ZAIN'S POVIt was so heartbreaking to remember. Still, I can't move on. Sa bawat araw na gumigising ako at naaalalang wala na siya, ay parang kutsilyo iyong sumasaksak sa puso ko.
Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba o hindi na. Ngunit hangad kong makalimutan na, ako nalang ata ang kumakapit kahit hindi na pwede pa.
"Kuya, your friends are outside. Kanina ka pa nila hinihintay." rinig kong sabi ng kapatid ko. Hindi ko man lang namalayang nakapasok na pala siya dito sa loob ng kwarto ko, mabagal ang naging paggalaw ko kasabay ng bahagyang paglingon ko.
"Tell them to leave." kaagad na sambit ko.
"Pinapasok na pala ni mommy, ang sabi ay may pupuntahan daw kayo."
"I'm not leaving this house. Tell them I won't come." matigas na sambit ko at bumalik sa pagkakahiga.
Dalawang linggo na silang pabalik-balik dito. Kahit anong pilit ko sa sariling maging okay na ay hindi ko pa talaga kaya. Ayokong may kumausap sa akin, pakiramdam ko lumalala lang ang kalagayan ko.
"Umalis ka na Zardi." sambit ko. Hinintay kong kumilos siya ngunit hindi ko man lang narinig na sumara ang pinto, indikasyong lumabas na siya.
Inis akong umupo mula sa pagkakahiga at tinitigan siya. Naroon pa nga talaga.
"Are you dumb kuya? Two weeks ka ng ganyan, ano bang nangyayari sayo?" naiinis naring tanong niya. "Just accept na iniwan ka na ni Kaze."
umigting ang panga ko sa sunod na sinabi niya.Hindi ko napigilan ang sarili at mabilis ang hakbang kong lumapit at kinuwelyuhan siya. Umaapaw ako sa galit at sama ng loob.
"Anak, ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ang kapatid mo."
Doon lang ako natauhan nang mangibabaw ang tinig ni mommy. Kakapasok lang, kitang-kita ang pagaalala sa mukha niya. Mabilis kong binitawan si Zardi. Napapahiya akong nagbaba ng tingin at napapikit sa inis at pagsisisi.
"Iwanan mo muna kami ng kuya mo, Zardi. I'll tall to him." rinig kong sabi ni mommy sa kanya.
Nakita ko pang saglit akong tinignan ni Zardi bago siya tuluyang umalis.
Napabuntong hininga ako sa sariling kagaguhan. Maging ang sarili kong kapatid ay ganoon ko na kung tratuhin.
Ang mahinang pagtawag ni mommy ang pumukaw sa akin. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang lumapit siya sa akin.
"Anak, I know. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo...pero sana, don't let that break you." malambing na sambit ni mommy.
"How can I not let this break me, mom? Wasak na nga ako." sagot ko.
"Zain, you're not. Nandito pa kami ng kapatid at dad mo. Your friends are even here, hindi sila tumigil sa pagpunta dito."
"I don't want to talk to people mom, hindi muna ngayon." sambit ko at naupo sa gilid ng kama. Sumunod din si mommy sa akin at naupo sa tabi ko.
Kahit anong sabi ko sa sarili kong wala akong kakausapin ay tumitiklop iyon kapag si mommy na ang nandito."Ayaw mong kausapin kita?" malambing na aniya.
Umiling ako. "Hindi sa ganon, mom." mahinang sambit ko.
"Alam kong nasasaktan ka ngayon, pero anak, kayanin mo. Hayaan mong ang tadhana ang gumawa ng paraan upang magtagpo kayo. Kung kayo talaga para sa isat-isa, kayo talaga.
"Don't stress yourself working for it, let destiny work for it. Maybe, hindi ngayon ang tamang panahon, we take no hold of the future. Kaya, anak, stand up." nakangiting sabi ni mommy.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...