Sa sobrang inis ko ay umakyat nalang ako sa building namin. May ibang mga kaklase akong nadatnan doon. Pabagsak kong inupo ang sarili sa silya. Hinintay ko nalang ang oras na lumipas hanggang sa matapos ang ang lunch break.Isa-isa nang nagsipasok ang mga kaklase ko, kabilang doon si Kate. Lumapit siya sa akin at naupo sa katabing silya.
"Dinalhan kita ng pagkain." sabi niya at binigay sa akin ang maliit na supot na gawa sa papel. Ibabalik ko sana sa kanya ng umupo na siya sa harap. Dumating na kasi ang unang subject namin sa hapon.
"Good afternoon class, get a piece of paper. We're having a quiz." diretsong sabi niya saka binuklat iyong makapal na librong dala.
Nanghingi lang ako ng papel sa katabi ko at isinulat ang pangalan.
"Number your paper one to 40." nagsalita pa siya dahilan ng pagingay ng loob mg room. May mga kaklase akong umaalma, hinihiling na iyong numero ay babaan niya. Ngunit sa dami nilang nagreklamo walang ni isang pinakinggan niya.
"Ma'am, kahit one to thirty nalang." nagmamakaawa na sila. Hindi lubos matanggap na hanggang kuwarenta ang dapat na sagutan. Nagtaas lang ng kilay ang guro saka nagsimulang magbasa ng tanong.
Na obliga kaming isulat ang sagot. Kahapon lang namin pinag-usapan ang topic na pinagkunan niya ng quiz. Kampante akong may maisasagot. Hindi nga lang sigurado kung tama at kung lahat ay masasagutan ko.
Nagpatuloy kami sa ginawang pagsagot hanggang sa umabot na kami sa numerong dalawampu. May mga blangkong numero ang papel ko. Dahil biology ang topic namin ay madali lang naman sa akin. Iyong ibang terminology lang ang nakakalimutan ko kaya mas maraming bilang ang mayroong sagot sa papel ko.
Napansin kong panay ang sulyap sa akin ni Kate. Nasa katabing row ko siya sa unahan. Naningkit ang mata ko ng ituro niya ang papel.
Nagtaka ako noon una, sa huli ay nakuha ko rin ang gusto niyang sabihib. Nanghihingi lang pala ng sagot.
Binuka ko ang bibig at nagsalita ng walang boses. Nagtanong ako sa kanya kung anong numero ang hindi pa niya masasagutan. Ganoon din ang ginawa niya, binasa ko ang bibig niya, 'number 32 to 34' ang sabi.
Kakausapin ko na siya ng mabilis niyang binalik ang mata sa harap. Sumulyap kasi si ma'am sa gawi niya. Hinintay ko siyang lumingon sa akin at mabilis na sinabi sa kanya ang sagot. Dali-dali siyang sumulat sa papel. Hindi na siya nagtanong pa hanggang sa apat na tanong nalang ang matira. Sinagot ko lahat ng iyon at nang matapos ay nagsalita na naman si ma'am.
"Alright!" sinara niya ang hawak na libro. "pass your papers."
Binigay ko na ang papel ko sa kaklase kong nasa harap. Lumapit sa akin si Kate saka niya tinapik ang balikat ko.
"Salamat sa answer mo." sabi niya.
Hindi ko na siya sinagot. Dumating pa ang ilang mga subject namin. Apat na subject ang meron kami sa umaga at lima sa hapon. Nang sumapit ang pang-apat na subject namin ay doon na ako nahirapan. Ayaw na ayaw ko ang numero, sumasakit ang ulo ko. Nakukuha ko naman ang kaso ay hindi ganoon kabilis. Kay Kate ako nagpapaturo dahil aa tuwing siya ang magpapaliwanag ay nakukuha ko. Kapag iyong lalaking guro naman namin ang matuturo ay parang sinulid na binuhol ang utak ko. Hanggang sa muling unikot ang oras at panghuling subject na Robotics. May kaalaman naman ako sa pag gamit ng teknolohiya. Tatlumpu't kalahati lang ang tinagal non at natapos rin.
Niligpit ko na ang mga gamit kong nasa mesa. Lumapit sa akin si Kate.
"Tara na." sabi niya. Tumango lang ako at sumabay sa kanya sa paglakad. Natanaw ko ang mga estudyanteng naroon sa quadrangle. Karamihan ay pawang may tinatanaw sa kung saan.
![](https://img.wattpad.com/cover/121285756-288-k825211.jpg)
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Aksiyonformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...