi ko, lalagpasan ko na sana siya ng iharang niya ang katawan sa akin. Napapikit ako sa inis.
"Alam kong mataas ang standards mo. Parehas tayo, mga ganyang tipo sayo ang gusto ko." malagkit ang bawat tingin niya sa akin.
Inis akong umiling saka siya nilampasan.
"Tapang dude." ani Luke.
"Kaya nga, tangina."
Nagpatuloy na kami sa paglakad ng may matanaw ako sa di kalayuan. Sino pa? Yung ugok.
Hayun na naman ang mata niyang wala ng sinlamig! Napaka wierd niyang tignan. May kausap siyang nurse ata, sa labas ng clinic. Panay ang ngiti ng nurse sa kanya habang siya ay blangko ang mukha. Hindi mo alam kung nakatingin ba siya sa nurse or sa kung saan! She's freaking weird!
Hindi ko namalayang malapit na pala kami sa gawi niya kaya mabilis kong iniwas ang tingin saka nagkunwaring.hindi siya nakita. Pero mukhang malakas ang pakiramdam niya at nagawa niyang hulihin ang sulyap ko. Pinagkunutan niya ako ng noo.
Kanina lang ay nakita kitang natumba! Ngayon ay eto ka na naman, nag-aangas amputa!
Sinamaan ko siya ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Sino ba yon dre?" natanong ko kay Rex.
"Sino?" rin ang sagot niya. Tss.
"Sino pa ba? That freakin wierd girl."
"Ewan, Kaze ata pangalan non."
"Ah." nalang ang sinagot ko dahil hindi naman ako imteresado sa kanya. Nasisira lang ang araw ko kapag nakikita ko siya.
Nagpaalam na kami sa isat-isa ng mga kaibigan ko. Hindi naman kami lahat na magkaklase. Nauna na kaming pumasok sa room. Hindi pa man kami nakakaupo ay may kaklase na kaming nagsalita.
"Sa third year daw tayo na building, sa room B." anang kaklase ko.
"Ha? Bakit?" nagtanong ang mga kaklase ko.
"Tuturuan daw natin ng topic sa biology ang mga junior. Tinatamad daw si maam. Project narin daw sa atin." huli niyang sinabi saka niya kinuha ang bag sa loob.
Nagtanguan lang kami nina Luke saka sumabay sa ibang kaklase naming maglakad. Nakakarinig ako ng impit na tilian sa bawat room na madaanan namin. Nasa unang palapag palang kami at paakyat pa ng hagdan. May mga babae na kaagad kaming nakitang nakatitig sa amin.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...