KAZE'S POVHindi na kataka-taka ang mapasabak sa gulo kapag ikaw ay sanggano. Kakabit na ata ng pangalan mo ang salitang gulo. Nasa sistema mo na yon, hahanap-hanapin ng katawan mo.
Isang malaking laban ang dadaluhan ng mga gang na kabilang sa clan ng tinatawag naming Master. Siya iyong namumuno sa lahat ng underground fights o anumang pustahang ginagawa namin. Kada tatlong taon ay nagtatanggal ito ng mga miyembro sa hinahawakang mga gang. Ngayon ay iniba ata ang pinag-usapan. Magtatanggal na ng isang buong gang.
Ginaganap ang mga ganitong laban sa isang gusaling tinatawag nilang Hidden Pain. Mataas iyong gusali, may dalawang palapag at mayroong malaking kwartong nasa ilalim ng lupa. Malaki rin ang palibot nito. Malayo sa siyudad, hindi nararating ng kahit na sino. Ang sabi daw ay tatlong ektaryang lupa ang kinatitirikan niyon bagaman maliit pa sa kahalahati ang nilagyan ng mataas at kongkretong bakod.
Kanina pa kami bumiyahe kaya ngayon ay narating na namin itong gusali. Awtimatikong bumungad sa amin ang kulay itim at malapad na gate. Nang makababa kami ay sumalubong ang mga guwardyang nakabantay, lantarang pinapakita ang hawak nilang riffle, FAD ang pangalan. Wala sa kanila ang sumindak sa akin, kung tutuusin nga ay natatawa ako sa mga hitsura nila. Tss. Lumubog na ang araw at nakasuot pa sila ng salamin at itim na tuxedo. Tss ulit.
Halatang hindi basta-basta ang binabantayan nila sa loob. Nagwawaldas ng pera ang may-ari ng gusali na ito. Mga nasa sampu hangang bente kasi ang mga taong nakakalat dito sa labas. Kung ako ang tatanungin ay malaking pera ang kukunin kapag oras na ng sweldo.
Nang papasukin kami ng mga gwardya ay may sumalubong ulit kaagad sa amin. Hanep, napaka maalaga sa bisita nitong may-ari ah. Kulang nalang ay pati sa pag-ihi namin ay samahan kami. Tss.
Napapalibutan ng damo itong gusali iyon ang dahilan ng pagiging maganda nito. May mga puting ilaw ang pader pati na ang itaas ng bahay. May mga tao ding naka puwesto sa itaas na nakasilip na sa scope ng kanilang sniper. Kung iba ang tatanungin mo ay talagang matatakot kang mag-ingay o maglikot dito. Nakatutok ba naman lahat ng baril sayo.
Nang malapit na kami sa entrada ng gusali ay may humarang na naman sa'min. Talagang napakahigpit ng seguridad dito, kahit ilang beses na kaming nagsaka-panaog sa gusali na to ay ganoon parin ang kanilang trato. Iyong tipong hindi ka pa kilala.
"Nom de Code." malalim ang boses ng lalaking narito sa pintong gawa sa salamin at dalawa ang bukasan. Pranses ang lenggwahe nila. (Code name)
Dahil nauuna sa amin sina Kris at Liam ay kaagad nilang binigay ang hiningi ng bantay.
"Crusher." anang boses ni Kris.
"Pain Master." Liam
"War." Warren
"Flashbang." Jax
"Sniper." Kieffer
Hindi ko tinignan ang ginagawa nila sa harap. Bagaman naririnig ko ang mga boses nila ay napako na ang paningin ko sa itaas na bahagi ng gusali. May balkonaheng naroon, nakatayo doon ang isang lalaking nakasandal ang siko sa pasimano. Alam kong nasa akin ang tingin niya kaya tinitigan ko rin.
"Teargas." Kevin
"Killer." Blake
"Enemy." Clark
"Queen of Knife." Kate
Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang marinig kong magsalita si Kate.Sinenyas na sabihin ko ang code name ko. Lumapit ako sa bantay saka nagsalita.
"You know me." ang sinabi ko. May pinindot siyang buton sa tenga niya at tumango.
"." tipid akong ngumisi nang itutok nila ang baril sa amin. May mga maliliit na pulang ilaw pang nakatutok sa mga katawan namin. Gulat akong nilingon ng mga gangmates ko. Umirap ako saka umiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/121285756-288-k825211.jpg)
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...