Chapter 19

334 17 1
                                    

ZAIN'S POV

Halos isang oras na akong naka tanga dito sa loob ng kwarto. Sabado kasi at wala akong gagawin. Wala rin naman kaming practice sa soccer. Sumali na ako noong nakaraang araw, sa katunayan ay kasali na ako sa varsity team ng SHA.

Naiinis na ako dito sa loob ng kwarto ko dahil sumasagi sa isip ko si Shitzu! Pati yung mga ginawa niya at yung gagawin naming report! Tsk! Kaasar.

Para malibang naman ako ng konti ay nanood nalang ako ng movie. Pinilit ko nalang ang sarili ko na malibang para naman kahit papano ay hindi ako mabored. Habang nanonuod ako ng palabas ay nahagip ng tingin ko ang itim na paperbag. Binigay ito kahapon ng mga tauhan daw ni Master. Bumangon ako sa kama at kinuha iyon sa vanity table.

Binuksan ko yon at nakitang may maliit na box sa loob. Nang tignan ko ang laman niyon ay tumambad sa akin ang itim at kulay silver na wristband. May kung anong symbol din na nakaukit sa silver plate. Napansin ko ring nakaukit ang code name ko sa likod nito.

"Nice." kumento ko, sinuot ko nalang iyon.

Muli sana akong bumalik ng higa nang mapansin kong madilim na sa labas. Nang tignan ko ang wall clock ay nanlaki ang mata ko ng makitang lampas alas sais na.

Pinatay ko nalang ang tv bago ako lumabas ng kwarto. Tanging mga maid lang namin ang kasama ko dito. Si dad, nasa office niya. While my mom, um-attend siya ng party. Hindi ko lang alam kung saan ang venue.

Nagpaluto nalang ako ng pasta sa cook namin. Magaling siyang magluto ng kahit anong pagkain. Kahit simpleng burger lang nga lang ang gagawin ay pinagiigihan niya. Nang matapos siyang magluto ay sinimulan ko ng kumain. Talagang masarap ang luto niya.

Habang kumakain ako ay narinig kong tumunog ang telepono dito sa bahay. Dahil malayo iyon ay dinala ko ang maliit na plato sa sala. Nilunok ko muna ang kinakain bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Good evening, is this the Hendrix residence?" anang boses sa kabilang linya. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan ang tawag.

"Yeah, why?"

"Sir, may I know your relation to maam Olivia Hendrix?"

Mas lalong nilamon ng katanungan ang isip ko.

"She's my mom. May I know what's happening?" hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano. Pakiramdam ko ay may nangyari kay mommy.

"She's in the hospital right now sir, Medoctors Hospital to be exact. Can you please---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Mabilis ko iyong pinutol at nilapag ang pinggan na hawak sa mesa.

Hindi narin ako nagpaalam at pumanhik kaagad sa loob kwarto ko upang kunin ang susi ng sasakyan. Hindi ko na alintana kung anong suot ko. I'm worried sick of my mom. Kinakabahan ako baka anong nangayri sa kanya.

Halos lumipad na ang kotse ko dahil sa bilis ng pagmamaneho. Ang importante ay makarating ako doon sa lalong madaling panahon.

Hindi ko alam kung masyadong mabilis ang pagdating ko o mabagal. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang lagay ni mommy. Hindi ko inakalang posible palang malagay sa panganib si mommy. Iba pala talaga kapag mahal mo sa buhay ang malagay sa ganitong sitwasyon.

Malalaki ang hakbang kong naglakad papasok sa loob ng ospital. Sa ER ako pumasok at doon nagtanong sa mga nurse. May isang nurse pa akong tinanong na wala akong nakuhang matinong sagot. Panay ang smile sa akin, tsk!

"Nurse, where's Olivia---" hindi ko na natapos ang sasabihin ng may tumawag sa apelido ko.

"Mister Hendrix?" anang boses. Nilingon ko siya at tumango ako, pinapaalam na ako nga ang tinatawag niya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon