Chapter 31

193 9 1
                                    

"Oh? Nakuha ka?" Tanong sa akin ni Kate habang nagpupunas ako ng mukha. Kanina pa kami nakarating galing sa paaralan. Tapos narin kaming kumain. Kaya narito kami ngayon sa kwarto ko. Kagagaling ko lang sa ligo.

Tumango ako at sunod na pinunasan ang aking leeg.

"Good. Napatawad na kita ng mga 35%." Aniya. Pinagkunutan ko siya ng noo at nagpatuloy sa ginagawa.

"Bakit hindi mo pa buuhin." Sambit ko. Inikutan niya ako ng mata at naupo sa kama.

"Kapag nanalo ka pa sa second round. Magiging 50% na yon." Dagdag niya.

"Pag nakuha ko yong titulo?" Ako naman ang nagtanong sa kaniya. Tumingin siya sa kisame at kunwaring nagiisip.

"Edi bati na tayo."

Sumama kaagad ang mukha ko sa tinuran niya. Ngayon ko lang nalaman na may porsyento pala ang pagpapatawad. Pambihira.

"Umalis ka na dito, magpapahinga na ako." Usal ko na iginiya pa siya sa pinto. Pasiring niya akong tinignan at siya na mismo ang nag sara nito.

Naupo ako sa study table at humawak ng lapis. Sandali kong tinignan ang orasan at nakitang lampas alas siyete na. Naramdaman ko ring parang mahuhulog ng talaga ang talukap ng aking mata. Initsa ko ang lapis pabalik sa lalagyan nito at pasalampak na humiga sa kama.

Napagod ang kamay ko. Maging ang utak ko kakaisip sa kung ano naman ang iguguhit bukas.

*******

ZAIN'S POV

Pagbaba ko ng kwarto ay nakita ko kaagad si Zardi. He's my younger brother. Three years lang ang agwat namin kaya nakaka sabay naman siya sa trip ko.

He's eating seriously without even noticing my presence. Tumikhim pa ako para maagaw lang ang atensiyon niya pero talagang busy siya sa pagkain.

What the hell is he thinking?

"Zardi!" Pagtawag ko sa kaniya. Naiinis niya akong tinapunan nang tingin at muling bumalik sa pagnguya.

"Aish! Aren't you going with me?" I asked him.

"No Kuya. I'm still thinking." He reasoned out.

"Anong bang iniisip mo?!" Napapatagal ang pagkain niya dahil sa walang kwentang iniisip niya. Tss. Akala ko pa naman masarap ang ulam kaya siya nagkakaganyan.

"I just can't get that off my mind." Mahinang usal niya. Umiling nalang ako dahil walang katuturan ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung sino at ano ang nasa isip niya.

Tinignan ko siyang iligpit ang pinagkainan niya at sinundan ko siya nang tingin papunta ng kusina. Pipihit na ako pakaliwa upang pumunta ng sala nang makasalubong ko si Manang.

"Hindi ka nag uniform Zain?" Tanong niya at pinasadahan ako ng tingin.

"May practice kami ngayon manang Karing." Sagot ko. Minsan niya lang kasi akong makita sa umaga na hindi nakauniform. Kadalasan kasi'y sa school na ako nagpapalit.

"Ah ganon ba ijo. Sige, mauna kana kaya para maaga ka doong makarating." Suhestiyon niya. Nagpaalam ako sa kaniya at sa panghuling beses ay nahagip ng mata ko si Zardi na nakatulala habang nagpupunas ng bibig. Tsk!

Pagdating ko ng school sinalubong kaagad ako ni Psalm at ni Luke.

"Tara, kanina pa naghihintay doon si Coach." Ani Luke habang papalapit sa amin.

"Ha? Kanina pa? Akala ko ba'y mamayang 6:30 pa ang practice?" Nagtataka kong tanong.

"Yun nga eh. Pagdating ko dito nandon na siya sa soccer field." sagot niya habang kinakamot ang batok. Sumabay ako sa bilis ng paglakad niya hanggang sa narating namin ang soccer field.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon