Chapter 34

145 6 0
                                    


KAZE'S POV

Ayoko pa sanang gumising, ang kaso napilitan ako. Paano eh ang aga-aga ay may tumawag kaagad sa akin. Nakita kong hindi naka rehistro ang numero niya sa telepono ko.

"Sino to?" panimula ko at sumandal sa head board ng kama. Kahit nagsasalita ay naka-pikit parin ang mata ko.

"It's me. You didn't save my number?" tanong ng taong nasa linya. Si Master.
Mukhang nainis pa nga siya sa akin. Halata iyon sa toni ng boses niya.

"Hindi ko ugaling mag save ng numero." sagot ko at muling humiga sa kama.

"Well, practice it now.." utos ni Master sa akin. Napasinghap nalang ako sa.sinabi niya.

"By the way, Gabraiel called last night." dagdag niya pa. Na pukaw non ang imteres ko kaya iminulat ko ang aking mga mata.

"Anong sabi niya?" mababakas ang imteres sa boses ko.

"He said he wants to invite you.. He wants to play fencing with you."

"Kailan daw?"

"Sunday tommorow if that's okay with you."

Sandali akong nag-isip kung may gagawin ako bukas. Mukhang wala naman kaya pumyag ako. Sabado ngayon ngunit pupunta parin kami sa eskwelahan dahil intrams. Limang araw ang selebrasyon non kaya matatapos iyon sa araw ng martes. Ayos lang naman siguro kung hindi ako pupunta ng isang beses.

"Sabihin mo pupunta ako. Tanghali ako dadating doon." Sagot ko.

"Ikaw pa talaga ang nag set ng time." di makapaniwalang usal ni Master.

Hindi ko na siya sinagot at binaba ang linya. Tumayo ako at pumasok ng banyo. Nag sipilyo ako at naghilamos. Napamura pa ako ng pumasok iyong sabon sa mata ko. Nang matapos sa ginagawa ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kahit tinatamad ay pinilit kong magsaing ng bigas. Sa rice cooker kami nagsasaing kaya mabilis lang talaga iyon, bukod sa hindi na kailangang bantayan ay sigurado pang luto ang bigas. Malayo rin iyong masunog.

Sa salas ko na pinalipas ang oras. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako, nang minulat ko ang mata ko ay tinignan ko ang kanina. Hindi pa ito naluluto.

"Kanina ka pa gising?" nilingon ko si Kate at tumango ako.

"Waw! Buti at naisip mong magsaing!"

"Maiisip ko talaga yun, may utak ako eh." sagot ko at muling tumingin sa sinasaing. Nakita kong nagkulay berde na ang ilaw kaya batid kong luto na ito.

"May utak ka pala teh? Hahaha!" natatawang biro ni Kaze. Dumukwang siya sa ref at kumuha doon ng gatas at wheat bread.

"Ba't di mo subukang hindi mag rice sa umaga?" salita niya pa at pumwesto sa mesa. "Mukhang hindi ka mahubuhay ng walang kanina ah!" dagdag niya.

"Hindi ka naman talaga mahubuhay ng walang kanin. Araw-araw ka ba namang walang kain." usal ko. Tumingin si Kate sa akin at inikutan niya ako ng mata.

"Pilosopo ka rin no? Ewan ko sayo." tinuon niya ang pansin sa pagkain.

Kasunod ay nagluto ako ng itlog at hotdog. Iyon ang kinain ko. Habang ngumunguya ako ay napansin kong seryosong nakatingin sa akin si Kate.

Natigil tuloy ako sa ginagawa. Nakaka istorbo ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Alam mo?" panimula niya. Sasagutin ko sana siya na hindi ko alam. Ayoko siyang barahin, baka mainis nanaman sa akin. "May freshman na kumausap sa akin nong nakaraang araw."

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon