Chapter 12

464 24 1
                                    


KAZE'S POV

Kakaiba ang gising ko ngayong araw. Kakaiba dahil sa ibang bahay ako dinalaw ng umaga. Sa lagpas bilyong bahay sa mundo ay doon pa talaga ako napunta. Tss. Doon pa sa bahay ng Bulldog na yon talaga! Tang ina.

Tss.

Hindi ko alam kung saang sulok na ako ng siyudad na ito. Ngayon ay nasa highway na ako, siguro, at naghihintay ng masasakyan. Sa ilang minuto kong paghihintay ay may huminto na taxi sa harap ko. Hindi pa ako nakakasakay ng taxi sa tanang buhay ko. Maging ang bus ay hindi ko pa nasasakyan. Hindi ko trip, ewan.

Hindi ko nga rin alam kung sa paanong paraan magbabayad. O kung magkano man lang ang bayad. Mabuti at hindi ako ganoon katanga kaya nakasakay ako ng mabilis. Metro pala ng distansya sa pinanggalingan mo hanggang sa pupuntahan mo ang binabayaran. Doon nasusukat kung gaano ka mahal o ka mura ang bayad na pera.

Napamilyaran ko na ang daan nang lumipas ang ilang minuto. Medyo mabilis ang takbo ng taxi, panay ang overtake nito sa bawat sasakyang madaanan. Gusto ko ang ganitong bilis, makakatulog kasi ako kapag mabagal ang pag-usad. Panay ang sulyap ng driver sa akin doon sa gitnang salamin. Hindi ko alam ang dahilan ng ginagawa niya. Hindi ko na pinansin at tumingin sa bintana.

Di nagtagal ay nakarating din ako sa bahay. Kaagad akong bumaba at nagbayad. Masyado pang maaga kaya alam kong hindi pa nagigising si Kate. Wala akong susi kaya inakyat ko ang katamtamang taas ng gate. Nang bubuksan ko na ang pinto ay basta nalang itong bumukas at tumambad sa akin ang taas kilay na mukha ni Kate. Nakapamaywang siya at mataray na nakatingin sa akin. Ang akala ko pa naman ay natutulogpa siya. Tss.

"Te! Ang paalam mo sa akin ay may pupuntahan ka lang, hindi mo sinabing overnight pala ang nilakad mo!" sarkastikong sabi niya.

"Talagang may pinuntahan ako. Iyong overnight na sinasabi mo, ibang uusapan na yon." sagot ko. Akma na akong papasok ng iharang niya ang sarili sa daan. Inis ko siyang pinagkunutan ng noo.

"Sige nga Kaze, pag-usapan nating yung overnight."

"Mamaya na, inaantok pa ako." usal ko saka siya seryosyong tinignan. Umikot ang mata niya saka naiiling na tumabi. Narinig ko pa siyang marahas na bumuntong hininga saka natawa ng peke.

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy sa kwarto. Hinubad ko ang jacket na suot saka ako sumalampak sa kama. Inaasahan ko na ang pagsunod niya. Sinamaan ko siya ng tingin nang padabog niyang binuksan ang pinto.

"Saan ka nanggaling?" mataray ang boses niya.

"Sa bar."

"Kaya pala ginabi ka. Doon ka rin nag overnight?"

"Hindi, sa ibang lugar." nakapikit ang mata kong sabi. Hindi ko nakikita ang mukha niya ngunit alam kong nakataas na ang dalawang niyang kilay.

"Talagang talaga ha? saan aber? Ayan ka na naman eh, masikreto ang gaga!" singhal niya at lumundag sa kama ko. Pinagkunutan ko siya ng noo at sumenyas na umalis siya. Napabuga siya sa frustrasyon saka mahinang natawa.

"Saan ka nga nanggaleng?" halos isigaw niya na yon sa mukha ko. Sa sobrang inis ko ay napabangon ako masama siyang tinitigan.

"Sa bahay ng taragis na Bulldog." matigas kong sabi saka muling dumapa sa kama. Doon ko ibinaling ang mukha sa kaliwa upang hindi ko siya makita.

"Bulldog? Ewan ko nga sayo! Hindi kita maintindihan!"

"Tss. Umalis ka na nga." paungol kong sabi saka pinikit ang mata. Ayokong pumasok ngayong araw dahil sa inaantok pa ako. Gusto kong matulog ng mahaba, iyong sa haba ay gusto kong tanghali na ako magising.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon