ZAIN'S POVNgayong araw ay maaga ang dismissal namin. Wala kaming klase sa dalawang subject ngayong hapon. Kahit ganon ay hindi ako makakauwi ng maaga dahil may practice kami sa soccer. Kahapon kasi ay kinausap kami ni coach Sampiano na may inter-school association football tournament na gaganapin next month. Tentative date pa ang binigay sa amin pero kailangan parin naming mag practice. Lahat ng school sa division namin ang kasali. Kaya talagang malaki ang competition na ito. Competitve kasi sa sports or kahit ano pang larangan ang SHA. Palaging may entry sa kahit anong category. Last year ay sumali rin ako, varsity din kasi ako doon sa NBIS. Comparing SHA and NBIS, mas active ang management ng varsity dito. Mas gusto ko nga ang varsity team ng SHA dahil lahat kami nagkakasundo. Doon kasi sa dating school ko ay parang laging may competition sa mga players.
Kasama ko si Psalm, Luke, Axel at Eman ngayon. Sila ang kasama ko sa soccer team while ang iba ko namang gangmates ay sa basketball at swimming sumali. Nandito kami sa washroom na malapit sa gymnasium, nasa likod na bahagi ito ng campus. Ininform kasi kami ni coach na sa quadrangle lang kami mag pa-practice dahil hindi naman yon occupied. Mas gusto kong mag practice doon sa sports complex dahil mas malapad ang space doon.
Binilisan namin ang kilos dahil may ibang teammates na kaming nasa quadrangle na. Ayoko namang maglaro ng hindi pa ako nakakaligo. Matapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis ng jersey. Halos kaming natapos nina Psalm. Si Eman nalang ang hinihintay namin. As usual, ang kupad niya palagi.
"Dude, bilisan mo naman. Grabeng ligo yan!" nagreklamo si Luke saka niya kinatok ang pinto ng cubicle. Narinig naming pinatay niya ang shower saka siya sumagot.
"Heto na!" malakas ang boses na sabi niya. Maya-maya pa ay lumabas narin siya sa wakas. Sinabihan nalang namin siyang maghihintay kami sa labas ng washroom. Hindi naman umabot ng limang minuto at lumabas na rin siya.
Sabay kaming lima na naglakad patungo sa quadrangle. Natanaw kaagad namin si James, siya ang team captain namin. Wala si coach dahil may meeting daw sila. Siguro ay tungkol doon sa I-SAF tournament.
May nakakita akong mga estudyanteng nakaupo sa mga benches. Mukhang may audience kami ngayon. Hindi naman yon bago sa akin, sa tuwing may laro kami na ginaganap dito sa campus o doon sa sports complex ay may tumitingin talaga sa amin. Karamihan sa mga iyon ay mga babae.
"Shet! Ang hot kahit bagong ligo!"
"Ang bango! Anong soap kaya ang ginagamit niya?"
Narinig kong bulungan ng mga babaeng nadaanan namin. May iba pang naririnig ko ang mga impit na tili nila. Natawa ako ng kawayan ni Luke ang grupo ng mga babaeng nasa gilid ng field at nakatayo.
"Ang hot niyang tumawa! Fuck! Tawa ka pa please!" narinig kong sumigaw iyong babae sa harap. Hindi ko nalang pinansin at nag dire-diretso sa paglakad palapit sa teammates namin.
"Nandito na sila, start na tayo!" sumigaw si James. Hinati kami sa dalawang grupo. Kakalabanin namin ang isat-isa sa ngayon.
Nagsimula kaagad ang laban namin. Ka grupo ko sina Psalm, Luke, Axel at Eman. Palagi naman kapag ganitong nag pa-practice kami. Sa lagay ng laro namin ngayon ay mukhang ginaganahan kaming lahat. Na cha-challenge ako dahil talagang lumalaban ang kabilang grupo. Nasa team namin ang bola, si Ejay ang may hawak niyon. Tumakbo siya patungo sa goal ng kalaban. Sumunod ako sa pagtakbo at sinalo iyon gamit ang dibdib ko ng ipasa niya sa akin. Tumakbo ako sa gilid ng goal at mabilis iyong sinipa.
"GO ZAIN! GO ZAIN!" sabay-sabay na sigaw ng mga babae ng pumasok ang bola. Tumawa lang si Niko na siyang goalie.
"Dude, hindi pa to tournament. Nagpapakitang gilas ka eh." biro ni Luke saka ako tinapik sa braso. "porket nandyan yung crush mo." dagdag niya.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Aksiformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...