ZAIN'S POVThe party ended at past 8 in the evening. Some of our relatives are here until now. Yung iba ko namang kaibigan ay umuwi na. My parents are planning to stay here for a night.
While kami ng kapatid at ibang pinsan ko ay uuwi sa bahay. We can't stay any longer dahil may pasok pa kami bukas. Nandito kami sa may resto bar ng venue at hinihintay ang ibang pinsan kong pagpaalam sa mga magulang nila.
"We'll get going mom." paalam ko. Ngumiti si mommy sa akin at lumapit.
"Thanks son. Mag ingat kayo sa pag-uwi." habilin niya kasabay ng pagdampi ng paghalik sa ulo ko.. Muli akong ngumiti sa kanya.
Sabay kami ni Zardi palabas ng venue. Ganon din ang mga pinsan ko. Nag-aaral sila sa ibang school. Medyo malayo din ang bahay nila dito.
"Thanks for coming, bro." pagpapasalamat ko kay Aeron. First cousin ko siya sa side ni mommy. Naging magkasundo kami at maituturing ko rin siyang kaibigan bukod sa Head Hunters. Ngumiti siya sa akin at nagsalita.
"Basta may pagkain. Hahah. Sige na, gabi na rin kaya uuwi na kami." huling paalam niya saka nauna silang umalis.
Tumalikod na ako at tumungo sa sasakyan ko kung saan naroon na sa loob si Zardi. Abala siya sa pagkalikot ng cellphone niya.
"Hindi ka nagpaalam sa kanila." sabi ko sa kanya bago binuhay ang makina. Hindi man lang siya ng angat ng tingin sa akin, nasa cellphone parin ang tingin.
"Ah? nagpaalam na ako kanina sa loob." ngayon lang siya sumagot.
Hindi na ako nagsalita pa at pinaharurot ang sasakyan paalis sa venue. Tahimik ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay. Sinalubong kami ni Manang Karing dahil nauna na itong umuwi kanina. Binati ko lang ng isang ngiti si manang at nagpaalam ng aakyat sa kwarto ko.
Nakabuntot sa akin si Zardi habang paakyat ako sa hagdan. Hindi ko na mabilang kung makailang beses na siyang tumitikhim. Sinamaan ko siya ng tingin. Talagang kapansin pansin iyong pananahimik niya kanina sa party hanggang sa magmaneho ako pabalik dito. Ng makarating kami hanggang sa makapasok ay pasimple siyang tumitikhim.
"May sore throat ka ata." kumento ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Mukhang meron nga kuya, matamis kasi iyong cupcake na kinain ko." dahilan nito at muling tumikhim na may sinusupil na ngiti sa labi.
"What?" nagtatakang tanong niya ng mapansin ang tingin ko sa kanya.
Umiling lang ako at hindi na nagsalita. He's frigging wierd right now. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa kwarto. Mabilis akong naghubad ng damit at pumasok sa banyo. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang paglilinis ng katawan ko sa halip ay tinutok ko ang sarili sa pagsisipilyo. Kung ano-anong pagkain din ang nginuya ko doon. Pagkatapos ay nagbihis ako at nahiga sa kama. Hinintay kong dalawin ako ng antok hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay hindi ako ganoon kaagang nagising. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bumangon. I was caught off guard when Zardi's face greeted my sight.
Kanina pa ba siya dito?
"Morning, kuya." bati niya sa akin, napansin kong may hawak siyang tasa ng kape.
"Bakit ka nandito?" I said under my groans.
"I decided to check on you. I also want to inform you na sasabay ako sayo papasok ng school kuya." he said as if I don't have a choice but to say yes.
"Ahhh. kay." sabi ko nalang.
"By the way kuya, maligo ka na kasi it's freaking eight in the morning." aniya saka tinuro ang digital clock sa bed side table ko. Nagulat ako sa nalaman at mabilis na pumasok sa banyo. I did my thing, mabilis ang bawat galaw ko dahil baka ma miss ko ang isang subject sa umaga. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Zardi kaya mabilis akong nagbihis. Nadatnan ko siyang naghihintay sa akin sa sala.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Acciónformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...