ZAIN'S POVNang matapos ang paglalaban namin ng Surreno ay kaagad akong bumaba ng entablado. Bigla akong nawala sa mood at dahil yon doon sa babaeng kamukha ng Shitzu. Tsk!
Dapat nga ay ang pagkapanalo namin ang iniisip ko. Pero eto ako ngayon at ang iniisip ay iyong si Shitzu. Iyong Shitzu kaninang ginulat ang buong diwa ko. Hindi ko inexpect na talagang kaya niya yong gawin. Ang lakas ng loob niyang pumasok sa isang gang. Ngayon ko lang siya nakita dito kaya ganoon nalang ang gulat ko.
Akala ko noong una nang sapakin niya ako ay nagtatapang-tapangan lang siya. Bihasa naman pala siya sa self-defense at martial arts. Halata iyon sa pinakitang galing niya kanina.
Magaling nga wala namang kwenta.
Hindi ko talaga inakalang kaya niyang gawin yon. Kung tignan mo siya sa una ay parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Iba yon sa nakita ko kanina. Mukhang matagal na niyang ginagawa ang lahat ng yon dahil mabilis niyang napatumba si Kiel.
Sobrang angas ng dating niya, sa sobrang angas ay naasar ako sa kanya. Tch. Siya lang ata ang naiiba ng damit dito, sweatpants lang at t-shirt. Iyong parang papasyal lang siya sa kalsada. Wala talaga siyang kwenta.
Ganon man ang pinakita niya ay ni katiting na sindak at takot ay hindi ko naramdaman sa kanya. Alam ko ang kakayahan ko at iyong angas niya ay hindi uubra.
Nagpaiwan kami dito sa Hidden Pain dahil gusto ni Master na i-congratulate kami. Halos sabay kami ng ibang gang na lumabas ng silid. Nangunguna sa harap ang Surreno. Nakita kong naroon si Shitzu, para siyang tanga at nakapamulsa siya habang naglalakad.
Tinahak namin ang daan patungo sa second floor. Sa hagdan kami dumaan papunta sa silid ni Master. Kaagad na sumalubong sa amin ang mga bantay. Lahat sila ay may nakasampay na riffle sa balikat.
Nang nasa tapat na kami ng silid ni Master ay may humarang na naman sa amin. Napakaraming bantay ang gusali na to. Nasa unahan namin ang Surreno, sila ang unang sinalubong ng mga bantay.
"Nom de Code?" ani ng isang bantay sa kanila. Dahil nakaharap ito kay Shitzu ay sigurado akong siya na ang tinatanong.
"Ha?" nangibabaw ang tinig ni Shitzu. Nangunot ang noo ko ng tanungin niya rin yong bantay.
"Nom de code." pag-uulit ng bantay. Akala namin ay sasagot na siya sa halip ay tinapik niya lang ang balikat nong lalaki saka niya ito sinenyasang yumukod.
Mas nagtaka ako ng makitang may binulong siya doon sa lalaki kasunod ng diretso niyang pagpasok. Inis kong tinignan ang likod saka ako tumikhim. Naagaw ko ata ang atensyon niya kaya't sumulyap siya aa gawi ko. Nang magtama ang mata namin ay sinamaan ko siya ng tingin ngunit ang tugon niya lang ay iling. Tss. Yabang.
Pinapasok na kaming lahat sa loob ng silid ni Master. Bumungad sa amin ang amoy ng mabangong alak. Malaki ang silid at kulay puti at ginto ang makikita. Nasa harap si Master at nakaupo sa malapad niyang mesa at umiinom ng wine.
Bigla kong nakita si Shitzu sa harap, tumayo siya at animong may hinahanap. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumabas siya ng silid.
Tss. Wirdo talaga.
Naagaw ni Master ang atensyon namin ng magsalita siya.
"Ou est Agassi? " Ma awtoridad niyang sabi sa mga bantay na nasa loob. Sa tono ng boses niya ay mukhang nagtatanong siya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ngunit batid kong ibang lengguwahe ang binibigkas niya.
"Ie suis ici." nilingon ko ang kinaroroonan ng boses. Halos sabay kaming lahat na lumingon. Tumambad sa amin ang mukha ni Shitzu. May hawak siyang wine sa kaliwang kamay, ang tingin niya ay nasa kay Master.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Acciónformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...