Chapter 18

394 18 2
                                    

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun ay bigla kaming natahimik na tatlo. Para akong mabibingi. Awkward tuloy. Gulat akong nakatitig kay Jax. Hindi ko alam kung bakit niya yon nasabi. Baka lasing din siya kaya ganon. Naloloka ako.

Naka pokerface lang si Shaun habang nawiwindang naman ako sa mga pinagsasabi nitong Jax.

"See if I care." maangas na sabi ni Shaun. Umigting ang panga ni Jax matapos niyang marinig yon at seryosong tinignan ang pinsan ko.

"Who the hell are you?" bakas ang inis sa boses ni Jax. Kanina pa man ay nakikita kong umigting ang panga niya.

"Pinsan ko siya dude, mag pinsan kami."

"Really? Tsh. Kahit na, lumayo ka sa kanya." sumenyas pa si Jax na lumayo daw si Shaun.

"Okay, whatever." nalang ang nasagot ng pinsan ko.

Nawiwirduhan kong tinignan si Jax. Ngumiti pa siya sa akin. Bipolar lang. Kanina parang sasabog kung kausapin ako. Ang init pa ng ulo, ngayon naman, nagpapakilalang boyfriend ko daw. Gago lang.

Inis ko siyang inirapan saka ako bumaling kay Shaun.

"So, matagal ka na dito?" tanong ko. Binalewala ko si Jax. Bahala siya diyan. Ang sungit niya kanina tapos ngayon ganyan siya. Hmp.

"Hindi ganon katagal. Mag tatatlong buwan palang."

"Ah, okay." nalang ang sinagot ko.

Narinig ko pang tumikhim si Jax. Gulat ko siyang tinignan ng bigla niya akong hilain patayo.

"Ano ba?" asik ko.

"Dude, anong---" hindi paman natapos ni Shaun ang sasabihin ay pinukol niya ni ito ng masamang tingin.

"Shut up." matigas na sabi ni Jax saka ako muling hinila. Binawi ko ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Kahit kinikilig ako sa mga pinagsasabi niya, hindi yon exemption para hindi ako mainis sa kanya. May mood swing siguro to.

"Ano ba Jax! hindi ako si Rose na sasama agad sayo isang hila mo lang." asik ko. Hindi ko knows kung may konek ba yung mga sinabi ko. Basta yun lang kasi ang lumabas sa bibig ko. Tinarayan ko siya saka ako bumaling sa pinsan ko. Buti nalang nandito to.

"Tara na nga Shaun!" naiinis kong sabi saka ako tumayo. Sumunod naman sa akin si Shaun. Nang sulyapan ko si Jax ay nakangisi na siya. 'Ta mo 'to. May mood swing!

Magkasabay kaming pumasok ng bahay ni Shaun. Nasa loob kasi ang main course. Naka buffet style iyon. Sa labas kasi ay desserts ang inihanda.

*****

K A Z E ' S P O V

Panay lang ang iling ko sa naririnig. Nag babangayan kasi itong si Kate at Jax. Isama mo na itong lalaking hapon siguro. Mukhang nagatatalo sila sa kung ano mang dahilan.

Bigla ay tumayo si Kate kasunod ang lalaking kasama niya. Pabagsak siyang naglakad patungo sa bahay nila. Ngumiwi ako sa nakita, maging si Jax ay sinundan sila sa loob.

Siya ang nagyaya sa aking pumunta dito, ngayon ay iniwan ako. Tss.

Muli ko nalang ininom ang hawak na wine. Kanina pa ako umiinom dito. Naka apat na kuha na nga ako sa mga waiter na dumadaan dito sa gawi ko.

Iginala ko ang mga mata, nagbabakasakaling may makapukaw sa interes ko. May mga taong naroon sa dessert table at abala sa paglamon. May mga iba ring nakatayo sa gilid at umiinom. Ngunit ang napansin ko na siyang pumukaw sa interes ko ay iyong taong naroon sa likod ng fountain. Natatabunan ang kalahati ng katawan niya ng halaman. Natatamaan ng kaunting ilaw ang kinaroroon niya. Hindi angkop sa sitwasyon ang suot niyang itim na leather jacket at maong. May kaitiman din ang balat niya. Palinga-linga siya sa magkabilang direksyon at pawang may hinahanap.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon