Kinabukasan....ZAIN'S POV
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis. Bumaba ako sa kusina at nadatnan ko doon si Zardi na nagaalmusal. Hindi ko man lang naagaw ang atensyon niya dahil abala siya sa pagtusok ng karneng kinakain niya. Tss. My brother's really odd these days. What the hell happened to him?
"Hey!" I caught his attention. He then looked at me with a stern look. Ano bang pinagagawa nitong kapatid ko.
"What is it kuya?" he asked with no interest.
"Yeah. Whatever." nasabi ko nalang. Ilang araw ko na siyang nakikitang ganyan. Parang palagi siyang may iniisip.
Pumwesto ako sa harap niya at kumuha ng kanin at ulam. Nagulat ako ng pigilan niya ang kamay ko. Nag angat ako ng tingin sa kaniya."Akin yan kuya." sabi niya at inunahan ako sa pagtusok non gamit ang tinidor. Napaamang ako sa ginawa niya.
"There's plenty of it Zardi!" I yelled in irritation.
"Kaya nga kuya. There's plenty of viands so don't get mine." magalang parin ang tono na aniya. Hindi ko naman uubusin iyang tocino niya! Tch.
Kumuha nalang ako ng ibang ulam. Ayokong mag-away kami dahil maaga pa. Ako naman ang pagsasabihan ni papa kahit itong ugok na 'to ang may kasalanan. Tch. Nang matapos ay nag sipilyo ako at lumabas ng bahay. Narinig kong tinawag ako ni Zardi kaya nilingon ko siya. Lumapit siya sa akin bitbit ang bag niya.
"Oh ano?" tanong ko.
"I'll go with you." aniya. Hindi na niya hinintay na magsalita ako at mabilis na pumasok sa kotse ko. Sumunod ako sa kaniya at nagmaneho. Ilang minuto pa ay dumating na kami sa school at pinark ang sasakyan ko.
Naunang bumaba si Zardi kasunod ako.
"Sasabay ako sayo mamayang lunch kuya." saad niya. Nagtaka na naman ako. Bihira lang kasi siyang sumabay sa akin dito sa campus.
Pinagkunutan ko siya ng noo."O....kay..." nasabi ko nalang dahil sa kawirduhan niya. Nagpaalam si Zardi sa akin na papasok na siya sa room niya. Sandali kong tinignan ang pwestong tinayuan niya at saka iiling-iling na lumakad. Umakyat ako sa building namin at pumasok na sa room. Nakita kong naka-upo na sina Keil at Nathan sa mga upuan nila.
"Nasaan si Luke at Axel?" tanong ko ng maka upo ako sa pwesto.
"Tss. As usual dre, late na naman yung dalawa." sagot ni Keil.
"Diba huling laro niyo na ngayon?"
Tumango ako. " Oo dre, kaya nga hinahanap ko si Luke. Sabay na kaming pupunta doon sa sports complex." sagot ko. Nagpaalam ako sa kanila na magbibihis lang ako sa shower room. Pagbaba ko ng building ay nagkasalubong kami ni Luke.
"Buti naman at nandito ka na." pamungad ko sa kaniya. Nginisihan lang ako ng ugok.
"Tara na." huli kong sabi at tuluyang pumunto sa shower room. Pagpasok namin ay nandoon na ang ibang mga kasama namin.
"Dude!" masayang bati sa amin ni Ejay. Tinanguan ko lang siya at binuksan ang locker ko. Kinuha ko iyong jersey sa bag at naghubad ng damit. Kaagad kong sinuot ang jersey ko at pinasok sa locker ang bag.
Umupo ako at inayos ang medyas, nasa ganoong posisyon ako ng magtanong si Carlo.
"Dude, sino yung kasama mo kahapon?" nag-angat ako ng tingin. Iniisip kung ano ang tamang isasagot.
Lahat ng tao dito ay nakatingin at naghihintay sa sagot ko."Yun? Si Kaze."
"Ahhh, kaibigan mo?"
"Hindi. Kakilala ko lang." mabilis kong sagot. Talaga namang hindi kami magkaibigan. Magkakilala lang kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/121285756-288-k825211.jpg)
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Acciónformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...