KAZE'S POV
Nang dumating kami sa bahay ni Attrius ay may mga guwardya na namang lumapit sa amin. Umiling nalang ako saka tinalon pagbaba ko sa motor.
"Nasaan siya?" rinig kong sabi ni Attrius sa kung sinong guwardya niya. Hindi ko na narinig ang naging sagot sa kanya dahil nauna na akong lumakad. Malaki ang hardin na narito sa harap ng bahay kaya ilang hakbang pa ang gagawin mo bago ka makapasok ng tuluyan. Malapad ang bahay ni Attrius at mayroon itong dalawang palapag. Hindi nga bahay ang tawag kundi mansiyon, mas kumportable lang akong tawaging bahay. Dito ako tumira noon kaya kabisado ko na ang loob. Napaka kanluranin ang disenyo ng bahay, sa labas man o sa loob. Lahat ng kagamitan dito ay hinango sa disenyong naroon sa Europa.
Hindi ko pa man nararating ang malaking pinto ng bahay ay may sumalubong na sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Bukod pa doon ay nakakunot din ang noo niyang nakatitig sa akin.
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating ang munting silong sa harap ng bahay. Nakaharang siya sa mismong pinto.
"Qui est cette fille?" nagsalita ang lalaki. Saglit pa siyang sumulyap kay Attrius bago niya pinirmi ang tingin sa akin. (Who's this girl?)
Mukhang magkasing edad lang naman kami kung sa mukha mo ibabase. Napakatalim ng bawat titig niya sa akin. Katamtaman ang kukaying balat niya, mapapansin din iyong maliit na peklat niya sa kaliwang kilay.
"She's Kaze" maikling pagpapakilala ni Attrius sa akin. Mula sa pagiging matalim na titig niya ay bigla siyang sumeryoso.
Tss. Hindi siya sumagot sa halip ay pinasadahan ako ng tingin. Umiling lang ako sa ginawa niya.
"Hindi pa ba tayo papasok?" bahagya kong nilingon si Attrius. Kanina pa kami nakatayo dito kaya nangangawit na ang paa ko.
Nang ibaling ko sa lalaki ang atensiyon ay taas noo siyang tumingin sa akin. Maikitang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Who are you?" bakas ang yabang sa boses niya. Umismid ako saka umiling. Binge ba 'to? Kanina'y pinakilala na ako.
"Kaze nga." pabalang kong sagot. Saka siya nabuburyong tinignan. Sumama ang mukha niya.
"Pas d'argent pour parler!" naiinis niyang sabi saka kami tinalikuran. Iiling-iling ko siyang sinundan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit. Baka dahil sa hindi niya ako maintindihan o talagang wala akong kwentang kausap.
"Hoy!" matigas kong pagtawag sa kanya bago pa man siya tuluyang makapasok. Nang lingunin niya ako ay naroon parin ang talim sa mga mata niya.
"Quoi?" mahinahong tanong niya bagaman may kayabangang makikita sa pagmumukha niya. Tch.
"Nagpapapansin ka ba? Sabihin mo lang kung mag gusto ka," malamya kong sabi saka ako umiling. Bumaling ako kay Attrius. "Itlog ba yan? Bugok eh." sabi ko. Hindi napigilan ni Attrius ang matawa.
"Nakakaintindi ako ng Tagalog," seyosong sabi niya. Tumaas ang kaliwang kilay niya. Lumapit siya sa akin at tinignan ako mata sa mata. "Ako? May gusto? Haha!" hindi makapaniwalang aniya. Hindi ko na ikinagulat ng magsalita siya sa kaparehong wika ko. Nasa isip ko na talagang posibleng nakakaintindi ito ng kaparehong wika ko. Hindi na rin ako magtataka kung sino siya. Halatang siya ang pinagkakatiwalaan ni Attrius. Alam ko iyong simbolong nakakabit sa itim niyang coat.
"Oo." tumango ako. "sabihin mo kung may gusto kang pagusapan." mahinang tugon ko. Bahagya ko siyang nginisihan. Pasiring ko siyang tinignan bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Sumunod narin ako kasabay si Attrius. Ipinilibot ko ang tingin sa kabauuan ng bahay. Wala paring nag bago. Lahat ng bagay ay naroon parin.
Nakita kong naroon ang lalaki sa mahaba at malaking pang-isahang sopa. May kaharap iyong isa pang sopa. Nakatingin na siya ng masama sa akin. Dahan-dahan akong lumakad saka ako umupo sa sopang kaharap niya. Pinatong ko ang parehong mga paa sa marmol na mesa. Mas sumama ang mukha niya saka ako inilingan.
BINABASA MO ANG
BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]
Aksiformerly, GANGSTERS This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all details of what has been written in this book is still the same. Seeking revenge isn't seeking justice. NOTE: THIS IS NOT A FAN FICTION. THEY...