"Kaze!" tinawag ako ni Rex. Hindi ko na siya nilingon sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa motor ko.
"Kaze! Saan ka pupunta?" boses ni Jax.
"Kay Kate, nandoon si Kalem." sagot ko at mabilis na nagmaneho. Nang lingunin ko si Rex at Jax ay sumunod sila sa akin.
Halos paliparin ko na ang motor ko sa bilis ng pagpapatakbo. Nagagalit na nga yata ang ibang motoristang nalalampasan ko. Kaliwa't kanan na busina ang naririnig ko. May kalayuan pa man din ang bahay namin sa lugar ni Master. Kinakabahan ako dahil baka kung ano ang gawin ni Kalem.
Nagpasalamat ako at sa sumunod na rutang dinaanan ko ay walang traffic. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa marating ko ang destinasyon. Wala akong nakitang tao sa labas ng bahay kagaya ng sinabi ni Kate. Naramdaman kong sumunod sa akin sina Rex at Jax kaya sumenyas akong huwag na silang pumasok.
Nakasara ang pinto ng bahay. Nang pihitin ko ang doorknob ay hindi ito naka-lock. Tahimik kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang mga nakakalat na gamit sa sala.
Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng bahay at nakitang maging ang pinto ng kwarto ko ay may siwang na. Hindi ko pa man natatawag ang pangalan ni Kate ay nakarinig na ako ng impit na sigaw. Tumambol ng husto ang dibdib ko. Huli na ng mapagtanto kong hindi lang ako ang nasa loob. Sa hindi inaasahan ay may pumalo sa akin mula sa likod ko dahilan ng pamimilipit ko sa sakit. Hindi pa man ako nakakabawi ay may sumuntok na sa akin dahilan ng pagatras ko. Kaagad kong naramdaman ang lasa ng dugo sa mga labi ko.
"Kanina ka pa namin hinihintay, ang tagal mo, buti nakatiis pa itong alaga kong huwag tuklawin iyong kaibigan mo." anang boses ng lalaki.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang animal na si Angelo. Kasama niya si Yuri na batid kong sumuntok sa akin.
"Nasaan si Kate?!" galit kong sigaw.
"Naroon sa Kwarto. Pinapaligaya si Kalem." ngumisi siya sa akin.
Sa galit ko ay basta ko nalang tinapon sa kanya ang kung anong bagay na madampot ko. Mabilis ang hakbang kong tinungo ang kwarto ni Kate. Naka lock ang pinto niyon kaya't sa galit ko ay buong pwersa kong sinipa. Nang mabuksan ko ay nakita kong nasa loob nga si Kalem at Kate.
Naroon si Kalem sa may kama, nakakubabaw ang animal kay Kate. Naging isang hakbang ang layo ng kinaroroonan ni Kalem. Sinipa ko ng malakas ang katawan niya dahilan upang tumilapon siya sa kama.
"Kaze!" palahaw ni Kate nang makita ako. May nakita akong takot sa mukha niya. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Wala siyang galos sa mukha at buo pa ang damit niya. Inalalayan ko siya sa pagtayo at pinatago sa likod ko.
Galit kong hinarap si Kalem na naroon pa sa sahig. Nag-init ang ulo ko nang masilayan ko ang ngisi niya. Patayo palang siya ay nilapitan ko na. Sinipa ko siya sa likod dahilan ng muling paghalik niya sa semento.
Pinatayo ko siya at doon ko sinapak ng sinapak ang mukha niya. Humandusay siya sa kama, kahit halatang nasasaktan na ay ngumisi pa ang animal.
"Nakaisang halik pa lang ako, Kaze. Tsk! Hinintay mo sanang mahubaran ko siya." malakas ang loob na aniya.
Tumindi ang galit ko at mabilis siyang sinugod. Nasalag niya ang unang suntok ko ngunit bigo siyang iwasan ang pangalawa. Dumampot siya ng kung anong bagay at ihahampas niya sana sa akin ng umilag ako. Sa pangalawang beses niyang paghampas sa akin ay natamaan ako sa ulo. Hinila ko ng buong pwersa ang damit niya at pasugod siyang binangga sa pader. Napaupo siya sa lakas niyon.
Ganoon man ay mabilis siyang nakatayo at sinugod ako. Mabilis ang mga kamao niyang sumusuntok sa akin. Ngunit mas mabilis akong umilag doon. Nang makahanap ako ng tyempo ay siya naman ang sinuntok ko. Napapaatras siya sa bawat pag-atake ko. Ngunit sadyang bihasa rin siya at kaagad siyang nakakabawi.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...