Chapter 39

149 7 0
                                    


ZAIN'S POV

Paulit-ulit na nag replay sa utak ko iyong mukha ni Shitzu kanina. Ugok din tong mga kasama ko at sumigaw ng kung ano-ano. Nag iba ang tingin ko sa kanya kanina nung nasa stage siya. Mukhang nawala ang angas niya. Napaka babae niyang tignan kapag nagugulat siya. Iyon ang dahilan ng pagngiti ko kanina. Hindi iyong ideyang inasar siya ng mga kasama ko. Ganyan pala ang mukha niya sa tuwing nawawala iyong angas niya.

Matagal pa kami bago nakaalis sa gym. May mga students at teachers din kasing nagpapapicture sa amin. Nang matapos iyong picture taking ay
kaagad kaming lumabas doon at pumunta sa canteen. Pagpasok ko ay kaagad kong nakita si Shitzu. Wala kasing masyadong tao kaya nakita ko siya kaagad. Nakapangalumbaba siya sa mesa at kasama niya iyong abno niyang kaibigan. Lumapit ako sa kanya at sumunod sa akin ang buong gang.

"Kinilig ka naman kanina?" pang-aasar ko kay Shitzu ng tuluyang makalapit sa kanya. Pasimple niyang inangat ang ulo at inirapan ako.

"Hindi naman." pa cool na aniya. At bumalik sa dating pwesto niya patalikod sa amin.

"Hi Kaze." ani Rex na pinagtaka ko. Ngumiti si Rex na parang nakikita siya ni Shitzu.

Tinaas lang ni Shitzu ang kamay sa ere. Weird talaga tong babae na 'to.

"Hi Kaze." usal ni Psalm.

"Hi Kaze."

"Hi Kaze."

Kunot noo ko silang nilingon ng mag sunod-sunod sila sa pagbati sa kaniya. Tumawa lang si Rex sa akin. Tumawa rin ako at ginaya iyong sinabi nila. Mukhang trip ka namin ngayon Shitzu.

"Hi Kaze." sabi ko. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo at sinamaan kami ng tingin. Matagal siyang nakatitig sa amin bago tumayo.

"Tapos na kayo?" mahinahong tanong niya. Tumawa na naman kami. Mukhang naiinis na siya.

"Yeah, we're done." nakangiting pagkumpirma ko. Naging blangko ang mukha niya at pasiring kaming tinignan. Kasunod non ang pag-upo niya at muling nangalumbaba.

"Busy siya...." natatawang ani ng kasama niya.

"Ah busy siya? " sarkastikong sabi ko. Tumango-tango ako saka bumaling sa buong gang ko.

"Busy siya mga dre." ani ko saka muling ibinalik ang tingin sa kay Shitzu.

"Hmmm. Busy ako kaya umalis kayo." mahinang sabi niya. Natawa ako, napaka wirdo talaga! Tsk! Tinapik ko nalang siya saka umorder ng pagkain. Kumain kami ng buong gang sa katabing mesa ni Shitzu. Hindi gaya kanina ay naka ayos na siya ng upo. Pinagmasdan ko siya hanggang sa tumayo siya. Bago pa sila maka-alis ay sumigaw ako sa kanya.

"Bye Kaaaaze!" pang-aasar ko pa. Dahan-dahan siyang lumingon saka ako tinanguan. Tumaas iyong gilid ng labi niya. Ganon lang ang ginawa niya at tuluyang lumabas ng canteen.

"Busy nga." tumatawang sabi ko sa sarili.

Kung dati ay naiinis ako sa pagiging maangas niya ngayon ay hindi na. Natatawa ako sa kanya.

*********

Sabay kaming umuwi ni Zardi sa bahay. Kanina sa kotse ko ay panay tikhim iyong kapatid ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.
Kapag tinatanong ko naman kung may problema siya ay iiling lang ang ugok.

Nandito na ako ngayon sa bahay. Nasa kusina lang ako at kumakain ng cake. Naka-ilang subo na ako ng biglang sumulpot si Zardi. Nakasandal siya sa may pinto ng kusina. Kunot noo niya akong tinitigan. Tumikhim siya saka nagsalita.

"What was that kuya?"

Ibinalik ko sa plato ang tinidor ko saka siya sinagot. "That what?"

"That babe thingy." seryoso ang mukha niya ng sabihin niya yon. Ang tinutukoy niya siguro iyong kanina.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon