KAZE'S POV
Naghari ang katahimikan sa buong sulok ng silid. Hindi ko sila maintindihan! Malinaw sa usapan namin noon pa man na kapag gulo ko ay akin lang. Ngayon ay kumilos sila ng basta-basta nang hindi ko nalalaman. Ang kinagagalit ko pa ay nang makita kong tila takot si Kate. Halata iyon sa mata niya. Hindi ko man alam ang buong nangyari ay batid kong hindi niya iyon kinaya.
"Kailan ka pumunta sa kanya?" tanong ko kay Rex at bahagyang lumapit sa kaniya.
"Kaze, stay on the bed. Hindi ka pa magaling." suway sa akin ni Master at akmang lalapit nang pigilan ko siya. Batid kong kanina pa man ay nagpapasensya na siya. "Kaze, stay on your bed." pag-uulit niya sa maawtoridad na boses.
"Kailan ka pumunta Rex?!" sigaw ko. Binalewala ang kaninang sinabi ni Master.
"Kanina. Kaya hindi ako nakapunta kaagad dito." sagot niya. Mas lalo nag-init ang ulo ko nang malaman kong hinarang nina Angelo at Yuri sina Jax kanina. Kung hindi pa daw dumating si Rex ay baka napano na silang dalawa.
Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa kung ano pang ibang dahilan ni Kalem. Alam kong ako ang dahilan, ngunit ang hindi ko alam kung ano pang mas malalim doon. Kanina nang banggain ako ay mukha ni Angelo na siyang nagmamaneho ang nakita ko. Talagang pinlano, hindi man ganoon ka pulido ay nabangasan parin ako.
Ngayon ay hindi ang kondisyon ng katawan ko ang nasa isip ko. Gusto kong lumabas na kaagad dito nang sa ganon ay magawa ko na ang matagal kong pinaplano. Ganoon nalang ang galit ko dahil natatakot akong madamay sila sa gulo ko.
Sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ay dinaan ko nalang sa malalim na hininga. Dahan-dahan ko iyong pinakawalan na animong sa pamamagitan niyon ay unti-unting mawawala ang mga problema ko.
"Magpapahinga na ako, makakaalis na kayo." mahinang sambit ko at bumalosa pagkakahiga sa kama. Hindi ko na nagawang pigilan si Master nang alalayan niya ako sa pagsampa sa may kataasang kama. Nararamdaman ko na naman ang pagod. Nang mahiga ako ay tumagilid ako paharap sa bintana upang hindi ko sila makitang lahat. Hindi lang sa buong katawan kundi pati narin sa kakaisip. Hindi na nga yata ako lulubayan ng problema.
Sa hindi inaasahan ay basta nalang nanubig ang mga mata ko. Nang ipikit ko ang mata ay tumulo na ang luha ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang emosiyong ito. Napakalalim at ang hirap sisiriin. Ayaw kong lumayo dahil sa kakaisip, baka hindi ko kayanin at malunod ako. At kagaya noon, walang sisisid upang maiahon ako. Dadaganan ng sama ng loob hanggang sa mapigti na ang hininga ko.
Narinig ko ang mga yabag ng mga paang nagsikilusan. Kasunod niyon ang pagsara ng pinto. Nang imulat ko ang mata ay nakita ko kaagad si Master. Malungkot ang matang nakatingin sa akin. Nasasaktan man ay balewala nalang, nasanay na akong ganito nalang palagi ang nararamdaman.
Ipinikit ko ang mata at umayos ng higa. Nakakat'wang kahit naglalakbay ang isip ay nakatulog ako nang gabing iyon. Siguro ay napagod sa katatakbo.
Nang magising ako kinabukasan ay nakita kong naroon sa mahabang sopa si Master. Natutulog parin at halatang hindi kumportable sa pwesto. Nagmumukhang maliit ang sukat niyong sopa dahil sa malaki ang katawan niya.Maingat akong bumaba ng kama, ngunit bago pa man ako makapasok ng cr ay naramdaman kong sumakit ang tagiliran ko. Para akong kinakapos ng hininga. Napapikit ako sa sakit niyon at tila mahihilo.
"Kaze? What happened? Are you okay?" nag-aalalang boses ni Master ang narinig ko. Hindi ko man lang naramdaman na nagising siya.
"Ah," ungol ko habang hawak-hawak ang parte ng katawan kong sumasakit.
"Wait, I'll call the nurse." kalmado parin ang boses ni Master at may kung anong pinindot na button doon sa dingding.
"Wait, lay on your bed, come here." aniya pa at inalalayan akong mahiga sa kama.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...