"Anong gagawin mo dito?" usisa ni Kate ng makapasok kami sa mall.
"May kikitain ako." sagot ko at binilisan ang paglakad.
"Sino?"
"Si Gabraiel."
"Hoy! Sino?! Teka nga!" hinablot ni Kate ang braso ko dahilan upang bumagal ang mga hakbang ko. "Teka nga lang Kaze!" asik niya at mas diniinan ang paghawak sa braso ko. Tumigil ako sa paglakad.
"Si Gabraiel."
"Sino nga yun? Gabraiel ka ng Gabraiel diyan."
"Siya yung kaibigan ni Attrius."
"Aish! Sino ba yang mga yan!" malakas ang pagkakasabi niya kaya naagaw namin iyong mga tingin ng ibang tao.
"Kamag-anak ko." naisagot ko nalang. Kahit hindi naman talaga. Hindi ko kasi alam ang itatawag sa kanila. Si Attrius iyong nagpalaki sa akin noong bata pa ako. Mahabang istorya. Sa sobrang haba ay hindi ko na matandaan pati iyong mga taong kahit papaano ay naging parte ng buhay ko. Hindi ko alam ang itatawag sa kanila. Kung bakit? Hindi ko alam. Mas pinili kong hindi maging ganoon kalapit ang loob ko sa kanila. Para kung sakaling mawala sila ay hindi ako maapektuhan ng lubos.
"Anyare te?" natawa si Kate. "Bigla ka diyang na pause. Hahah." hindi na ako nagpahalata na may iniisip ako. Muli ko siyang tinignan at lumakad. Sa di kalayuan ay natanaw ko si Gabraiel. Mukhang nakita na niya ako dahil nakatingin na siya sa akin.
"Ba't ganyan ang suot mo?" tanong ko ng makalapit siya sa amin. Hindi siya sumagot sa halip ay pasimple niyang tinapunan ng tingin si Kate. Nang makuntento ay muling bumalik ang tingin niya sa akin.
"Bakit?" kunot noong tanong niya.
"Balot na balot ka gayong napakainit dito sa Pilipinas." bahagya akong tumawa. Tinignan niya ang damit na suot at tumingin ulit sa akin.
"Nakakapag-init ka ng ulo." biro ko. Eh paano, nagsuot ba naman ng purong itim. Iyong pantalon pa niya ay gawa sa balat ng hayop. Ang pang-ibabaw niya ay itim na t-shirt na pinatungan ng maitim ding coat.
"Samahan mo akong mamili ng gamit." rektang sabi niya.
"Akala ko ba ay laro ang dahilan ng aking pagpunta." seryosong sabi ko.
"Mamaya pa iyon. Sa ngayon ay samahan mo muna akong mamili ng gamit." sabi niya at naunang maglakad. Lumingon ako kay Kate dahil sa pagkalabit niya sa akin.
"Siya si Gabraiel?"
"Oo."
"Mukhang suplado." ani Kate. Nagkibit balikat na lang ako. Sumunod kami sa paglakad. Itong si Gabraiel naman ay parang may hinahabol. Ang bilis maglakad. Tsk!
Huminto siya sa isang shop. Nilingon niya kami upang makita kung nakasunod kami sa kaniya. Nang makumpirma ay itinuro niyang papasok siya.
Sumunod kami ni Kate sa loob. Kahit nakakabagot ay na obliga akong sumunod sa kaniya.
"Snob siya 'no?" bulong sa akin ni Kate habang sinisipat niya si Gabraiel na nasa dulong bahagi ng shop.
"Alam mo? Pareho kayo. Mga may saltik." dagdag pa niya at inirapan ako. Natahimik lang siya ng makitang papalapit na sa amin si Gabraiel bit-bit ang maraming damit na naka hanger.
Tinapunan niya kami ni Kate ng tingin at dumiretso na sa counter. Pinanood ko siyang kausapin iyong cashier.
"Halika nga Kaze." bulong na naman sa akin ni Kate at hinila ako palabas ng shop.
"Talagang titignan mo lang siya ng ganyan? Sabihan mo kayang bilisan niya?! Ayos lang sanang tumayo buong maghapon basta may kinakain." asik niya sa akin. Mukhang naiirita talaga siya. Totoong mabagal ang pagkilos nitong si Gabraiel.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...