KAZE' POV
Palihim kong hinagis paibaba ang papel na nilukot ko. Tumawa ng may pagpipigil si Kate ng mabasa ang nakasulat doon. Nagkatitigan kami saka siya ngumisi. Hindi pa nakuntento at humagikhik pa lalo. Mabilis kong iniwas ang tingin sa harap nang lingunin ng guro ang direksyon ni Kate.
"What's the matter miss Peters?" tukoy niya kay Kate. Umiling ito at nagpatuloy sa pagsusulat sa pisara. Nahihirapan nga akong intindihin ang mga sinusulat niya, hindi ko mabasa. Music class namin ngayon, hindi ako interest sa musika kaya nababagot na ako.
Kahit napansin na kami ng guro ay hindi ako nagpatinag. Muli akong sumulat sa maliit na pirasong papel. Akma ko na iyong ihahagis nang lumingon ang guro. Mabilis ko iyong itinago saka ko nilagay sa loob ng bag.
Mukhang nakita niya ang gagawin ko dahil pinagkunutan niya ako ng noo. Natigil siya sa pagsusulat at nilaro ang hawak na yeso habang dahan-dahang naglakad papunta sa gawi ko. Inaasahan ko nang kung anu-anong tanong nanaman ang ibabato niya sa akin. Nasanay na kaming ganyan siya, sa t'wing nahuhuli niyang hindi nakikinig sa kanya ang estudyante ay kung anu-anong tanong ang ibinabato. May kinalaman man iyon sa topic namin o wala. Kilabutan ka kung hindi mo masagot dahil paniguradong itlog ang score mo sa recitation. Maliit man ang porsiyento niyon ngunit may epekto iyon sa grado.
Tumigil siya sa paglalakad at pekeng ngumiti sa akin. Hindi ko nagawang salubungin ng diretso ang tingin niya dahil kanina pa ako hindi nakikinig sa mga sinasabi niya. Baka tanungin nalang ako bigla at hindi ko masagot. May isang itlog na ako sa record niya, hindi ko gugustuhing makadalawa.
Kahit ilang minuto nalang bago matapos ang klase ay baka pahabain niya pa lalo. Wala akong interes sa music kaya hindi ako nakinig. Kung tanungin niya man ako ngayon ay nakakasagot naman ako. Iyon nga lang ay inimbento.
"Did you know na pwede kitang i report sa guidance ngayon? Hindi ka pa naka school uniform! Kanina pa kita napapansing hindi nakikinig miss Anderson!" nagtaas siya ng boses.
Hindi na ako sumagot saka palihim na umirap. Hindi na rin naman siya nagsalita at bumalik sa harap. Tss. Mabuti at hindi na siya nagtanong pa dahil tapos na rin naman ang klase.
Nakita kong iniligpit na ng guro ang mga gamit niyang naroon sa mesa sa harap. Hindi na siya nagsalita at diretsong lumabas ng room.
Kaagad na lumapit sa akin si Kate na may ngiti sa mga labi. Pinagkunutan ko siya ng noo saka ako umirap.
"Buti nalang hindi ako ang nasabihan. Hahaha!"
"Tss. Buti nalang hindi na nagtanong." sambit ko.
"Kaya nga, shet, gutom na ako. Tara na, kain na tayo." yaya niya sa akin. Iniwas ko ang kamay nang akma niya akong hihilain doon. Nakita ko pa siyang umirap saka tatalikod na sana nang pigilan ko siya.
"Ayokong kumain doon. Baka naistorbo na naman ako." sabi ko.
"Okay, mabuti pa nga. Lagi ka nalang hindi nakakain ng tahimik! Dadalhan nalang kita ng pagkain, tapos doon tayo sa botanical garden kumain." mahabang tugon. Tumango nalang ako.
"Doon na ako maghihintay." pahabol ko ng magsimula na siyang lumakad. Kinuha ko na ang bag ko saka ako dumaan sa kabilang hagdan.
Nasa likod ng third year building ang botanical garden. Medyo malaki ang espasyo doon at maraming bench na gawa sa semento. Mayroong paikot sa mga puno at meron ding ordinaryong bench lang. Magkaharap ang mga iyon sa mahabang mesa.
Kaagad kong inilagay sa mesa ng bitbit kong bag saka ako umupo doon sa pinakadulong bahagi. Nasa likod na partr ng campus ito at hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante. May mga tao rin namang dumadaan dito pero mas pinipili nilang doon sa quadrangle tumambay.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...