ZAIN'S POV"Akala ko ba nandito tayo para mag happy-happy...ba't mukha kang problemado diyan?" si Luke. Nandito kami sa rooftop sa bahay nila. Dito namin napiling mag inuman dahil solo namin ang lugar. Noong mga nakaraang araw pa kasi sila nagyaya na mag beer daw kami. Ngayon lang namin nagawa nang dahil sa akin.
"Dude, nahuhuli ka na sa tungga." si Rex. Tinapik niya ako.
"How can you tell if a girl likes you?" wala sa sariling sambit ko. Natigilan silang lahat at sabay-sabay na natawa.
"You're out of the topic, dre." si Axel.
"No, I'm serious." bumuntong hininga ako. Hindi pa kasi nila alam na umamin na ako kay Shitzu. Dapat nga maging masaya ako dahil sa wakas nasabi ko na sa kanya ang feelings ko. Ang hirap kaya ng sitwasyon ko. Sumusugal ako, I didn't even know kung gusto niya rin ako.
I should be happy...pero-fuck! bakit ngayon ay hindi ko matanggap na wala man lang siyang sinabi tungkol sa nararamdaman niya. I was expecting her to say something about her feelings too kanina. But, hindi, basta nalang siyang umalis. Kaya nafu-fustrate ako! Hindi naman sa ineexpect kong sabihin niyang gusto niya rin ako. Ang akin lang, sabihin niya kung okay lang sa kanya na may gusto ako. Basta! Parang first time kong umamin gayong hindi naman. Tsk! Akala ko makakahinga na ako ng maluwag kasi nga naamin ko na rin sa wakas. Pero hindi, mas lalo akong hindi makahinga.
"Rex, have you confessed to a girl?" tanong ko.
"Yeah, many times." sabi niya habang binubuksan ang isa pang bote ng beer.
"Are you happy that time? Did you felt happy?" tanong ko ulit.
"Ano bang pinagsasabi mo, Hendrix? Kanina ay about sa online game ang topic natin. How come na napunta tayo sa confess-confess na yan." si Luke.
Natahimik ako. Gusto kong sabihin sa kanila, kanina pa. Pero umuurong kasi ang dila ko.
"Kaya nga, ano bang nangyari sayo?" tumatawang sabi ni Psalm.
Marahas kong ginulo ang buhok saka ako bumukas ng beer. Nakakadalawa palang ako samantalang sila at malapit nang maglima. Uminom muna ako bago nagsalita.
"I confessed my feelings towards, Shitzu. Inamin kong may gusto ako sa kanya." anunsyo ko.
Natahimik silang lahat. Maging si Axel na nagbubukas ng panibagong bote ng beer at natigilan. Malaki ang mata nilang nakatitig sa akin.
"Holy shit man!"
"Kaya pala. Hala ka."
Napapikit ako sa inis. Alam na nilang may gusto ako kay Shitzu. Hindi ko na naitanggi pa nang tanungin nila ako.
"Anong sabi sayo?" si Rex. Sumeryoso bigla ang tono ng pananalita niya.
"WALA! Umalis nalang bigla!" sigaw ko.
"As in wala?" pagkumpirma ni Luke.
"Wala! Iniwan ako!" na fu-fustrate na talagang sabi ko.
"Iniwan ka? Hindi pa naman nagiging kayo." inosenteng sabi ni Psalm. Sinamaan ko siya ng tingin.
"I know! Ibig kong sabihin, iniwan niya ako doon aa cafeteria. Doon ako nag confess sa kanya."
"Bakit doon dre?!" sabay-sabay nilang sigaw sa mukha ko. Pinagkunutan ko sila ng noo.
"What do you mean?" takang tanong ko.
"I mean...bakit kayo doon magkasama?" si Axel.
"Tsk! Wala ka ng pakialam kung bakit kami magkasama doon!" asik ko. "Dammit!"
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Acciónformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...