Apat na araw na ang nakalipas ng pumunta rito sa bahay si Bulldog. Dahil sinabing kong pupunta ako sa kaarawan ng ina niya ay hindi ko iyon babawiin. Narito ako ngayon at naghahanda ng isusuot ko sa piging.
"Talaga bang hindi ka sasama?" tanong ko kay Kate habang inaayos niya iyong buhok ko. Hindi raw niya papayagang magmukha akong waitress doon dahil bisita raw ako at dapat na maging presentable ang mukha ko. Ayoko ng makipag talo sa kanya kaya hinayaan ko kung anumang gagawin niya. Pansin ko ring magarbo ang kaarawan na iyon dahil maging iyong imbitasyon ay makikitaan ng mabusising disenyo. Sa estado ng buhay rin nila ay masasabing nakakaangat sila sa buhay.
"Hindi nga ako sasama. Sinabihan ako ni Zardi na pwede akong sumama pero hindi ko in-accept." sagot niya.
"Oh tapos na." aniya saka ako tinignan mula sa salamin. Simpleng pusod lang ginawa niya sa akin. Pinilit niya pa akong maglagay ng hikaw ngunit iyon lang ang tinanggihan ko.
Kinuha ko na iyong damit na susuutin ko. Isang cocktail dress daw iyon sabi ni Kate. May manipis iyong long sleeve, mesh kung tawagin. Pinatungan iyon ng dress na manipis ang strap, hanggang tuhod iyon na may kulay ng pinaghalong asul at abo. Tunay ngang maganda iyong damit, ang hindi ko lang alam ay kung maganda parin ba iyong tignan kung nasuot ko na. Hayaan ko ng si Kate ang mag husga, sinuot ko iyon at humarap sa kanya.
"Shyeeeet!" sigaw ni Kate. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Bumagay naman iyon sa kaunting make-up at sapatos na may takong.
"Ang ganda naman!" kumento pa niya.
Ngumiti lang ako at lumabas kami ng kwarto. Tinignan ko ang orasan at nakitang lampas limang minuto na ako sa oras na itinakda upang magsimula iyong piging. Dali-dali kong kinuha iyong imbitasyon at saglit na nagpaalam kay Kate bago lumbas ng bahay. Kaagad akong sumakay sa kotseng hiniram ko kay Master. Binagtas ko iyong daan patungo sa venue.
***********
Pinark ko kaagad ang sasakyan sa labas. Makikita iyong mga ibang sasakyang magara ng mga bisita. Bumaba ako at naglakad patungo sa gate. Nagulat ako ng makita doon si Bulldog. Talagang sineryoso niya ang sinabi. Mataman niya akong tinignan kaya napatigil ako sa paglakad. Parang sa paraan ng pagtingin niya ay nakikita niya pati iyong kaluluwa ko.
"Talagang seryoso ka sa sinabi mo." usal ko at lumapit sa kanya.
"Yeah, I'm really serious about that. Tara pasok na tayo." aniya at giniya ako papasok. Nakaramdam ako ng kuryente ng hawakan niya ako sa may siko. Pinilit kong hindi pansinin ang naramdaman.
Bumungad kaagad sa akin ang magandang venue. Mayroong mga mesang nakapalibot sa maliit na entablado. Iyong mga maliliit na bumbilya ang nagpapaganda sa buong lugar. Naka sabit iyon sa itaas, nagmistulang nagliliparang mga alitaptap. Talagang kumikinang ang paligid sa prominenteng kulay na ginto. Natatanaw ko sa entablado iyong ina ni Bulldog. Napakaganda niyang tignan sa kulay gintong suot. May mga taong naka pwesto sa mesa na hindi pamilyar sa akin ang mukha.
Nang tanawin ko ang iba pang mesa ayay nakita naman akong pamilyar na mukha. Batid kong nakita ko sila sa paaralan. Naroon din iyong sa tingin ko ay kaibigan ni Bulldog.Nang makalapit na kami sa mesa ay naabutan kong naroon iyong mga miyembro ng gang nila Bulldog. Ang iba ay nagulat ng makita ako. Batid kong hindi sila kumpleto dahil kaunti lang ang naka-upo doon. Si Rex lang ang medyo kilala ko kaya kumaway ito sa akin.
Sinalubong ako ni Zardi bago pa man ako maka-upo sa silya. Malapad ang ngiti niya.
"Kaze! I'm glad your here. Have a si------"
"Sit here Kaze." nilingon ko si Bulldog ng putulin niya ang sasabihin ng kanyang kapatid. Hinila niya iyong upuan at giniya ako. Naiilang man ay umupo ako kasabay nilang dalawa. Si Zardi ay nasa harap ko samantalang si Bulldog ay naupo sa tabi ko. Pinagkrus niya pa iyong braso niya sa dibdib. Ramdam kong ang tingin niya ay nasa akin.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Actionformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...