Chapter 50

136 7 0
                                    

Tumambad sa akin ang mukha ni Bulldog. Halos magtama na ang katawan namin sa sobrang lapit niya. Hindi na ito ang unang beses naming magkalapit ang katawan sa isat-isa. Ngayong mas malapit ko siyang nakikita ay talagang may itsura at malakas ang dating niya.

Akala ko ay isang beses ko lang sasabihin to. Pangalawang beses na ngayong sumagi sa isip kong gwapo siya.

"Lumayo ka nga sakin." sabi ko nang hindi na ako makatiis. Wala narin naman akong iuusog dahil halos magdikit narin ang tiyan ko sa counter table.

"Ganito talaga kapag pumipila." paliwanag niya. Napansin ko iyong buhok niyang hindi gaanong maitim. Bumabagsak iyon sa noo niya. May ilan pang halos tumama na sa kanyang mata. Napakalinis niyang tignan sa gupit niya. Maayos at kaaya-aya sa mata iyong manipis na parte ng kanyang buhok.

"Natulala ka na diyan Shitzu." maririnig ang mahina niyang pagtawa nang magsalita siya.

"Ha?" nalang ang nasabi ko at ibinalik ang tingin sa harap.

Ramdam ko parin ang lapit niya kaya nagsalita ako habang nasa harap parin ang tingin. Palapit na kasi iyong babaeng may hawak ng order ko.

"Lumayo ka nga---" natigilan ako ng dumungaw siya sa counter. Ramdam kong napakalapit ng mukha niya sa akin.

"One F5 miss." dinig na dinig ko ang boses niya sa aking tenga.

Mabilis kong kinuha ang order ko at pumihit sa kaliwa. Bago ako umalis ay sinulyapan ko siya. Mayroong tipid na ngiti sa labi niya ng magtama ang aming mga mata. Nauna na akong umiwas at mabilis na naglakad papunta sa mesa.

Bumungad kaagad sa akin ang tingin ng mga ibang estudyante, mayroong nagtataka at meron ring masama ang tingin sa akin.

Inilapag ko ang tray ng pagkain sa mesa nang makarating ako. Nagtatanong na tingin ang pinukol sa akin nina Kris. Si Jax at Kate lang ata ang mayroong nanunuksong mata.

"Anong sabi sayo?" nagsalita si Kris.

"Nino?" nagsimula na akong galawin ang pagkain.

"Ni Zain."

"May tinanong lang." tipid kong sagot.

Tumango-tango naman siya at nagpatuloy sa pagkain. Nang sulyapan ko ang gawi ni Kate ay ayun na naman ang mala imbestigador niyang tingin. Napansin ko ring may pagkain na siya kahit hindi siya nag order.

"Pansin ko lang ah, lagi ng lumalapit sayo yang lider ng HeadHunters." si Jax ay nagsalita.

Hindi ko siya tinignan sa halip ay sumubo na ako ng kanina at ulam.

"Kaya nga, hmmm. Mukhang----" doon na ako nag-angat ng tingin sa kanya. Lumunok pa siya at kaagad na ngumiti sa akin.

"Ano?" paghahamon ko sa gusto niyang sabihin. Sinuko niya ang kamay at mabilis na umiling.

"Wala, sabi ko mukhang friendly siya." nakangiti paring aniya. Pasiring ko siyang tinignan saka ako muling sumubo.

Hindi ata ako nasarapan sa pagkain ngayong araw. Kahit ganon naman ay kinain ko. Sayang kasi lalo pa at ako ang bumili.

"Kaze, nagkausap ba kayo ni Angelo?" doon lang ako nag angat ng tingin nang si Kris na ang nagsalita.

Sandali kong inalala kung nagkita ba kami. Matagal na iyong nangyari. Noong nakaraang araw ay hindi si Angelo ang nakausap ko. Iyong lalaking palagi niyang kasama. Hindi ko rin matandaan ang pangalan.

"Hindi si Angelo ang kinausap sakin, iyong palagi niyang kasama." sagot ko.

"Si Yuri?"

"Hindi ko alam."

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon