ZAIN'S POV"Sino itong hiningan mo ng tulong Hendrix? Hindi pa man kami sumusugod sa inyo ay may resbak na kaagad kayo." malademonyo siyang tumawa saka kinuha iyong pamalo ng kasama niya at hinampas iyon ng mahina sa sariling palad.
Wala akong hiningan ng tulong! At hindi ko kilala kung sino yang pabidang yan! Akala ko nga ay kasama siya nila. At ang akala din nitong mga lalaki ay kasama ko siya! Tsk!
Hindi nalang ako nagsalita dahil sa kawalan ko ng maisasagot. Nanatili akong kalmado habang nakatingin doon sa motor.
"Patayin mo yang motor mo ng makapagsimula na tayo." panghahamon ng lalaki doon sa taong nakasakay sa motor. Tsk! Sino ba yan?
"Dadaan lang ako." maririnig ang malamyang boses nang sumagot ito.
Nabigla ako ng biglang hatawin ng lalaki ang parte ng kinauupuan ng driver. Hindi ko narinig ang pagtama niyon sa kahit saan. Nanlaki ang mata ko nang patiwarik na tumalon ang sakay niyon sa harap ng motorsiklo. Bumagsak siya sa lupa gamit ang parehong paa. Hindi man lang nahirapang balansehin ang sarili!
Ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang lumingon siya sa gawi ko! Nandito na naman si Shitzu!
Fuck this!
Umatras siya ng bahagya kaya malapit na siya sa amin. Hinila ko siya saka ko siya sinigawan.
"Ano bang ginagawa mo dito!" ngunit sa halip na siya ang sumagot ay nangibabaw ang halakhak ng mga lalaking ngayon ay masama kaming tinitingnan. Hindi pa nga humuhupa ang inis ko sa kanya ay nagpakita na naman siya.
"Akalain mong magkakilala pala itong dalawang sumobra sa kaangasan?" doon ko kang binitawan si Shitzu. Napako ang tingin ko sa ngayong walang emosiyong mukha ni Shitzu.
Humakbang siya ng isang beses at isa-isang sinuyod ng tingin ang mga lalaki. Hindi mo man lang kakitaan ng takot at pangamba itong si Shitzu. Maangas amputa. Tsk!
"Ikaw yon diba?" nagsalita siya habang nakaturo ang kanang kamay sa mukha ng isang lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nila. Maging ako ay hindi alam ang ibig niyang sabihin.
"Lumapit ka nga dito at nang masapak kita." maangas na sabi niya don sa lalaki. Akala ko ay tatahimik na siya ngunit nasundan pa ng malutong na mura. " Tangina mo, bagong bili yang motor ko tapos ngayon masisira na naman? Ha?"
Nanlaki ang mata ko ulit sa sinabi niya. Nagkatinginan pa kami nina Rex saka ako hindi makapaniwalang umiling. Ducati ang motor niya kaya alam kong mahal yan. Kaya pala wala ng pintura kasi bago na! Paanong nakabili kaagad siya ng bago?
"Ipagbabangga ko ang mga ulo ninyo. Iyong malakas para wasak pati bungo." nabalik ulit sa kanya ang atensyon ko ng magsalita siya. "Sinira na nga yan ng tarantadong ito, huwag mo sabihing sisirain mo rin?" mabilis niyang inilipat ang tingin doon sa lalaki pagkatapos niya akong ituro at lingunin.
"Sinabing dadaan lang ako." muli pa siyang nagsalita saka siya naglakad pabalik sa motor niya. Ngunit sumugod na kaagad ang isang lalaki sa kanya. Mabilis kong binitawan ang kanina ko pang hawak na bola. Patakbo kaming sinugod ng iba pang mga kalalakihan. Susuntok na sana ang isa sa kanila nang dakmain ko siya at suntukin sa sikmura. Napadaing siya ng magkasunod ko siyang sapakin sa magkabilang mukha. Hindi niya nagawang gumanti nang sugurin ko siya at yakapin sa bewang. Sa ganoong paraan ko siya pinatumba.
"Fuck it, Rex! Huwag kang mang-agaw." sa kalagitnaan ng ginagawa naming pakikibagbuno ay nagawa pang magreklamo ni Luke.
Sinamaan ko siya ng tingin saka ako lumapit sa isang lalaking ngayon ay pinagtutulungan si Keil. Sinakal ko siya gamit ang isang bisig. Nainis ako ng nagawa niya akong sikuhin sa tiyan. Ganon man ay hindi ko siya binitawan. Nang sa tingin ko ay hindi na siya makakilos ay doon ko na siya pinagsasapak hanggang sa humandusay siya sa semento.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...